JM de Guzman on drug issue: "Hindi na lang po ako magsasalita. Kasi, opinyon naman po nila yun, e, and I respect their opinion."

Mariing itinanggi ni JM de Guzman na bad influence sa kanya ang kambal na Felix at Dominic Roco. Sabi ng aktor, “Katulad po nila, malawak po silang mag-advise. And pagdating po doon sa bad influence, siguro po, medyo bad boy lang yung dating nila. Pero napakababait po nila.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM de Guzman sa launch ng kanyang bagong album, ang Tensionado, noong Biyernes, March 8.

Ginanap ang album launch ni JM sa Activity Center ng Trinoma.

Saad ng actor-singer, “Hindi po first time na lumabas ako ng stage. Pero first time na lumabas ng stage na may mga kasama akong professional musicians po talaga.

“So iba po yung preparation ko, hindi ako nakatulog kagabi kakapraktis...

“Pinapakinggan ko yung ni-rehearse namin kasi ayoko rin silang mapahiya.

“Alam kong I have to do my best, I have to... ibenta po, ibenta po hanggang sa makakaya ko yung album."

SINGING AND ACTING. Ibig bang sabihin nito ay mas pagtutuunan na niya ng pansin ngayon ang singing kaysa acting?

“Hindi naman po sa ganoon. Para sa akin po, hindi naman po nagkakalayo...

“Kasi, kailangan din po ng mga aktor, na music din po ang kailangan para makaarte, at lahat po ng tao kailangan ng music.

“And hindi po siya isa lang dapat.

"So yung passion ko po sa acting, hindi po mawawala yun.

“And yung love ko rin po sa music, hindi rin po mawawala.”

Sa palagay niya, saan siya mas mahusay—sa pag-arte o sa pagkanta?

“Hindi ko po... sa akin po, tumatanggap po ako ng compliment.

“Pero ayoko pong sabihin sa sarili ko na, ‘Magaling na ako, na okay na ako dito.’

“Kasi, gusto ko parating parang meron pa pong nadidiskubre, kasi endless po siya, e... endless learning... and craft.

“Kinu-consider ko siyang craft hindi lang po basta trabaho.”

ALBUM TRACKS. Ang personal favorite daw niya sa album ay ang awiting “Tensionado.”

“Maganda yung kanta, e.

Nasa album din ang mga kantang “Have I Told You Lately” ni Rod Stewart, “Lost In Space” ng Lighthouse Family, “Don’t Give Up On Us” ni David Soul, at ang “Tensionado” nga na orihinal ng Soapdish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Laman din nito ang collaboration ni JM at ni Jaq Dionisio ng Kiss Jane sa hit song ng Itchyworms na “Akin Ka Na Lang,” na carrier single ng album.

Ka-duet naman ni JM ang Acoustic Diva Suy sa special track na “Terrified.”

Kasama rin ang dalawang orihinal na komposisyon ni JM, ang “Warrior” na isang acoustic ballad “about searching for one’s self in this endless journey we call love,” at ang “Stupidest” na tungkol naman sa “unrequited love”.



INTRIGUES. Napadako ang usapan tungkol sa mga intrigang kamakailan lamang ay dumating sa buhay ni JM.

Kapag pinupukol siya ng mga intriga, ano ang nararamdaman niya?

“Dina-divert ko na lang na kung walang... kung hindi po ako napag-uusapan, e, di mas matakot na po ako!” ang natatawa nitong sagot.

Patuloy niya, “At least, may concern pa rin po sa akin yung mga press, yung mga... kung sinuman yung nag-aano po, kung sino yung mga nang-iintriga.

“Consider it... dina-divert ko into positive.”

Naniniwala ba siya na good or bad publicity is still publicity?

“Opo, kasi iyon po yung turo sa amin sa theater, e.

“If you cannot accept a negative na criticism, you don’t accept any criticisms at all, kahit maganda.

“Kasi, kung nag-a-accept ka ng compliment, kailangan marunong ka ring um-accept ng negatibo—doon ka maggu-grow, e.

“Kung puro na lang positibo, e, ano na lang ang mangyayari sa iyo?”



SUBSTANCE ABUSE. Pinag-usapan nga ang isyu na si JM ay may bisyong may kinalaman diumano sa drugs.

Pero aniya, “Hindi na lang po ako magsasalita. Kasi, opinyon naman po nila yun, e, and I respect their opinion.

“Sa akin lang po, focused ako sa ibinigay sa akin na mga opportunities, mga blessings.

“And siguro, araw-araw kong huhulug-hulugan yung utang na loob na ibinigay sa akin ng ABS [-CBN].

“Kasi, sila po yung gumawa ng pangalan ko...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila po ang nagpakilala ng pangalan ko, sila po yung nagbukas ng pinto sa akin sa music, sa pag-arte.

“And hindi ko rin po puwedeng biguin yung university ko po, yung UP [University of the Philippines] po, kung saan po ako nag-aral umarte.

“So ayun... may mga ipinaglalaban po ako, and gusto kong makita ninyo iyon.”



BAD INFLUENCE. Tinanong ng PEP si JM kung ano ang masasabi niya sa pagkakadawit ng pangalan nina Felix at Dominic Roco sa negatibong isyu tungkol sa kanya.

Matatandaang nabalita na ang Roco twins daw ay mga masamang impluwensiya o bad influence sa kanya.

Sagot ni JM, “Napaka-pathetic po kapag isinisi mo yung mistakes mo sa ibang tao.

“Kasi you’re… first, kahit ano pa man ‘yan, utak mo ‘yan, sarili mong utak ‘yan, sarili mong desisyon, so…

“Ang mga kaibigan mo, nandiyan.

“Ako po, mapili po ako sa kaibigan. Ang mga kaibigan po na gusto ko, yung hindi po one-sided, yung hindi biased.

“So ayun. Katulad po nila, malawak po silang mag-advise and pagdating po doon sa bad influence...

“Siguro po, medyo bad boy lang yung dating nila!” at natawa si JM.

Pero pahabol niya, “Pero napakababait po nila.

“As in, kung nakita ninyo po sila kung paano nila tratuhin ang nanay nila, parang queen, parang reyna—ganoon po silang kababait na anak.

“So, ayun po... Mahirap pong minsan na mag-ano kaagad, kasi ayun...

“Yung nasa loob po talaga yung importante, hindi yung nakikita sa labas.

“So ipaglalaban ko po iyon, na napakabait po ng mga kaibigan ko and kaibigan ko po sila talaga.”



GRATITUDE. Sa mismong album ni JM, isa sa mga taong nakasulat ang pangalan na pinasalamatan niya sa acknowledgment ay ang Roco family.

Pagpapatuloy pa ni JM tungkol sa mga intriga at sa Roco twins, “Hindi po totoo.

"Nandoon ako sa kanila pag may problema ako, nandiyan sila pag may problema ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala po kaming ginagawang masama para hilahin yung isa’t isa.

“Dati, magkakasabay kami, wala kaming trabaho, wala pa po ako sa ABS, indie-indie lang kami—nangangarap.

“Wala kaming pambili ng pancit canton, ganyan, as in broke pero kami po yung nagtulung-tulungan.

“Naging friends ko sila ginagawa ko pa lang yung Pinataksi, so ayun.”

Ang Pintakasi ay indie movie na ginawa ni JM noong 2011.



BROKEN HEARTED. Isa rin sa mga naging isyu kay JM ay ang pagka-depressed nito dahil sa pag-ibig.

Naiugnay pa nga sa isyung ito ang pangalan ni Jessy Mendiola, handa na ba siyang umibig muli?

Natawa muna si JM bago sinabing, “Hindi mo naman puwedeng pigilan mo yung love...

“Kasi, pag pinigilan mo yun, magbi-breed lang yun into hate and pain... Pangit!

“E, kailangan mo lang mahalin ang lahat, kahit mga simpleng bagay.

“Pero kung relasyon po ang tinatanong ninyo, huwag po muna.”

Pero hindi daw siya loveless ngayon.

“I’m full of love! Ang dami kong love—andiyan ang fans, ang family ko. Andiyan yung love ko for music, for acting.”

STILL A KAPAMILYA. Renewable this June 2013 ang kontrata ni JM sa ABS-CBN. Magre-renew ba siya?

“Opo, siyempre. Gagawin ko po yung best ko,” sagot niya.

Paano kung may offer ang ibang istasyon sa kanya?

“Mas pumapanig po ako doon sa utang na loob and iyon po.

“Pero kung... ewan ko po.

"Pero para sa akin, sila po talaga yung nagsugal sa akin and dati, hindi po ako napapansin noong iba.

“And ayun... hanggang ngayon na may mga kung anu-ano, nandiyan pa rin sila.

“Sobrang laki po ng minature [maturity] ko sa sarili ko. Sobrang laki po ng binago ng kung paano po akong mag-isip.”



TO RUMORMONGERS. Ano ang mensahe niya sa mga nang-iintriga sa kanya?

“I love you! Kasi kung wala sila, wala naman akong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung walang nagagalit sa iyo, pag may nagagalit sa iyo, ibig sabihin, maraming nagmamahal sa iyo.

“And siguro, yung iba nangti-trip lang, tine-test lang, ganyan... and wala akong... I have nothing against them.”

Hindi raw siya galit sa mga ito.

“Hindi po. Gawin lang po nila—it’s a free country,” at muling tumawa si JM.

Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin?

“Opo.”

Paano ide-describe ni JM, in one word, ang sarili niya?

“Faithful.”

Faithful kanino?

“Sa Diyos!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN