Janice de Belen on issues about Gerald Anderson: "I feel bad for him. Hindi naman siya masamang tao."

Bagamat single ngayon si Janice de Belen ay hindi naman ito nangangahulugan na hindi siya masaya sa kanyang buhay. Saad niya, “Hindi naman ibig sabihin na porke’t wala akong lovelife, wala na akong loves sa buhay. I have my children. And this is what I can say, I’m in love with life.”


Mahigit tatlumpung taon na sa larangan ng pelikula at telebisyon si Janice de Belen at hindi na bago sa kanya ang pagtanggap ng acting awards.

Ngunit nang tanggapin niya ang napanalunang Movie Supporting Actress of the Year para sa pelikulang Tiktik: The Aswang Cronicles sa 29th PMPC Star Awards for Movies kagabi, March 10, halata na kabado pa rin siya.

Inamin ito ni Janice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang nakapanayam namin siya pagkatapos niyang matanggap ang tropeyo.

Saad ng aktres, “Kinabahan ako.

“Sabi ko kanina na ayaw kong kabahan, gusto ko ma-excite lang ako kasi mahirap akong kabahan, e.

“Sabi ko, relax lang ako. Pero pag nasa taas ka na pala ng stage, iba na.”

Dagdag ni Janice, “For acting, hindi ko alam kung pang-ilan ko na ito. Hindi ako sure.

“Pero for this year, I know na pangatlo ko na ito na award—Best Host, Best Actress from Gawad Tanglaw, and then heto nga.

“Grabe, pinagpawisan akong bigla!”

May ganoon pa rin pala siyang feeling, na iba ang nararamdaman kapag tumatanggap siya ng award?

“A, oo!” bulalas niya. “Laging kaba pa rin kasi hindi mo naman alam kung ikaw ba talaga ang mananalo o hindi, e.

“Lalo kapag ang mga kalaban mo ay the likes of Ms. Anita [Linda], Ms. Hilda [Koronel], tapos si Mylene Dizon, at sina Alex [Alessandra de Rossi] at ang anak ko, si Kim [Chiu], kakabahan ka talaga, di ba?

“For me, this is a challenge for me to do better.

“Ngayon ko nare-realize, heto ang bunga ng hardwork and dedication sa trabaho ko.

“Thank you, thank you talaga sa Philippine Movie Press Club for this award.”

Kanino niya idini-dedicate ang kanyang tagumpay?

“Siyempre sa mga anak ko,” sagot ni Janice.

“Sila kasi yung parati kong iniiwan kapag nagtatrabaho ako.

“I know hindi rin madali para sa kanila yung lagi akong wala sa bahay, pero naiintindihan naman nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m doing naman all of these for them. Para sa future nila.”

TENSION ON THE SET. Speaking of pagiging ina, mataas ang ratings ng kinabibilangang primetime series ni Janice sa ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak.

Ano reaksiyon niya dito?

Sagot ng aktres, “Siyempre, sobrang happy ako na I’m part of a show na tinatangkilik ng tao.

“Lahat naman kami do our best efforts na mapaganda ang show. Lalo na ngayon na marami na ang mga nangyayari.

“Salamat din sa support ng televiewers.”

Malaking factor kaya ang isyu tungkol sa lead stars nitong sina Kim Chiu at Maja Salvador sa lalo pang pagtaas nito sa ratings game?

“Ay, wala akong kinalaman diyan,” sabi niya.

“Well, siguro curious ang mga tao to know kung kaya ba nilang magtrabaho together, okay ba sila to do scenes together.

“But that’s only a part of the curiosity. Lamang pa rin yung pagiging maganda ng story.”

Aminado ang aktres na meron talagang tensiyon na nagaganap sa set.

“Oo naman. Alam naman natin yun.

“Pero, para sa amin lahat, trabaho lang naman ito.

“Masaya pa naman kami lahat.”

Binibigyan ba niya ng advice sina Kim at Maja, considering na maituturing na siyang eksperto sa larangang ito?

Sagot ni Janice, “Well, alam mo naman ako, hindi naman ako nagsasalita kapag walang nagtatanong.

“Whatever man na napag-uusapan namin, I’ll keep to myself na lang.”

GERALD ANDERSON. Pati ang tungkol kay Gerald Anderson ay naungkat din.

Si Janice ay naging ina ni Gerald sa primetime series na Budoy at naging malapit silang magkaibigan ng young actor, kaya hindi maiwasang matanong kung ano ang pakiramdam ng aktres sa bad publicity na nakukuha nito lately.

Malungkot na tugon ni Janice, “I feel bad for him. Hindi naman siya masamang tao.

“Everybody deserves to be happy. Everybody deserves a lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung maligaya ang isang tao, bakit natin iisipin na dapat maging malungkot siya?”

Kapag nagkakausap nga raw sila, binibigyan niya ito ng words of encouragement.

Kuwento ni Janice, “Nakausap ko siya. I told him, ‘Kaya mo pa?’

“Magkasama kami noong isang gabi kasi birthday niya.

“Sabi ko rin nga sa kanya, everybody deserves to be happy.

“Wala naman sinumang tao ang puwedeng magsabi kung ano ang tama o mali pagdating sa pag-ibig, di ba?

“Dahil lahat naman tayo ay dumaraan sa katangahan o pagkakamali sa pag-ibig.”

IN LOVE WITH LIFE. Tungkol naman sa lovelife niya ang sunod naming pinag-usapan. It’s been a while na wala siya nito.

Pero aniya, “Like what I’ve said, okay naman ako.

“Hindi naman ibig sabihin na porke’t wala akong lovelife, wala na akong loves sa buhay. I have my children.

“And this is what I can say, I’m in love with life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN