Albie Casiño understands if Jaclyn Jose does not want to lay eyes on him

Muntik nang magpang-abot si Albie Casiño at ang ina ng kanyang ex-girlfriend na si Jaclyn Jose sa Star Awards for Movies kagabi. Pero nang malaman ni Albie na ayaw siyang makita ni Jaclyn, ngumiti lang ang young actor at sinabing "okay."


Ang 29th PMPC Star Awards for Movies ang unang awards night na dinaluhan ni Albie Casiño sa taong ito kaya naman hindi maiwasang pagkaguluhan siya ng media sa AFP Theater kagabi, March 10.

Kalalabas lang ng young actor para lisanin ang venue, kasama ang kanyang tsinitang escort o date, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng TV media.

Kumusta na siya ngayon?

“I’m good, I’m good,” nakangiting tugon niya.

Ano ang mga pinagkakaabalahan at nakalinya niyang gawin?

“Right now, I’m gonna do something for TV5 called Cassandra: The Warrior Angel.”

LEAVING ABS-CBN. Ibig sabihin, lumipat na siya ng istasyon at iniwan na niya ang ABS-CBN?

“I didn’t sign any contract… yes,” sagot ni Albie.

Possible bang pumirma siya sa TV5?

“Yes, possible.”

Is he still open working again for ABS CBN?

“Of course, I am.”

Is he still under Star Magic?

“Not anymore… I believe around October or last year pa.”

Ano ang naging dahilan at hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Kapamilya network at sa Star Magic?

Sagot ni Albie, “That wasn’t my decision naman… that was just something that happened.”

Desisyon ba ito ng manager at pamilya niya?

“It’s everyone involved.”

Ibig bang sabihin ng paglipat niya sa TV5 ay parang moving on o pag-iwas mula sa kontrobersiya sa kanila ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann?

“Hindi naman.”

O ayaw niya nang magkaroon ng koneksiyon o para malayo lang talaga kay Andi?

“Hindi naman yun. Just what’s best for everyone, di ba?”

Meron bang offer ang ABS CBN na pabalikin siya sa istasyon para magtrabaho uli?

“No,” sagot ni Albie.

Given a chance, saan niya mas gustong magtrabaho—sa ABS-CBN o sa TV5?

“No comment. I don’t wanna talk about it,” iwas niya.



JACLYN JOSE. Magkasunod na dumating sa AFP Theater sina Albie at Jaclyn Jose, ang ina ni Andi Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Albie ay may kasamang date, samantalang nag-iisa lang na dumating si Jaclyn.

Halos ilang dipa lang ang agwat ng pagdating nilang dalawa. Naglalakad na sa red carpet si Albie samantalang nakababa na sa kanyang sasakyan si Jaclyn.

Nakorner lang ang premyadong aktres ng media para sa isang interview kaya hindi nito naabutan si Albie, na noon nama’y kinakapanayam din ng ibang grupo ng press sa isang lugar sa red carpet.

Aware ba si Albie na nandoon din si Jaclyn at magkasunod lang silang dumating?

“Hindi, hindi ko siya nakita. Was she ahead of me or behind me?” tanong niya.

Kung nagkita ba sila ay lalapit siya para magbigay ng respeto?

“Ahm, possible, puwede… I’m not sure. Siguro maiisip ko na lang yun pag dun na situation.”

Hindi ba sila nagkita sa loob ng theater o sa backstage?

“Ay, hindi ko siya nakita,” sabi ni Albie.

Nang malaman naman ni Albie na hindi siya gustong makita ni Jaclyn, “okay” lang ang sinabi nito kasunod ang isang ngiti.

Ipinaalam din namin kay Albie na base sa mga pahayag ni Jaclyn sa interview, hindi ito kumportable na makita siya.

Ano ang masasabi niya rito?

“I respect that. It’s not comfortable naman for anyone involved, di ba?

“That’s her emotion and I respect that,” sabi ng young actor.

Gusto niya pa bang batiin si Jaclyn kahit anong mangyari kapag nagkita sila?

“Ngayong alam ko nang hindi siya comfortable, di hindi na, di ba?” nangingiting sabi niya.

Kung nagkita ba sila pagpasok ng theater ay babatiin niya ang ina ni Andi, kahit may apprehension siya?

“Hindi ko talaga alam… I have to bring home my date, thank you,” pagtatangkang pagtatapos sana ni Albie sa interview pero napigil lang siya sa isa pang tanong.



HAPPY FOR ANDI. Ano ang reaksiyon ni Albie sa balitang masaya na raw ngayon si Andi dahil sa isang taong nagpapasaya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy for her. Good for her.

“No more negative energy and not good for everyone involved.”

Nagkausap na ba sila? Nagkaka-text?

“Hindi pa.”

Gusto niya bang plantsahin o ayusin kung anuman ang gusot nila ni Andi o ng mga taong may malaking tampo sa kanya, gaya nga ni Jaclyn, sa mga darating na araw?

Sagot ni Albie, “Honestly, I think I’ve already made an effort to do that and, di ba, you said naman that Andi is happy now.

“So I don’t think there’s any need to draw the fire.”

Sabi ni Jaclyn, bilang isang ina, ang sakit-sakit ng mga nangyari kina Andi at Albie. Lalo pa’t pinabayaan daw ni Albie si Andi.

Naiintindihan ba ni Albie ang nararamdaman ni Jaclyn bilang isang ina?

“Of course, like any other mother would,” maikling sagot ni Albie.

Nakita niya na ba ang anak ni Andi?

“Hindi pa.”

Hindi niya ba talaga gustong makita o masilip man lamang ang anak ni Andi?

“No comment.”

As a father?

“No comment.”

Umiwas na rin si Albie na sagutin ang tungkol sa nangyaring pambubugbog sa kanya noon sa labas ng isang bar sa Makati.

“There’s no need to talk about it anymore, parang tapos na siya.”

Hindi na ba itinuloy ang pagpa-file ng kaso?

“That’s up to my dad’s and my lawyers to talk about na. So, I’ll stay out of that,” sabi ni Albie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN