Jaclyn Jose almost bumps into Albie Casiño at Star Awards for Movies: “Ay, hindi ko siya gustong makita!”

Ito ang sagot ng aktres na si Jaclyn Jose nang tanungin tungkol sa balitang pagkakabalikan ng anak niyang si Andi Eigenmann at ng ex-boyfriend nitong si Jake Ejercito: “Ay, wala akong magagawa kasi nanay lang ako. Nagka-pregnant nga siya nang hindi ko alam. Pero siguro naman… she’s more intelligent enough after what happened. You know, there can always be a second time na manloko ang lalaki, nasa sa kanya na yun.”


Kapapasok pa lang ni Jaclyn Jose sa red carpet ng 29th PMPC Star Awards for Movies sa AFP Theater kagabi, March 10, nang magpaunlak ito ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Tinanong ng PEP ang aktres kung sa palagay ba niya ay vindicated siya sa naging pahayag niya noon tungkol sa pagtutol ng parents ni Jake Ejercito sa anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann.

Si Jake ay ex-boyfriend ni Andi at anak ni dating President Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Matatandaang nagkatampuhan silang mag-ina pero nagkaayos din nang kumalas si Jake sa pakikipagrelasyon nito kay Andi.

“Mother is always right, ang sabi nga ni Andi,” nakangiting pagsang-ayon ni Jaclyn.

LONDON TRIP. Pero nabalitang nagpunta si Andi sa London para makipag-reconcile kay Jake. Totoo ba ito?

“Yeah, she went… but it’s between her and Jake.

“I don’t know… ayoko nang makialam sa bagay na ‘yan,” iwas ng aktres.

Humingi ba ng pahintulot sa kanya si Andi sa ginawa nitong paglipad patungong London?

“Of course, she can’t leave out of Manila without telling me.”

Itinanggi ni Jaclyn ang balita na galing kay Jake ang airfare at iba pang expenses ni Andi sa pagpunta nito sa London.

“No, she did not. She paid for her own expenses!” bulalas niya.

Ano ba ang ginawang activities ni Andi noong nagpunta ito sa London?

“Marami, may mga pinuntahan siyang town doon out of London—Liverpool…

"Nakasilip siya ng two weeks off, e, after the soap [Kahit Puso’y Masugatan].

“Pagdating na pagdating niya dito, nag-shooting na siya agad sa Viva.”

Masayang ibinalita ni Jaclyn sa PEP na may sisimulang bagong pelikula ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa Viva Films.

Maliban sa bagong movie, may uumpisahan din daw na bagong serye ang anak niya sa ABS-CBN na may tentative title na Galema. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Wenn Deramas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jaclyn naman ay kasama sa bagong primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin.

NO MORE WORRIES. Kumusta na ang relasyon nila ngayon ni Andi?

“Okay… we’re okay.”

Bumalik ba yung dati nilang closeness o pagiging magkaibigan?

“Oo, bumalik!” masaya niyang pagbabalita.

Secured na ba ang feelings ni Jaclyn at wala na siyang masyadong worries kay Andi?

“Oo, medyo, hindi niya ako binibigyan ng worries,” sagot niya.

Mas gusto niya ba ang ganitong sitwasyon ni Andi na wala munang lovelife?

“Kahit ano, basta stable siya, okey siya.”

Paano kung magkabalikan sila uli ni Jake?

“’Yan ang hindi ko alam.”

Okey ba sa kanya?

“Ay, wala akong magagawa kasi nanay lang ako.

“Nagka-pregnant nga siya nang hindi ko alam.

“Pero siguro naman… she’s more intelligent enough after what happened.

“You know, there can always be a second time na manloko ang lalaki, nasa sa kanya na yun.”

Pero may mga naglalabasang balita na talagang nagkabalikan na sina Andi at Jake?

“Hindi ko alam. Kasi may sinabi rin si Jake na hindi ko nagustuhan... yung interview niya sa newspaper.

“So, hindi ko talaga alam. It’s up to Andi to decide and for me to react.

“Wala naman akong magagawa kundi ang mag-react na lang, di ba?”

Ano ba ang mai-advice niya kay Andi sa pagha-handle nito ng buhay niya ngayon?

“Be wise. Be… yun bang think ten times this time.”

Pagkatapos ng mga nangyari kay Andi at sa lovelife nito, mas nakikita at naa-appreciate ba ni Andi ang mga advice niya?

“Oo, I feel… ako naman, hindi naman ako namimilit sa kanya.

“Time will tell that what I am doing is right and what I am reacting is right.”

Malalim ba ang sama ng loob niya kay Jake?

Sagot ni Jaclyn, “Hindi na malalim pero meron pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro hindi na lang dapat pag-usapan dahil sila na lang dalawa ni Andi ang bahala sa buhay nila.”

ALBIE CASIÑO. Bago pumasok si Jaclyn sa AFP Theater ay nauna sa kanyang pumasok si Albie Casiño nang ilang dipa lang.

Si Albie ang ex-boyfriend at sinasabing ama ng anak ni Andi.

“A, talaga? Buti na lang at hindi ko siya nakita,” kalmadong sabi ni Jaclyn.

Paano kapag nakita niya si Albie?

“Ay, hindi ko siya gustong makita!”

Paano kung magkita sila sa backstage?

“Naku! Manggi… naku, huwag naman sana.”

Paano kapag nakita niya sa loob ng AFP Theater si Albie?

“Naku, dyuskupo! Huwag naman sana! Well, I’ll advice them not to... huwag kaming pagtabihin. Not tonight!”

Muntik-muntikanan na nga silang magpang-abot ni Albie, nauna lang ito ng ilang minuto at naharang lang siya ng press. Ini-interview naman sa kabilang grupo ng media ang young actor.

“Talaga? Buti na lang na-late ako,” reaksiyon ni Jaclyn.

Hindi pa ba sila nagkikita kahit minsan magmula nang magkaroon ng isyu sa pagitan nila?

“Hindi pa, mula nung itinakwil niya…”

Kung sakaling humingi ng sorry si Albie, tatanggapin ba ni Jaclyn?

“Huwag ngayon… huwag ngayon!

“At saka hindi ko kailangan… ang sarap-sarap ng apo ko, e, hindi ko sila kailangan.”

Gaano ba kalalim ang galit niya kay Albie?

“Siyempre, ikaw ang ina na nagpaaral, nagpalaki na mag-isa ng iyong anak, binigyan mo ng magandang buhay, ng kinabukasan...

"Pagkatapos may isang taong nanira, tinalikuran, at winalanghiya… yung ginawa kay Andi.

“Pero eto na naman, bumabalik sa iyo ang nakaraan.

“Pero okey lang sa akin ang past sa akin. Past na yun, okey na yun.

“Ang importante, si Ellie [anak ni Andi], in-embrace namin siya nang wholeheartedly at mahal na mahal ko.”

Masisira ba ang mood niya kapag nakita niya si Albie?

“Hindi ko na lang siyang titingnan. Ipipikit ko na lang yung mga mata ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa pahayag ni Albie na masaya siya para sa buhay ni Andi ngayon?

“E, di good,” matipid na sagot ni Jaclyn saka sinundan ng isang makahulugang ngiti.

BLOOD IS THICKER THAN WATER. Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ng kapatid niya at dating aktres na si Veronica Jones?

Kaibigang matalik ni Veronica Jones ang ina ni Jake na si Laarni Enriquez.

Inamin ni Jaclyn na nasira ang friendship nina Veronica at Laarni mula nang ibuko niyang hindi gusto ng huli si Andi para kay Jake.

“Okey kami, para kaming sanggang-dikit niyan, e,” pagtukoy niya kay Veronica.

Ibig sabihin, mas sinusuportahan ni Veronica ang pagiging magkapatid nila kaysa sa friendship nito kay Laarni?

“Of course! Kapatid niya ako, e,” mabilis na sagot ni Jaclyn.

Nasira na talaga ang pagkakaibigan nina Veronica at Laarni?

“Parang ganon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN