Nora Aunor personally congratulates Angel Locsin for winning Best Actress in Star Awards for Movies

Hindi inaasahan ang pagkikita ng Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) at ng young actress na si Angel Locsin (kanan) sa isang restaurant sa Quezon City kagabi, March 10, pagkatapos ng 29th Star Awards for Movies, kunsaan tinalo ni Angel si Nora sa Best Actress category.


Hindi inaasahan ang pagkikita ng Superstar na si Nora Aunor at ng award-winning actress na si Angel Locsin kagabi, March 10, sa isang restaurant matapos ang 29th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Kapwa tuwang-tuwa ang dalawang aktres sa chance encounter na iyon sa A Taste of L.A. restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Apparently, naroon ang grupong kabilang sa Star Cinema, with Angel’s manager Ethel Ramos, upang mag-victory celebration dahil sa pagwawagi ni Angel bilang Movie Actress of the Year para sa One More Try sa Star Awards for Movies na ginanap sa AFP Theater.

Nag-late dinner naman ang grupo nina Ate Guy, kasama ang kaibigang si Glenda Kennedy at ang handler ng aktres na si Albert Sunga.

Earlier, wala na sanang balak lumabas ni Nora matapos ang awards ceremonies, kung saan nag-present siya ng special award—ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.

Hindi na rin nag-stay ang grupo ni Ate Guy, na noo’y nahihirapang maglakad sanhi ng namamagang isang paa.

"Hindi arthritis ito, ha!" natatawang sambit ng Superstar nang nasa backstage ng AFP Theater.

Sanhi raw iyon ng suot niyang boots ng ilang oras sa biyahe nang magbalik siya sa bansa mula sa Amerika the previous week.

Nag-dinner ang grupo nila sa naturang restaurant at pagkaupong-pagkaupo pa lamang, around 10 p.m., nagdatingan na ang grupo nina Angel.

Bago dumating sina Angel, nabanggit na rin ni Nora sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang damdamin hinggil sa pananalo ng young actress.

Aniya, she didn’t mind losing the best actress trophy to Angel.

Nominated din si Ate Guy para sa Thy Womb.

"Kanya-kanyang gusto ’yan, depende sa mga bumuboto.

“Sabi ko nga, malaking karangalan na ang mapiling isa sa mga nominees.

"Masaya ako para kay Angel. Naku, napakabait at napakagalang na bata niya kaya masaya ako para sa kanya," saad ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, noon pa mang Disyembre, nang si Nora naman ang manalong Best Atress sa 2012 Metro Manila Film Festival, para sa Thy Womb, nagpahayag din ang aktres ng kanyang affection for a younger colleague.

"Kung siya [Angel] ang nanalo, papalakpak ako, iku-congratulate ko siya!" sabi niya.



CHANCE MEETING. Upon Angel and company’s arrival last night, sandaling huminto sa naumpisahang dinner sina Ate Guy at ang mga kasamang kaibigan.

Nagulat naman si Angel pagkakita sa Superstar.

"Ate Guy!" bulalas ni Angel na tuwang-tuwa.

Personal nang ipinahayag ni Nora ang pagbati sa young actress.

"Congratulations!" sabi ni Ate Guy kay Angel, na suot pa rin ang red violet gown na ginamit sa awards night.

Si Ate Guy naman ay nakapagpalit na ng kanyang suot na rust-colored gown sa mas kumportableng jeans and blue shirt.

Ang pagkikita ng dalawa ay sadyang hindi inaasahan, kaya ganun na lang ang tuwa nila sa isa’t isa.

Mahigpit silang nagyakap and exchanged pleasantries for a few minutes.

"Ate Guy, salamat... ibinalato mo sa akin," sabi ni Angel, patungkol sa Best Actress award na napanalunan niya, over Ate Guy and other female acting heavyweights na kabilang din sa mga nominado sa parangal na ito ng Star Awards this year.

"Naku, hindi... para sa iyo talaga ’yan," sabi naman ni Nora.

Agad namang nag-request ang mga kasama ni Angel, with her manager, na mag-pose for souvenir pictures ang dalawa.

Pero si Angel ang unang-unang may gusto na magkaroon sila ni Ate Guy ng souvenir photos.

Agad kinuha ni Angel ang kanyang camera at personal na nag-request kay Nora, "Ate Guy, puwede po ba tayong magpakuha ng picture?"

Natutuwang sagot ni Ate Guy, "Oo naman, bakit hindi?"

At nag-pose ang dalawa. Naki-picture din ang marami pang kasama nina Angel at Manay Ethel.

Sabi rin ni Ate Guy sa manager ni Angel, "Sana magkaroon na kami ng movie ni Angel..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa naman ang kasamang taga-production ng young actress and took note of what Ate Guy said.

"Makakarating... ipaparating ko kaagad yan [sa Star Cinema]," sabi nito.

Nang magpaalam ang grupo ay personal pang hiniling ni Angel na kung maaari ay mai-post niya ang picture sa Instagram para sa kanyang mga tagahanga.

Na walang problema kay Ate Guy. "Oo naman... walang problema," natutuwang sambit pa ng Superstar.



BUSY SCHEDULES AHEAD. Sa susunod na ilang linggo, bago mag-Holy Week, ay magiging napakaabala naman ni Ate Guy.

May physical check-up siya this week sa ophthalmologist at doktor ng Cardinal Santos Hospital na tumitingin sa kanyang karamdaman na nakaapekto sa kanyang respiratory and heart functions.

Ito’y bago magtungong Hong Kong si Ate Guy, on the 17th, upang dumalo sa Asian Film Awards on March 18. Nominated siya rito para uli sa Thy Womb; katuwang si Eddie Garcia para sa Bwakaw.

Kinumpirma na rin ni Ate Guy ang nalalapit niyang shooting ng indie movie na Ang Kuwento Ni Mabuti, na ididirek ni Mes de Guzman para sa unang Cine Filipino Independent Film Festival sa Hunyo.

"Sa March 20 po ang simula ng shooting namin, sa Nueva Vizcaya. Mga ten days siguro yon," pagbabalita ng aktres.

Pagkatapos nito, babalik sa Maynila si Nora para sa pagpapatuloy ng kanyang partisipasyon sa drama series ng TV5 na Never Say Goodbye.

"First week of April ang taping ko dun... malapit na rin.

“Pero kailangang tapusin muna ang shooting [ng indie film], commitment po natin sa TV5."

Sa mga pagtatanong tungkol sa lumabas na ulat ng pagkakaroon niya ng "gap" with TV5 and her bosses, simple lang ang sagot ni Ate Guy.

"Hindi totoo yun... mahal ako ng TV5," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN