Sunshine Cruz does not regret the decisions she made in her life: "Kung babalikan ko ang mga nangyari, alam ko tama ang ginawa ko."

Unti-unti nang nagbabalik sa showbiz si Sunshine Cruz sa kabila ng problemang kinahaharap nito sa pagsasama nila ng asawang si Cesar Montano. Sabi ni Sunshine, "I’m moving on. I just wanna be happy right now. I just wanna do anything na makakabuti sa akin."


Visible na ulit ngayon sa showbiz events si Sunshine Cruz matapos ang napabalitang problema sa pagsasama nila ng mister niyang si Cesar Montano.

Ito ang hudyat na nagbabalik na nga si Sunshine sa showbiz pagkatapos hindi maging aktibo ng maraming taon simula nang magpakasal sila ni Cesar.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine kagabi, March 10, sa 29th PMPC Star Awards for Movies—kung saan siya dumalo bilang isa sa presenters—halatang na-miss niya talaga ang ganitong events.

Sabi niya, “Oo naman. After thirteen years, parang naninibago ako.

“Pero, very supportive naman sa akin ang lahat.

“Siyempre, nami-miss ko rin talaga siya. Dito naman ako nanggaling kaya yun din ang binabalikan ko ngayon.

“Yeah, I’m happy,” sambit pa niya.



SUNSHINE’S STRENGTH. Sa kabila ng bagyong pinagdadaanan ni Sunshine, halatang kayang-kaya niyang dalhin ang kanyang problema.

Saan at ano ang pinaghuhugutan niya ng kanyang lakas?

“Siyempre ang aking mga anak,” mabilis niyang tugon.

Ano ang reaksiyon ng mga anak nila sa kanilang sitwasyon ngayon ni Cesar?

Sagot ni Sunshine, “They are smart children.

“They understand naman the situation. And I think, naha-handle naman nila yun.

“Ako naman, I have to… I’m moving on.

“I just wanna be happy right now.

“I just wanna do anything na makakabuti sa akin.”

Mabuti nga raw at malakas siya sa Itaas. Ito rin daw ang sandalan niya sa mga panahong ito ng pagsubok.

“Wala namang ibinibigay sa atin ang Panginoon kung hindi natin kaya.

“Kakayanin ko,” pahayag ng aktres.



LOVE IS STILL THERE. Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Cesar, hindi raw maipagkakaila ni Sunshine na mahal pa rin niya ang kanyang asawa.

Pag-amin niya, “Kung sa love, hindi naman mawawala yun, e. First love ko yun, e.

“Pero ang importante nga sa akin ngayon ay mahalin ko ang sarili ko at ang kids ko. Kaya, trabaho lang muna ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami ang dumarating na trabaho kaya doon muna ako naka-concentrate.”

Higit sa ano pa man, wala raw siyang pinagsisisihan.

“I don’t regret anything sa anumang nagawa ko in my life, especially nandyan ang kids na mahal na mahal ka.

“Wala akong pinagsisihan kasi I know na ginawa ko ang lahat for this relationship to work, pero wala talaga.

“There are times na nag-iisip din ako if tama ang naging decision ko but, I guess, kung babalikan ko ang mga nangyari, alam ko tama ang ginawa ko.”



KRISTA MILLER. Sa interview ng starlet na si Krista Miller sa The Buzz ay itinanggi niyang may relasyon sila ni Cesar, sa kabila ng pahayag ni Sunshine tungkol sa kanila.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi rito ni Sunshine?

“Madali lang mag-tweet, di ba?” maiksing tugon niya.

Tumanggi na si Sunshine na sagutin pa ang ibang katanungan tungkol kay Krista. Mas gusto raw niyang pag-usapan ang kanyang pagbabalik sa pelikula at telebisyon.

Aniya, “Well, I hope I can get more jobs this time.

“I’m a single mom now, so I really have to work hard.

“Basta yung sa kids ko, I have to work hard for it.

“Sanay naman ako sa simpleng buhay lang as long as may work, okey na ako.”



SUPPORT FROM CESAR. Hihingi ba siya ng suporta mula kay Cesar?

Sagot ni Sunshine, “Hindi ko naman siya inoobliga, pero it’s up to him.

“But knowing him na mahal niya ang mga anak niya, I believe naman na nandun pa rin ang kanyang one hundred percent na suporta.

“Bilang father naman, wala naman akong masasabi sa kanya.

“Yung sa akin, wala namang problema.

“Hindi naman material na bagay ang nagustuhan ko sa kanya kaya iniwan ko ang magandang career ko noon at magpakasal sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN