Marco Alcaraz supports wife Precious Lara Quigaman’s decision to join showbiz again and not to have another child soon

Malaki raw ang ginawang pagbabago kay Marco Alcaraz ng pagkakaroon ng supling sa asawa niyang si Precious Lara Quigaman. Sabi ng aktor, “Masaya, saka iba! Yung respeto ko ngayon sa mga babae, mas tumaas. Kasi ang hirap pala manganak talaga—ang hirap manganak at maging isang mommy.”


Isa sa relasyong nabuo sa showbiz na nauwi sa pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya ay kina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman.

Tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon bago nagdesisyong magpakasal at magkaroon ng anak.

Pansamanatalang namaalam muna sa showbiz ang dating beauty queen para harapin ang pagiging isang ina, samantalang si Marco naman ay napapanood pa rin sa ilang shows sa GMA-7.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marco sa 29th Star Awards for Movies na ginanap sa AFP Theater noong Linggo ng gabi, March 10, tinanong namin siya kung ano ang naiba buhat nang nagkaanak sila ni Lara.

“Sobrang ibang joy ang naibibigay ni Noah sa amin ngayon!" bulalas niya.

“Pagkagising, iba yung smile niya.

"So, mas lalong nagtatrabaho para sa baby.

“Mas inspired magtrabaho ngayon, mag-ipon para kay Noah, para sa future niya.”



REALITY. Ayon kay Marco, ang pagdating ni Noah sa kanila ni Lara ay ang higit na nagpalalim ng relasyon nilang mag-asawa.

“Actually, mas naging close kami ni Lara, mas naging deeper yung relationship namin.

“Kasi, we’re doing all our best para sa future nung baby—hindi muna parang Lara-Marco, parang more on sa baby muna."

Dagdag niya, “Masaya, saka iba!

“Yung respeto ko ngayon sa mga babae, mas tumaas.

"Kasi ang hirap pala manganak talaga—ang hirap manganak at maging isang mommy.”

Sinabi rin ng aktor na hands-on si Lara sa pag-aalaga kay Noah.

“Ever since kasi, mahilig siya sa mga babies… ayun, nag-e-enjoy siya!

“Ayaw niya ngang mag-yaya, gusto niya hands-on siyang nagbabantay kay Noah.”



ANOTHER CHILD. Kailan nila balak sundan si Noah?

Sagot ni Marco, “Matagal pa siguro, after five years pa siguro.

"Gusto daw muna ni Precious na bumalik sa trabaho.

“Siyempre, okay sa akin yun… susuportahan ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN