Ynna Asistio on near breakup with Mark Herras: “Totoo ang sinasabi nila na kapag five years na, doon na nagsisimula yung pagod.”

Naiintindihan naman daw ni Ynna Asistio ang pagiging abala ng boyfriend niyang si Mark Herras sa trabaho. Pero aniya, “Sa akin lang naman, sana yung time na wala siyang work, sana sa akin lang din siya—yung oras niya ay sa akin naman.”


Ang limang taong relasyon nina Ynna Asistio at Mark Herras ay muntik nang mauwi sa hiwalayan.

Ito ang inamin ni Yna nang makausap siyang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 29thPMPC Star Awards for Movies noong March 10, Linggo, sa AFP Theater.

Aniya, “Hindi... kasi nagkatampuhan lang kami minsan. Pero, ganoon lang.

“Naintindihan ko naman, kasi sobrang busy siya sa work ngayon.

“Sobrang busy kasi niya ngayon sa work kaya nawawalan na naman siya ng oras para sa akin.”



DARE. Hinamon niya ba talaga ito ng hiwalayan?

“Yeah!” patawa-patawang sagot ni Ynna na tipong nagbibiro lang.

“Hindi kasi, di ba, limang taon na din? Kaya siyempre, napapagod din ako.

“E, alam ko, siya rin ay ganoon din. Kasi maraming bagay pa ang hindi niya puwedeng gawin.

“Yung tungkol din sa parents ko na hindi kami puwedeng paalis-alis.”

Paano naman nag-react si Mark sa hamon niya?

“Siyempre ayaw niya,” sagot niya.

Ibig sabihin ay nagkabalikan na ulit sila?

“Oo, ganoon,” ngiti ni Ynna.

“Talagang dumadaan sa ganoon. Kaya kailangan din kaming magkita at mag-usap para maayos ang lahat.”



STATUS. Parang lumalabas na hindi pa malinaw ang lahat sa kanilang dalawa?

“Hindi, malinaw na. Kailangan lang kami magkausap talaga.

“Yung heart to heart. Kasi, hindi nga kami nagkakaharap nang personalan.”

Totoo bang siya rin ang gumawa ng paraan para sila magkabalikan?

“Mali!” mabilis niyang sagot.

“Ako, hindi ko kinaya kaya ako nakipaghiwalay. Ganoon din siya.

“Kaya pumunta muna akong Palawan para makapag-isip-isip.

“Suportado naman niya. Kasi, siya rin ang nagsabi na for five years, hindi pa kami nagkakahiwalay physically.

“Yun nga, totoo ang sinasabi nila na kapag five years na, doon na nagsisimula yung pagod.

“Yun nga. Sa tagal na namin, parang feeling mo, e… pero napag-usapan na rin namin.

“And okey naman kami.”



INSECURE. Nagkakasaawaan na ba sila?

“Hindi naman. Napagod lang siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa naman ako, kasi nakikita ko rin talaga yung pagbabago din ni Mark para ma-save yung relasyon namin."

Siguro kung siya ang mas busy ay mas maiintindihan niya ang pagkukulang ng kilalang Bad Boy of the Dance Floor.

“Kaya nga naiintindihan ko naman siya.

“Sa akin lang naman, sana yung time na wala siyang work, sana sa akin lang din siya—yung oras niya ay sa akin naman.”

Insecure ba siya kay Mark?

“Hindi naman,” tanggi ni Ynna.

“Yun nga, di lang ako makausap ay nagwawala na.

“Ako rin kasi, gusto ko ring suportahan si Mark kasi yun ang gusto niya.

“Ayaw ko namang maging hadlang sa kung anumang pangarap niya, lalo na sa career niya.

“So nag-decide kami na, yun nga, na pagdating sa career, wala nang pakialamanan.”

Higit sa lahat ay para na rin sa kanya dahil meron ngang pagbabagong nagaganap sa kanyang career.

Sabi ni Ynna, “Yun nga kasi, tulad ngayon, nagma-mature na rin ako sa roles.

“Na sa pagbabago sa career ko, suportahan na lang kaming dalawa.

“Wala naman kaming gaanong condition sa pagbabalikan namin. Yun lang, dapat more time to me.

“Pero pagdating nga sa trabaho, kung di kami magkita, dapat walang magagalit sa aming dalawa.”



CHANGE IMAGE. Kahit physically ay may pagbabago na rin sa kanilang dalawa.

Natatawang sabi ni Ynna, “Si Mark, tumaba na naman!

“Ako, nagpapapayat nga dahil sa mature roles na gagawin ko. So, kailangan fit din ako.”

Kasama ba siya pagbabagong ito ang pagpayag niyang magpa-sexy sa isang FHM pictorial?

Pag-amin ni Ynna, “Actually, meron ngang nag-offer sa akin.

“If ever, gusto ko yung confident na rin ako sa katawan ko na kaya kong gawin yun.

“Na kung kailangan akong mag-pose-pose, dapat yung hindi mahihiya kung anuman ang ipapagawa sa akin.

“Gusto ko, kung ano yung nakikita nila sa magazine ay yung tunay kong katawan, hindi yung parang ini-edit-edit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MARRIAGE. Handa na ba siyang magpakasal kay Mark in case dumating ang time na yayain na siya nito?

“Maybe two years pa... maybe sooner,” nag-aalangang sagot niya.

“Pero I don’t think na gagawin yun ni Mark.

“Ang dami pa niyang dreams para sa pamilya niya. Sa sarili niya.

“Nagbibiru-biruin lang paminsan-minsan, pero alam ko namang hindi siya seryoso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN