Taguig councilor candidate Ervic Vijandre gets a taste of political intrigues

“Para sa akin naman, ’yong pagtulong hindi naman pinag-iisipan talaga ’yan, e. Lumapit ako kasi gusto ko talagang makatulong. Ngayon, kung mabibigyan ako ng chance na talagang makatulong nang todo, bakit hindi, di ba?" says Ervic Vijandre about his decision to run for councilor in the first district of Taguig this coming May 2013 election.


Mula sa pagiging basketbolista at pagiging artista, sasabak naman ngayon ang 27-year-old na si Ervic Vijandre sa mundo ng pulitika.

Tumatakbo sa pagka-konsehal ng first district ng Taguig ang dating Survivor Philippines castaway sa ilalim ng partidong Kilusang Diwa ng Taguig.

“Siguro ngayon ’yong time ko para tulungan ’yong nakatulong sa akin [ang lungsod ng Taguig]. Gusto kong makatulong through sports, na nakatulong din sa akin," pahayag ni Ervic nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine sa nakaraang Nivea Summer Blast 2013 sa Sabang Beach, Puerto Princesa, Palawan.

Ayon kay Ervic, narating niya ang estado ng buhay niya ngayon dahil sa pagiging atleta sa Taguig City.

Kuwento ng Kapuso actor, “After college, ’yon ang parang naging profession ko, naging basketball player ako ng Taguig, naging player sa Liga Filipinas.

“At the same time, nagmo-modeling din ako. ’Yon din ang isang reason kung bakit ako naging part ng Survivor.

“Kung anuman ’yong narating ko ngayon, dahil ’yon sa sports.

“Nakapag-aral din ako mula elementary hanggang college nang libre dahil sa basketball.

“’Yong sports kasi, sobrang laki ng naitulong sa akin, sobrang laking tulong sa buhay ko. Sobrang thankful ako na naikonekta ko ’yon sa buhay ko."



MAIN PROJECT. Dahil dito, gusto ni Ervic na maibalik ang kanyang mga natamasa sa pamamagitan ng pagtulong sa lokal na pamahalaan ng Taguig.

Noong simula, wala raw ito sa plano ng binata.

Pero nahikayat daw siya ng dating Taguig Mayor na si Freddie Tinga nang minsang mabanggit ni Ervic na nais niyang tumulong upang maibalik ang pagkahumaling ng mga kabataan sa sports.

“Sabi ko, ’Gusto kong i-promote ’yong sports sa Taguig.

“[Sabi niya, ’Tumakbo ka.’

“[Sagot ko], ’Wala sa family ko ’yan. Gusto ko na lang tumulong na lang ako.’

“Sabi nila, iba ’yong tutulong ka ng tutulong ka lang. Kasi, once na manalo ka at maging councilor ka, matututukan mo ’yong pagtulong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ’yon ’yong naisip ko. Puwede naman, di ba?"

Patuloy pa ni Ervic, “Para sa akin naman, ’yong pagtulong hindi naman pinag-iisipan talaga ’yan, e.

“Lumapit ako kasi gusto ko talagang makatulong.

“Ngayon, kung mabibigyan ako ng chance na talagang makatulong nang todo, bakit hindi, di ba?"


SIMILAR TO SHOWBIZ. Bilang baguhan sa pulitika, aminado si Ervic na wala siyang anumang ideya kung ano ang gagawin.

“Ang pinaka-ginagawa ko lang, sobrang sipag ko lang," sabi ni Ervic.

“Kapag kailangan kong magpakilala, ipaalam sa mga kababayan ko’yong gusto kong mangyari, sipag lang at talagang nagpapakilala ako."

Nabanggit pa niya na tulad sa showbiz, nagsisimula na siyang makatanggap ng mga intriga.

“Sa totoo rin niyan, medyo nagkaproblema rin ako kasi nga hindi ko rin alam kung ano ’yong pinapasok ko, e.

“Ang dami rin palang istorya na parang intriga sa official campaign pa lang, e.

“Ngayon pa lang, parang ang dami nang problemang kinakaharap.

“So, medyo parang napanghinaaan din ako ng loob, na parang baka hindi ko ’to kayanin financially at emotionally.

“Siyempre, kapag may kampanya, may mga sasabihin din tungkol sa ’yo na parang intriga. So, parang sinasabi ko na baka hindi ko ’to kayanin."


OVERWHELMING SUPPORT. Sa gitna ng mga animo’y balakid, nagpapasalamat pa rin si Ervic dahil, “mabuti na lang ngayon, may mga supporters na ako, may mga leaders na tumutulong sa akin."

Sa tuwing mababanggit raw niya ang panghihina ng loob dahil sa mga intriga, sabi ni Ervic, “Sila mismo ang nagsasabi sa akin na, ’Kaya mo ’yan!’

“Hindi talaga ako maiyaking tao pero naiyak talaga ako sa kanila.

“Napaiyak ako kasi na-overwhelm ako sa suporta.

“Sinasabi nila sa akin na hindi ko lang naman ito laban, e.

“Parang laban ito naming lahat kasi nga may mga gusto akong ibalik na programa.

“Kasi ako, parang totoong tao lang talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko nga sa kanila, ’Hindi po ako pulitiko. Kung ano po ang nararamdaman ko sa puso ko, ’yon ang sinasabi ko.

“Kaya naiyak talaga ako sa kanila.

“Natuwa talaga ako kasi ’yong mga tao talagang, ’Tuloy mo.’


Sa ngayon, magiging mas abala raw si Ervic sa kanyang kampanya.


Nang tanungin ng PEP kung ano ang magiging plano ni Ervic pagkatapos ng kampanya, ang sagot niya, "If ever manalo ako, itutuloy ko ’yong plano ko.


"Ang gusto kong mangyari, gusto kong maka-discover ng bagong talents sa Taguig, e."


Paano kung hindi siya manalo?

Ang kanyang pagtatapos, "Kung hindi ako palarin, huwag naman sana, ganun pa rin, maghahanap pa rin ako ng paraan para makatulong."

For more ELECTION WATCH updates, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN