Kidlat star Valerie Weigmann not ready for FHM

Ipinaliwanag ni Valerie Weigmann kung bakit medyo conservative ang kanyang mga pananaw. Sabi niya, “I mean yung mentality ko, mas Pinay kaysa sa mga ibang foreigner, so I think I got yung... I’m a bit conservative maybe dahil sa nanay ko.”


Hindi agad aakalain ng mga nakakausap ng half-German, half-Filipina na si Valerie Weigmann na marunong pala siyang mag-Tagalog.

Sabi niya, in Taglish, “Kahit before pa rin, oo, kasi mahilig naman talaga akong mag-Tagalog.

“Hindi ako yung mahiyain na type, kasi gusto ko talaga matuto since dito naman ako mag-i-stay.

“So the least three years actually, talagang Tagalog na lang ako,”



CO-STARS. Si Valerie ay gumaganap na Natasha, aka Enigma, sa Kidlat ng TV5.

Na-excite nga raw siya nang nalaman niya na si Nadine Samonte ang makakasama niya.

Pareho silang half-German ni Nadine, na gumaganap naman bilang Lara na leading lady ni Derek Ramsay sa Kidlat.

“Oo naman, oo naman. At saka si Mark [Neumann] rin, marunong din siyang mag-German.”

Si Mark Neumann ay Artista Academy graduate na gumaganap naman bilang si Francis/Fuego sa Kidlat.



SEXY PICTORIAL. Maganda at sexy, pero may apprehensions pa si Valerie sa pagpu-pose nang sexy sa mga men’s magazine tulad ng FHM.

“It depends. I mean, depende rin siyempre sa theme at saka kung ano’ng peg nila, depende sa peg nila.

“Pero as of now, hindi pa ako masyadong ready.

“Siyempre, it’s a men’s magazine. Iba rin kasi iyon, e—iba siya sa editorials, like high-fashion editorials.”

Pero hindi naman daw siya nagsasalita nang tapos na ayaw niya.

“Iyon, tama iyon. Tingnan natin, di ba?”



CONSERVATIVE. Lumaki sa Germany si Valerie na liberal ang pag-iisip ng karamihan, bakit siya ay tila konserbatibo?

“Ako? Ewan ko kung bakit. Maski yung nanay ko, napansin niya bakit mas Filipina pa ako.

“I mean, yung mentality ko, mas Pinay kaysa sa mga ibang foreigner.

"So I think I got yung... I’m a bit conservative maybe dahil sa nanay ko.

“The way she raised me up and everything, so that’s why hindi pa ako masyadong ready [to do a sexy pictorial].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napamahal na sa kanya ang Pilipinas kaya siya nagdesisyong mamalagi sa bansa.

“Nagustuhan ko, I just love the Philippines kasi sobrang mabait ang lahat ng mga tao na nami-meet ko.

“At saka yung mentality, ibang-iba siya sa mga ibang culture like where I’ve been to already.

“So I really fell in love with the Philippines at saka nagustuhan ko talaga ang lahat.”



BEAUTY PAGEANT. Sa tindig niyang 5’10", marami na ang kumukumbinsi sa 21-year-old actress-model na sumali sa beauty pageants.

Pero totoo bang ayaw niyang sumali sa mga ganito?

Sagot ni Valerie, “Hindi naman. ‘Never say never’—iyan ang motto ko.

“So tingnan natin, di ba, in the future? I mean, I don’t close my mind naman for it

“I mean, if I’m ready, kung nasa isip ko na, na handang-handa na ako to represent the country, di ba, why not? I’m game naman for it.

“I’m already honored that a lot of people are thinking like, for me to consider also joining.”



FROM ABS-CBN TO TV5. Galing si Valerie sa Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN at ngayon ay nasa TV5 siya.

Ano ang pinakamalaking pagkakaiba?

“Wala naman masyadong difference. Of course, new faces.

“I meet a lot of people na I haven’t met in ABS. Pero it’s the same. Actually, halos parehas lang.”



ADMIRATION. Sa local male stars, kanino siya naguguwapuhan?

“Siyempre si Piolo Pascual, from before pa, nakita ko siya sa isang event. Ewan ko, para sa akin, siya talaga ang... siya ang...

“Ewan ko, yung parang typical na leading man that you want to have.

“Si John Lloyd [Cruz], gustung-gusto ko siya dahil ang galing niya—as in.

“I mean, sa mga movies niya. He’s like one of the best actors I’ve ever seen here—ang galing niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-meet ko rin siya, nakita ko lang siya sa isang event, saglit lang.

“Siyempre si Derek... oo, di ba? Siyempre naman!

“Physical siyempre, he really looks good... I mean he’s really handsome, obviously!

“I mean, para sa akin, importante rin kasi sa akin yung the way he works with the others... yung mga ibang kasama niya sa set.

“Napakabait niya and napaka-supportive rin niya—that’s what I really appreciate about him.”

Kung magugusuthan siya at liligawan ni Derek, may chance?

“I don’t know, I mean friends lang kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN