Senator Bong Revilla on keeping low profile with “leading ladies’ man” image: “Di ba mas nakakatakot nga raw kapag tahimik?”

Senator Bong on his apparent closeness to leading lady Sam Pinto: “Lahat naman sila close sa akin. E… kasi si Sam, nakasama ko na dati. Pangatlo na naming pagsasama ito. So kumbaga, relaxed na kami o comfortable working with each other.”


Papasok na sa ikalawang aklat ang istorya ng Indio, ang fantasy series ng GMA-7. At balitang nag-e-enjoy daw sa pagti-taping ang bida rito na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

“Well, sabi ko nga, iba itong pinasok ko na ito. Ibang mundo ng paggawa ng hindi basta epic serye,” masiglang pahayag ng actor-politician nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, March 10.

EPIC EFFORT. “Talagang kakaiba. Unang-una mahirap. Pero gano’n pa man, masaya ako sa ginagawa ko.

“Noong una, sa totoo lang, sinabi ko talaga na first and last na gagawa ako ng ganitong epic serye. Dahil mahirap ngang gumawa ng isang teleserye.

“Talagang sakripisyo. You have to wake up at five in the morning. At uuwi ka ng bahay ng five in the morning again. Gano’ng kasakripisyo.

“Good thing na bakasyon kami ngayon sa Senado. Dahil kung magkakasabay, talagang hindi kakayanin ng katawan ko.

“Ngayon, four times a week na ang taping namin. Hand to mouth na, e.

“So, yung isu-shoot namin for today, ilalabas na siya after three or four days. Kaya talagang naghahagaran na kami.

“Good thing na yung mga effects, nauna na. Nakunan na. Kaya yung qualities ng effects ng Indio, makikita ninyo mataas pa rin ang standard,” kuwento niya.

BETTER ACTING? Marami ang nagsasabi na malaki na raw ang nabago pagdating sa acting ni Senator Bong. Agree ba siya sa feedback na ito sa kanya?

“As I said, di ba sabi ko nga… ibang Bong Revilla ang makikita ninyo sa Indio? At iyon naman ay siguro’y naobserbahan din ng iba nating manonood.

“And natutuwa ako na yung pinaghirapan ko ay nagbunga. At talagang ano… iba na ako.

“Iba na ang pakiramdam ko kapag nasa harap ako ng camera. Basta ibang-iba na.

“I’m sure magagamit ko ‘to na I’m sure paggawa ko ng pelikula, iba ang dating na sa mga susunod na panahon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung pagpasok ni Aljur Abrenica sa ikalawang aklat ng Indio may malaki bang ihahatid na pagbabago sa takbo ng kuwento?

“Bale ito… ano siya, parang Book 2 ng muling pagkabuhay ni Indio. Kasi namatay nga si Indio, di ba? Pero nabuhay sa tulong ng mga diwata.

“At sa muling pagkabuhay ni Indio, dito na ngayon ipapakita kung paano niya haharapin itong mga mapang-aping Kastila.”

FUN ON THE SET. Si Sheena Halili na isa sa co-stars niya sa Indio ay nagpapatotoo sa pagsasabing masaya nga raw lagi siya sa set— na halos parang ayaw na raw niyang umuwi kahit pack-up na sila.

Nangiti si Senator Bong kasunod ng pahayag niyang… “Sa totoo lang, halos uuwi na lang kami para matulog. Tapos pag gising mo, trabaho ulit.”

Bakit nga ba gano’n kasaya sa set ng Indio?

“Para na kaming magkakapatid lahat, e. Biruan.”

Magkakapatid lang talaga ang turingan? Kahit sa magagandang co-stars niya, magkakapatid nga lang ba talaga ang turingan?

“Oo naman!” sabay tawa niya.

LEADING LADIES’ MAN. Nakakapanibago nga na sa dami ng magagandang female cast ng Indio, walang nali-link sa kanya.

“Kasi mabait si Indio!” tawa ulit ni Senator Bong.

Nakakapanibago nga na tahimik lang siya habang patuloy ang pagtatrabaho niya with the female cast members ng project na ginagawa niya ngayon. Di gaya ng dati na kada makasama niyang leading lady ay nali-link siya.

“Di ba mas nakakatakot nga raw kapag tahimik?” napahalakhak na biro ni Senator Bong.

“Hindi! Joke lang... Mabait si Indio. Kaya huwag na ninyong intrigahin! Ha-ha-ha!”

Si Indio, mabait. E, ang isang Senator Bong Revilla?

“Lalo nang mabait! Ha-ha-ha!!!”

BONDING WITH SAM. Kapansin-pansin daw na sa lahat ng female cast members ng Indio, ang pinaka-close daw sa kanya ay si Sam Pinto. Bakit?

“Lahat naman sila close sa akin. E… kasi si Sam, nakasama ko na dati. Pangatlo na naming pagsasama ito. So kumbaga, relaxed na kami o comfortable working with each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ba siya nakakapagpigil ngayon na huwag matuksong maakit sa naggagandahan niyang kasama sa Indio?

“E… siyempre malulula ka talaga sa ganda nila. Silang mga diwata sa paligid ni Indio.

“Ano na ang gagawin ni Indio? E, di kakagat na lang ng ganito,” sabay kagat sa gilid ng kanyang kanan na palad habang iginagalaw-galaw niya ang mga daliri nito.

“Tao lang tayo para humanga sa kagandahan nila. Paghanga na lang... gano’n na lang.”

HOLY WEEK PLANS. This Holy Week, plano raw niya na magbakasyion sa Boracay kasama ang kanyang pamilya. Si Jodi Sta. Maria na girlfriend ngayon ng anak niyang si Jolo Revilla, kasama rin kaya nila?

“Hindi. Kaming buong pamilya lang talaga.”

Baka may ibang planong bakasyon sina Jolo at Jodi this summer?

“Wala akong alam!” sabay ngiti na sabi na lang ni Senator Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN