Sonny Angara to the students: “Mag-aral silang mabuti, tapusin nila ang pag-aaral nila, at magsumikap sila sa paghanap ng trabaho.”

Kasama ni Sonny Angara sa kanyang pangangampanya sa mga unibersidad ang Juan Dela Cruz star na si Coco Martin.


Tuwang-tuwa si Edgardo “Sonny” Angara, senatorial candidate, sa mainit na pagtanggap sa kanila ni Coco Martin ng mga estudyante at guro sa pinuntahan nilang mga unibersidad noong Marso 7, sa Maynila.

Kabilang sa mga binisita nilang paaralan ay ang Philippine Normal University (PNU), Technological University of the Philippines (TUP), at Philippine Women’s University (PWU), kung saan ibinahagi nila ang kahalagahan ng edukasyon.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano tinilian at dinumog ng mga estudyante sina Sonny at Coco.

Kumanta ang Juan dela Cruz star ng "Umuwi Ka Na Baby" na may kasama pang giling.

Nakipag-duet din siya with Sonny sa kantang "Sa Isang Sulyap Mo."

PUSHING EDUCATION! Nagkaroon ng press conference sa last stop ng university tour sa PWU kaya nagkaroon ang PEP at iba pang media na makausap ang congressman ng Aurora at si Coco.

Bakit kasama ang universities sa itinerary ng pangangampanya ni Sonny?

“Yung platform natin is education at saka trabaho, alam ko na malapit sa puso ng mga estudyante yun.”

Kung sakaling manalo siyang senador, ano ang magagawa niya para umangat ang kalidad ng edukasyon?

“Ako, three problems ang i-a-address ko— number one, yung access, marami nga hindi nakakapag-kolehiyo, hanggang high school na lang sila. Paano sila makakakuha ng magandang trabaho, di ba?

“’Tapos second, yung quality of education.

"’Tapos yung pangatlo, yung job mismatch. Kailangan ayusin din natin yung ating ekonomiya para magkaroon din tayo ng trabaho dito sa bansa.”

May mensahe si Sonny para sa mga estudyante.

“Mag-aral silang mabuti, tapusin nila ang pag-aaral nila, at magsumikap sila sa paghanap ng trabaho.”

COCO’S SUPPORT. Samantala, naging running joke ni Sonny na kaya raw siya nagsusuot ng T-shirt na may pangalan niya dahil madalas siyang mapagkamalang si Coco.

E, ano ang nararamdaman niya kapag tinatawag siyang Coco ng mga tao?

“Basta wala si Coco okay lang. Mahirap pag katabi, e. Kasi mahirap yung genuine at saka yung peke e, di ba? Nahahalata, e,” ang biro ng kongresista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit si Coco ang kinuha niya para mag-endorso sa kanya?

“Bukod sa kamukha ko si Coco. Hindi, joke lang,” muling biro ni Sonny. “Sa akin very easy choice naman. At saka siya na ang parang pinaka-idol ng mga kabataan ngayon at may shared advocacy kami, yung sa education.

"So, talagang pag ang mensahero mo ay as popular as Coco, parang yung message mo ay namu-multiply ng times one hundred, e.

"Para sa mga kabataan na makinig… marinig nila from Coco Martin na mag-aral kayong mabuti at alagaan ninyo ang pamilya ninyo, alagaan ninyo ang mga mas nakakatanda sa inyo, napakagandang mensahe.”

Matagal nang adbokasiya ni Sonny ang pagpapabuti ng edukasyon sa bansa. Sa katunayan, isinulong niya ang mga batas na Universal Kindergarten Education Act at Joint Resolution 4 para sa implementasyon ng Salary Standardization Law III, na may layuning taasan ang suweldo ng state workers, kabilang na ang public school teachers.

Kaya humahanga si Sonny kay Coco dahil pinilit nitong tapusin ang pag-aaral sa kabila ng pag-aartista. Nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) sa National University sa Manila si Coco, na Rodel Nacianceno ang pangalan sa totoong buhay.

COCO AS YOUTH LEADER? Sakaling maupo na sa Senado si Sonny, posible bang kunin niya bilang youth leader si Coco?

“Puwedeng-puwede kasi leader na siya, e. He’s an opinion-maker, he’s already an influencer kasi iniidolo siya, tinitingala siya ng tao. So, whether he likes it or not, sinusundan siya e.”

Handa rin daw tulungan ni Sonny ang advocacy at charity works na ginagawa ni Coco.

“Kanina tinanong n’yo si Coco kung tutulong siya sa akin kahit after the elections? Ako naman ang tutulong sa kanya dahil maraming advocacies si Coco sa education, e.

"Alam n’yo ba nagpupunta ng mga ospital iyan, nagbibigay ng libro?

"Ako naman ang tatanaw ng utang na loob.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Want more ELECTION WATCH updates? CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN