Carmi Martin reveals how she stays long in showbiz: “Marami lang kasi akong kaibigan kaya hindi tayo nawawalan ng trabaho.”

Marami ang nag-aakala na noong dekada ’70 pa nagsimula ang showbiz career ni Carmi Martin. Pero diin niya, “Naku, doon ako sa ‘80s, ha! Kahit mag-research sila, 1980 ako nagsimula sa Dolphy’s Angels. Ang mga ‘70s ay sila Kuya Ipe at Direk Gina. Ipinagpipilitan nilang ‘70s star ako. Pumuprotesta ako talaga!”


Masayang-masaya si Carmi Martin nang mag-reunite sila nina Phillip Salvador at Gina Alajar sa afternoon drama series na Unforgettable ng GMA-7.

Tinatawag na mga "Lino Brocka Babies" sina Carmi, Phillip at Gina dahil sa mga pelikulang ginawa nila sa ilalim ng yumaong award-winning director.

Ikinatutuwa ni Carmi na kahit na lumipas na ang maraming taon ay active pa rin silang tatlo at ngayon ay magkakasama pa sila sa isang TV series.

Saad niya, “Sino makakapagsabi na puwede pala kaming magkasama ulit, di ba?

“Husband ko si Kuya Ipe [Phillip] at director naman namin si Gina.

“Noong sabihin nga sa akin na I will be doing this series with Phillip and Gina, natuwa ako kasi reunion na namin ito.

“Huli kaming nagkasama-sama ay sa movie ni Lino na Kapit Sa Patalim: Bayan Ko noong 1985 pa.

“Magkakasama pa kaming um-attend ng Cannes Film Festival that year.

“May nagbiro nga na mga artista ng ‘70s, ‘80s, ‘90s at 2000 ay nagsama-sama dito sa Unforgettable.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi sa set ng Unforgettable sa Quezon City.

Inunahan ni Carmi na kabilang siya sa dekada ‘80.

“Naku, doon ako sa ‘80s, ha!” sabay tawa pa ni Carmi.

“Kahit mag-research sila, 1980 ako nagsimula sa Dolphy’s Angels.

“Ang mga ‘70s ay sina Kuya Ipe at Direk Gina.

“Ipinagpipilitan nilang ‘70s star ako. Pumoprotesta ako talaga!” tawa niya ulit.

PHILLIP SALVADOR. Inamin ni Carmi na isa sa paboritong katrabaho niya noon ay si Phillip Salvador.

Bukod daw kasi sa guwapo at macho ito ay ang husay-husay pang artista.

“Matagal ko nang hindi nakakatrabaho si Kuya Ipe. Yung last nga namin was Kapit Sa Patalim in 1985.

“Bago iyon, naging leading man ko siya sa Hot Property (1983) at brother-in-law ko naman siya sa Cain at Abel (1982).

“Mas nakakatrabaho ko noon si Boyet [Christopher de Leon]. Tapos more on mga comedies na ang ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Kuya Ipe kasi noon, tahimik lang ‘yan. Bihira siyang makipagkuwentuhan noon kasi serious ‘yan sa pag-memorize ng lines niya.

“Pero kapag pack-up naman na kami, doon na siya nakikipagkuwentuhan sa amin.

“Mabait ‘yang si Kuya Ipe. Noong ginagawa nga namin yung Kapit Sa Patalim, concern niya ang shooting crew.

“Gusto niya na maayos na nakakakain lahat. At nasusuwelduhan nang tama.

“Makatao kasi si Kuya Ipe at ayaw niyang may naaapi sa set.

“Siguro nga, dahil na rin sa impluwensiya ni Direk Lino kaya ganoon si Kuya Ipe.

“Up to now nga, sa taping namin, ganoon siya.

"Inaalam niya kung nakakain na ba ang lahat. Tsaka gusto niya, masaya ang paligid namin.

“Kaya ang crew, mahal na mahal si Kuya Ipe.

“Hindi siya nagbago at ang mga maliliit na mga trabahador ng industriya ang main concern niya parati,” lahad ni Carmi.

GINA ALAJAR. First time naman siyang maidirek ni Direk Gina kaya kinabahan daw si Carmi noong unang taping day niya.

Saad niya, “Kahit sino naman kakabahan, di ba?

“Mahusay na nga siyang artista, ngayon director pa siya.

“Kaya hindi ako dapat maging kampante, di ba? Gina Alajar na itong magdidirek sa akin.

“Sinabi ko nga kay Direk Gina na kinakabahan ako kasi siya ang director namin.

“Natawa lang siya at sinabi niya na huwag akong kabahan dahil wala naman daw dapat akong ipagkaba.

“In fairness, kung sino si Gina noon na artista, ganoon pa rin siya bilang director—mabusisi siya pero wala kang mararamdaman na tensiyon.

“Cool na cool lang siya kaya kaming lahat sa set, relaxed, walang natataranta.

“Natutuwa ako sa pag-evolve nga ni Gina.

"Imagine, from being a child actress, naging award-winning actress at director na siya ngayon!

“At proud ako na nakatrabaho ko siya noon at hanggang ngayon.”

CONTINUOUS WORK. Hindi nawawalan ng trabaho si Carmi, mapa-TV man or pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huli siyang napanood sa TV sa series na Broken Vow at nakadalawang pelikula siya last year—The Healing at The Mistress.

“Marami lang kasi akong kaibigan kaya hindi tayo nawawalan ng trabaho!” tawa niya.

“Kasi, I can work with both GMA-7 and ABS-CBN 2. Hindi naman ako tali sa anumang kontrata kaya walang problema sa mga offers na dumarating.

“Tsaka it also helps na you maintained your friendship with the people na nakatrabaho mo na noon.

“Isa ‘yan sa natutunan ko sa showbiz… yung makisama ka sa kahit kanino dahil hindi mo alam na you may need their help balang-araw.

“Kaya ako, long-standing na ang friendship ko with the people of both networks dahil sila nagbibigay ng trabaho sa akin.

“I am just thankful na hindi nila ako nakakalimutan na isama sa mga bagong shows.

“Kaya hanggang ngayon, busy pa rin tayo at nakakatrabaho ang mga bagong artista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN