Angel Locsin worried about fans of Nora Aunor and Vilma Santos after beating their idols for Best Actress in Star Awards for Movies

Ito raw ang pumasok sa isip ni Angel Locsin nang talunin niya sina Nora Aunor at Vilma Santos sa Star Awards for Movies kagabi: "Ang iniisip ko lang kanina nang nanalo nga ako, ‘Paano ako makakalabas nang buhay?” natatawang sagot ng Kapamilya actress. Feeling ko, ‘Oh, my God, nandiyan ang mga Noranians. Nandiyan ang mga Vilmanians…’ Although hindi naman sila mga salbahe, mabait naman sila. Pero parang ano lang ako, parang&hell


Si Angel Locsin ang itinanghal na Movie Actress of the Year sa katatapos na 29th PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa AFP Theater kagabi, Sunday, March 10.

Nagwagi si Angel para sa kanyang pagganap sa pelikulang One More Try, na naging entry sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Tinalo ni Angel sina Nora Aunor (Thy Womb), Vilma Santos (The Healing), Gina Alajar (Mater Dolorosa), Bea Alonzo (The Mistress), Jodi Sta. Maria (Migrante), at ang co-star niya sa One More Try na si Angelica Panganiban.

(CLICK HERE to read related story.)



BEATING NORA AND VILMA. Tila hindi makapaniwala si Angel nang tawagin na ang kanyang pangalan at napahaba naman ang kanyang acceptance speech dahil hirap siyang mag-isip ng tamang sasabihin.

“Sobrang tension lang talaga ako!” natatawang sabi ni Angel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng awards night.

Dagdag niya, “Alam mo yung hindi lang talaga ako makapaniwala.

“Pagdating ko dito, siyempre alam ko yung ibang kapwa ko nominees na kasama—sina Tita Vilma, Ate Guy, at Ms. Gina Alajar—parang ang kapal naman ng mukha ko kung aasa ako, di ba?

“Kaya hindi lang talaga ako makapaniwala nang ang pangalan ko ang tinawag na nanalo.

“And I’m just very thankful, especially sa PMPC, kasi siguro binibigyan nila ng chance yung mga mas bagong artista.”

Last year ay si Angel din ang nagwaging Best Actress sa Star Awards For Movies para sa In The Name of Love.

Pero ngayong taon, mas mabigat ang nakalaban niya dahil kasama sina Nora at Vilma sa mga nominado.

Itinuturing ba niyang special moment ang kanyang panalong ito?

“Wala pa ako sa moment na special.

“Kasi ang iniisip ko lang kanina nang nanalo nga ako, ‘Paano ako makakalabas nang buhay?” natatawang sagot ng Kapamilya actress.

Sabi pa ni Angel, “Feeling ko, ‘Oh, my God, nandiyan ang mga Noranians. Nandiyan ang mga Vilmanians…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although hindi naman sila mga salbahe, mabait naman sila.

“Pero parang ano lang ako, parang… paano ko ba ie-explain ang sarili ko?

“Dahil siyempre yung mga idolo nila, nakakailang best actress awards na.”

Pero wala namang nag-walkout o nag-boo na mga Noranians o kahit Vilmanians nang si Angel ang tinawag na nanalong Best Actress.

“Actually, hindi ako tumingin kasi natakot talaga ako. Pero ang bait naman nila,” pagtukoy niya sa mga Noranians at Vilmanians.

Patuloy ni Angel, “Pasalamat talaga ako.

“Kasi, alam naman natin na ibang klase naman talaga ang talento nila [Nora and Vilma], di ba?

“Salamat sa chance na parang ipinaubaya muna nila na, ‘O sige, sa ‘yo muna ‘yan [best actress trophy].”

Nakita siguro ng mga fans ni Nora kung paano magbigay-galang si Angel sa Superstar nang magkita silang dalawa kagabi?

Sagot ni Angel, “Karespe-respeto naman talaga.

“Kahit bago pa itong sa Star Awards, may isang awards night pa kaming napuntahan before na… nilapitan ko rin siya para magbigay-pugay lang.”



WORKING WITH ATE VI AND ATE GUY. Nakatrabaho na ni Angel si Vilma sa Mano Po 3 (2004). Pero gusto pa rin daw niyang nakasama sa isang project ulit ang Star For All Seasons, na ina ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Paliwanag ni Angel, “Never kasing naging enough yung eksena namin together sa Mano Po.

“Ang unang eksena ko yata sa kanya, kailangan kong maging galit.

“Hindi ko magawa-gawa kasi nakatulala ako sa kanya, e. Hindi ko magawa talaga.

“Tina-try kong magalit pero makita mo yung mukha ni Tita Vilma, ang amo, e.

“Si Ate Guy, hindi ko pa nakakatrabaho.

“And siguro, kung okey sa kanya, kung sa tingin niya ay hindi siya mahihirapang katrabaho ako, or sa tingin niya makakatulong ako sa project, go!”



FORGETTING PHIL. Mas may pressure ba kapag nananalo siya ng acting award?

“Hindi pa nagsi-sink in, sa totoo lang!” natatawang sagot ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sakit nga ng ulo ko ngayon kasi parang yung panic at yung tensiyon, yung kaligayahan sa pagkapanalo ko, parang… toink!

“Biglang gumano’n. Na parang lahat ng kinain ko, nandito na sa batok ko ngayon!”

Nakalimutan nga ni Angel na banggitin sa kanyang acceptance speech ang boyfriend niyang si Phil Younghusband.

“Naku, alam naman niya ‘yon,” sambit ng aktres.

“Kasi kanina, bago ako nagpunta sa awards night, dumating siya sa bahay.

“Tinanong niya kung gusto ko raw ng escort. Sabi ko naman, ‘Naku, hindi ka pa naman naka-ready ng suit.’

“Sabi naman niya, isusuot niya yung dati. Alam mo naman ‘yon, wala naman siyang kaarte-ate, di ba?

“Ako ang maarte. Kasi sabi ko, ‘Ay naku, baka sabihin hindi ka nagpapalit ng damit! Next time na lang.’

“Pero nung paalis na ako, parang, ‘Sana kasama ko siya.’ Parang ganun.”



ANGELICA PANGANIBAN. Kumusta naman sila ngayon ni Angelica Panganiban?

Si Angelica ang nag-host ng Star Awards For Movies kagabi, kasama sina Kim Chiu at Piolo Pascual. May mga nakapunang parang nag-iiwasan pa rin sila dahil na rin siguro sa napapabalitang hindi pa naayos ang gap sa pagitan nila.

“Well, hindi pa kami nagkikita,” matipid na sagot ni Angel.

Bakit umiiwas siyang mapag-usapan si Angelica?

“Hindi naman. Siguro mas better na habang tumatagal tayo sa trabaho natin, mas pinipili mo na siguro kung ano yung sasagutin mo o hindi.

“Kung hindi naman kasi positive para sa aming dalawa, e, di hindi na lang.

“Mas okey na yung ganun na lang,” paliwanag ni Angel.

Working with Angelica again for the second time, okay lang kaya sa kanya?

“Huwag na muna nating pag-usapan,” iwas ni Angel.



MOVIE WITH BEA, TONI, & SHAINA. Napapabalitang may gagawin silang pelikula nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao. Tuloy na ba ito?

“Yes, pero hindi pa kami nag-start ng shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi si Direk Cathy [Molina] ay sobrang busy at kawawang-kawawa na hindi siya nakakapagpahinga.

“Pero I think next week yata, makakapag-shooting na kami.

“At excited ako talaga sa project na gagawin namin.”

Totoo bang nagpatawag siya ng dinner sa bahay niya para maka-bonding sina Toni, Shaina, at Bea?

“Hindi naman nagpatawag ng dinner. Parang madam na madam naman ang dating ko no’n!” sabay tawa ni Angel.

“Hindi, parang tambay lang.

“Tinext ko sila na baka gusto nilang tumambay. Tapos nagkataon na puwede naman sila.

“And then minsan, lumalabas-labas kami. Gano’n.”

May isyung nagkaroon daw ng kulay ang pelikulang ito. Si Shaina raw kasi ang pumalit kay Angelica Panganiban sa nasabing project.

Si Shaina ay ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz, na boyfriend naman ngayon ni Angelica.

Sabi ni Angel tungkol dito, “Naisip ko nga… oo, parang nagkaroon nga ng kulay sa ngayon.

“Pero hindi namin kasi iniisip. Hindi kasi kami ganun mag-isip.

“Basta masaya lang kami and excited kami na magkatrabaho. Na… mabigyan kami ng trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN