Lovi Poe mum about MTRCB’s decision over her Party Pilipinas dance number with Rocco Nacino

Tumangging magbigay ng komento si Lovi Poe tungkol sa naging desisyon ng MTRCB kaugnay sa opening dance number nila ni Rocco Nacino sa Party Pilipinas noong Enero 27. Ani Lovi, “I don’t know… I cannot say anything about it. Ano naman, e, I have nothing to say about it…”


Ayaw magbigay ng komento ni Lovi Poe tungkol sa naging desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na sumailalim ng gender-sensitivity seminar ang cast, staff ,at crew ng Party Pilipinas.

Ito’y matapos ang kontrobersiyal na opening dance number nina Lovi at Rocco Nacino sa episode nila noong Enero 27.

Bukod sa gender-sensitivity seminar, kinailangan humingi ng public apology ng show at sumailalim sila sa six-months probation.

(CLICK HERE for related article.)

Maingat ang naging sagot ni Lovi nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press tungkol dito.

“I don’t know… I cannot say anything about it.

“Ano naman, e, I have nothing to say about it…”

Nakausap ng PEP ang Kapuso actress kanina, March 11, sa set ng pelikulang The Bride and The Lover sa Fernwood Gardens sa Project 6, Quezon City.



INFIDELITY-THEMED FILMS. Samantala, ang pelikulang ginagawa ni Lovi kasama sina Jennylyn Mercado, Paulo Avelino, at Hayden Kho ay tungkol sa infidelity o hindi pagiging tapat sa isang relasyon.

Tila ito ang nagiging trend sa mga ginagawang pelikula ngayon tulad ng No Other Woman (2011), My Neighbor’s Wife (2011), The Mistress (2012), at A Secret Affair (2012).

“Siguro that’s one thing they have to see in this film,” wika ng Kapuso actress nang alamin namin ang opinyon niya tungkol dito.

“It’s not just about having someone else, kasi that’s the usual thing that we see.

“Uhm, it’s about actually two friends… how far you’ll gonna go, will you break that girl codes.

“Ayun, I think it’s important to know… kaming girls we have that, e, girl codes na you don’t have to do this, ganyan…”

Pero ang sigurado lang daw ni Lovi, “This is the sexiest na ginawa ko.

“So medyo nahirapan ako, [but] I trusted Direk Joel [Lamangan].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw si Paulo ang kapareha niya sa “sexy scene” na ito. Pero “grabe” rin daw ang naging eksena nila.

Wala naman daw “limitations” o “boundaries” si Lovi sa mga ginagawa niyang eksena sa isang proyekto. Basta raw ba ito’y makakabuti at kailangan sa istorya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN