ER Ejercito feels "vindicated" with back-to-back win in Star Awards for Movies; demands "credible jurors" for MMFF

Desidido si Laguna Governor ER Ejercito sa kanyang "request" na kumuha ng "credible judges" para sa MMFF. Saad niya, “Yun ang request ko kay Chairman Tolentino na they should get competent judges na nakakaalam ng mga pelikula. Kasi yung mga kinukuha nila, may mga tricycle driver… dapat kumuha sila ng mga tiga-pelikula na naiintindihan ang pagdya-judge ng pelikula. Kasi mabigat ang pagdya-judge ng pelikula—technically, pati acting-wi


Nasungkit muli ni Laguna Governor ER Ejercito ang Best Actor award sa Star Awards for Movies ngayong taon.

Nanalo ang actor-politician para sa kanyang pagganap bilang si dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa El Presidente.

Noong isang taon ay si ER din ang napili ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang Best Actor para naman sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Ka-tie niya si Aga Muhlach para naman sa In The Name of Love.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay ER pagkatapos ng kanyang acceptance speech ay sinabi niyang “vindicated” siya sa pagkatalo niya at ng El Presidente sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Saad ni ER, “Well, na-vindicate na rin yung nangyari sa Metro Manila Film Festival.

“Marami pang susunod na awardings—may FAMAS pa, Gawad Tanglaw, Urian, Catholic Mass Media, Luna Awards...

“I hope ma-recognize ng award-giving bodies na ito ang hirap namin na ginawa para sa El Presidente.”

Dagdag niya, “Magagaling ang mga ibang nominado sa category na sina Coco Martin, Dingdong Dantes, Aga Muhlach, Tito Eddie Garcia…

“Well, kailangang may manalo. Natsambahan uli natin for the second time, gaya last year sa Star Awards.”

CREDIBLE JURORS. Muli ring pinasaringan ng Laguna governor ang mga hurado ng MMFF na dahilan daw kaya natalo siya ng dalawang beses kay Dingdong Dantes para sa Best Actor.

Noong 2011 ay si Dingdong ang nanalo para sa Segunda Mano at muli noong 2012 para sa One More Try.

Saad ni ER, “Well, I hope they get more credible jurors this year.

“Kasi aminado naman lahat sila—si Francis Tolentino, si Mr. Jessie Ejercito, si Manay Ichu [Marichu Vera-Perez] na talagang nagkaroon ng problema sa pagpili ng hurado.

“So, this year, kukuha na raw sila ng mas credible na hurado na nakakaintindi sa pelikula.

“Well, tapos na yun, e. Wala na tayong magagawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang kaaway o kasamaan ng loob sa mga tiga-MMFF dahil sa dalawang beses na pagkatalo niya sa Best Actor award?

Sagot ni ER, “Wala naman. Kasi nong 2011, binigyan na ako ng eleven awards.

“Noong 2012, binigyan ako ng walong awards… marami namang awards.

“Sa Best Actor lang sumasablay at saka sa FPJ Memorial Award—dun mismo ang disappointed kasi binasa pa nila, e, ang criteria na ‘historical film inspires national patrimony,’ kaya yun!

“Nakakalungkot lang.”



MORE BEST ACTOR TROPHIES THAN DINGDONG. Ayon pa kay ER, kahit tinalo siya ng dalawang beses ni Dingdong sa MMFF ay hindi masasabing tinalo siya nito nang buung-buo.

Inisa-isa ng actor-politician ang mga awards na napanalunan niya.

“Well, for Manila Kingpin: The Asiong Salonga story, I got four best actor trophy last year.

“I won the Best Actor for Star Awards, Luna Awards, FAMAS, at Gawad Pasado. Compared the one Dingdong won in the Metro Manila Film Festival.

“The whole 2011, I got four best actor award!”

May isyu ba sila ni Dingdong tungkol sa Best Actor award ng MMFF noong 2011 at 2012?

“Ay, wala,” sabi ni ER.

“I had the chance to talk to General Manager Francis Tolentino, si Marichu Maceda, Tita Susan Roces, hindi raw nila hawak yung mga hurado.

“Pero next time, puro mga competent judges.

“Magkakaroon ng problema lagi sa pagkuha ng mga judges sa MMFF.

“Yung iba kasi, hindi naman tiga-pelikula. Wala na tayong magagawa, tapos na yun.

“Yun ang request ko kay Chairman Tolentino na they should get competent judges na nakakaalam ng mga pelikula.

“Kasi yung mga kinukuha nila, may mga tricycle driver… dapat kumuha sila ng mga tiga-pelikula na naiintindihan ang pagdya-judge ng pelikula.

“Kasi mabigat ang pagdya-judge ng pelikula—technically, pati acting-wise.

“Kailangan nakakaintindi ng pelikula.”

Hindi kaya pag-initan siya ng mga tiga-MMFF dahil sa pagiging vocal niya tungkol sa mga hurado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, eto, smart suggestion ko—dapat kumuha kayo ng competent judges.

“Pangalawa, gawin ninyo na lang na The Filipino Film Festival para naman pagbunot ng mga theaters ay sa buong Pilipinas at hindi lang sa Metro Manila.

“Kasi unfair naman sa aming mga maliliit na producers, di ba?

“Ang theaters namin, forty-four lang, compared to Sisterakas which got one hundred thirty-plus theaters.

“So, dapat yung MMFF, maging The Filipino Film Festival at ang bunutan ay buong Pilipinas.

“Dapat i-ammend yung charter nila at lawakan ang kanilang mandate.

ANOTHER MMFF ENTRY. Balitang muli siyang lalahok sa taong ito sa MMFF. Totoo ba ito?

Sagot niya, “Itong award na ito [Best Actor] ay magsisilbing inspirasyon sa akin para gumawa pa ako ng maraming pelikula para makatulong sa industriya.

“Dati akong Presidente ng Actors’ Guild. Marami akong tinutulungan kaya commitment ko every year o once a year makagawa ako ng pelikula.”

Ganito rin ba kalaki ang production gaya ng El Presidente?

“Mas mababa na ang budget. Balik-gangster movie ako sa Boy Golden.”

May posibilidad bang magsama sila ni Kris Aquino sa taong ito sa MMFF?

“We’ve been texting each other... we’ll see.”

How about working with Dingdong?

“With Dingdong, anytime. I would like to do an action movie with Dingdong.

“Baka yung Sa Iyo ang Tondo, Akin ang Cavite namin ni Senator Bong Revilla, baka sa amin mapunta.

“Pinag-aaralan pa, under construction pa ang script.”

Hindi ba sasama ang loob ni Bong pag nasulat na magsasama kayo ni Dingdong sa remake ng movie niya ay hindi siya ang kasama?

Sagot ni ER, “Wala nang time si Senator Bong, e. Baka ayaw na niyang gumanap ng mga gangster roles, e.

“E, ako, ang gusto sa akin ng mga… sa mga fanpage ko Facebook at sa Twitter, gusto nila balik uli sa gangster role ko sa Boy Golden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hopefully… we had a meeting last week, makuha namin si KC Concepion for Boy Golden. A true story during the ’60s.

“Noong nag-meeting kami ni Boss Vic [del Rosario, manager ni KC], binanggit niya si KC. Hopefully, makuha namin.

“Kung sino ang available. Minsan hindi nagkakasundo sa schedule.”



LEADING LADY. Kung hindi available si KC, meron ba siyang ibang option na leading lady?

“Kanina nagkausap kami ni Angel Locsin, e. Sabi nga niya sa akin kanina, lucky charm ko raw siya.”

Magkatabi sina ER at Angel sa photo op para sa winners ng Star Awards for Movies pagkatapos na pagkatapos ng awards ceremony.

“Sabi ko nga, ‘Panahon na para gumawa tayo ng pelikula,’” dugtong ni ER patungkol pa rin kay Angel.

“Sagot niya, puwede… pag-uusapan pa namin.”

Okey lang ba sa misis niyang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito na makatambal niya si Angel?

“Walang problema, puro trabaho lang tayo.”

Posible bang kunin din niyang leading lady si Marian Rivera?

Nanlaki ang mga mata ni ER at sinabing, “Dingdong?”

Ayaw niya ba?

“I don’t know… we’ll see. We’ll see.”

Kailan naman ipalalabas ang launching movie ng anak niyang si Jericho Ejercito, ang remake ng Ben Tumbling?

“Malapit na rin, baka April or May. Hinahanapan pa ng magandang playdate.”

Ang leading lady ni Jericho sa Ben Tumbling ay si Kris Bernal. Pero may natitira pa raw ilang shooting days ang pelikula para sa kukunin nilang isa pang leading lady ng baguhang action star.

Wala bang plano si ER na lumabas naman sa mga teleserye o sa mga drama anthologies sa TV?

“Walang time e. Busy ako sa Laguna, hands-on ako, e.”

Ibinalita ni ER na may sarili siyang film festival sa Laguna para bigyang chance yung mga baguhang filmmakers na ipakita ang husay nila sa paggawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito yung New Wave Short Film Festival kaugnay sa kasalukuyang isinasagawa pa ring La Laguna Festival.

Kaya raw nahuli nang dating sa Star Awards ay dahil galing sa awarding ceremony para rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN