Nora Aunor graciously accepts defeat to young actresses Angel Locsin and Marian Rivera

Malugod na tinanggap ni Nora Aunor ang pagkatalo niya kina Angel Locsin at Marian Rivera sa nakaraang Star Awards for Movies at Golden Screen TV Awards. Saad ng Superstar, “Mas mabuti nga yung ikaw ang nagiging example nila, e. Kasi mula umpisa na nakatanggap ako ng award hanggang ngayon, ibig sabihin nun, nagiging inspirasyon ka nila, e.”


Tila tanggap naman ng Noranians ang pagkatalo ng kanilang idolo na si Nora Aunor sa ginanap na 29th PMPC Star Awards for Movies kagabi, March 10, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Si Angel Locsin ang nagwaging Movie Actress of the Year para sa pagganap nito sa One More Try. Si Nora ay nominado para sa kanyang role sa Thy Womb.

(CLICK HERE to read related story.)

Walang nag-walkout at walang nag-boo nang umakyat na sa stage si Angel para tanggapin ang napanalunan niyang acting trophy.

Kahit si Nora ay hindi naman nakitaan ng pagkadismaya.

Tanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Superstar pagkatapos ng awards night, maluwag ba sa loob niyang tanggapin na natalo siya ng isang kabilang sa tinatawag na new breed of actresses?

“Siyempre naman,” nakangiting sagot niya.

“Mas mabuti nga yung ikaw ang nagiging example nila, e.

“Kasi mula umpisa na nakatanggap ako ng award hanggang ngayon, ibig sabihin nun, nagiging inspirasyon ka nila, e.”

Usap-usapan na ang mahigpit na naging magkalaban for Best Actress sa Star Awards For Movies ay sina Nora at Angel.

Ano ang masasabi niya rito?

“Kahit na sino ang sabihin mahigpit na katunggali ko, okey lang ‘yon!” natawang reaksiyon ng aktres.

MARIAN RIVERA. Sa katatapos na Golden Screen TV Awards ay tinalo naman si Nora ni Marian Rivera for Oustanding Actress in a Drama Series.

Si Marian ay nanalo para sa Amaya at si Nora ay nominado para sa Sa Ngalan Ng Ina.

Ano ang masasabi niya rito?

“Alam mo, natutuwa ako dun dahilan sa… si Marian naman, alam mo naman, very vocal naman na mahal tayo, e.

“Mahal ako ni Marian kaya guso ko rin siyang i-congratulate sa pagkapanalo niya.”

May mga nagri-react na hindi raw deserving si Marian na manalo ng nasabing award, pero kinontra ito ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ay, hindi, deserving ‘yon.

“Lahat ng mga nananalo ng award, deserving lahat ‘yon.

“Hindi naman mapapanalunan nila lahat ‘yon kung hindi deserving sila, e, di ba?”

NOT EXPECTING. Samantala, balitang matunog ang pangalan ni Nora for Best Actress sa nalalapit na Asian Film Awards, kung saan nominado rin siya para sa Thy Womb.

“Huwag tayong umasa,” sabay ngiti ni Nora.

“Pero yung ma-nominate ka lang sa ganyang klaseng award sa ibang bansa ay isang karangalan na para sa akin.”



NO PROBLEM WITH TV5. Lately ay may balitang may problema raw sa pagitan ng Superstar at ng management ng TV5.

Ito raw ang dahilan ng pagkawala niya sa seryeng Never Say Goodbye na launching project ng Artista Academy winners na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Ano ba ang totoo tungkol dito?

Sabi ni Nora, “Huwag kayong maniwala dun. Mahal ako ng TV5, sa totoo lang.

“At ang TV5 ang kumuha sa akin, naniwala, nagtiwala.

“Hindi nila ako puwedeng pabayaan.”

So babalik siya sa Never Say Goodbye?

“Siyempre naman, oo.

“Kaya lang naman ako umalis nun dahil sa greencard,” na kailangan kasi niyang i-renew.



NORA & PILITA. Matapos magbati ang anak niyang si Lotlot de Leon at ang biyenan nitong si Pilita Corales last December, kamakailan ay napabalita naman na nagkaayos na rin daw si Nora at ang kanyang balae.

Sabi ni Nora, “Ay, oo. Walang problema.

“Nagkausap na kami lahat at masaya naman.

“Mas mabuti ‘yon para magaan ang pakiramdam dahil wala kang nakakasamaan ng loob.

“At sana nga yung mga medyo… hindi naman nag-aaway pero yung mas maganda yung may pagmamahalan na lang sa isa’t isa.”



NORA’S HEALTH. Kumusta naman ang kundisyon ng kanyang kalusugan ngayon?

“Maganda naman. Yun nga lang, yung paa ko, medyo namamaga ngayon. Natapilok ng konti.”

Ano na ang update sa nakatakdang muling pagpapa-checkup niya sa Amerika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa June, pagbalik ko ulit doon,” banggit ni Nora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN