Solenn Heussaff on choice between marriage and career: “Hindi ako yung tipo na mag-stop kasi kasal ako—piece of paper lang ‘yan.”

Nagiging personal issue para kay Solenn Heussaff ang hirap niyang magsalita ng Tagalog. Sabi niya, “Feeling ko, pag may cause of delay, ako ang dahilan. Kasi minsan, yung mga lines or since medyo nahihirapan ako mag-memorize ng Tagalog, hindi ako puwedeng mag-emote.”


Sa location shoot ng Indio sa Cavinti, Laguna ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn Heussaff.

Diwata ng apoy at bulkan ang role na ginagampanan ni Solenn sa Indio, bilang si Lalahon.

Ano ang pinakamasarap na parte sa pagiging bahagi ng fantaseryeng ito ng GMA-7?

“Best part, ang ganda ng mga costumes, isa yun sa best parts.

“So hindi kailangan mag-pack pag nasa bahay!” at natawa si Solenn.

Pero challenge daw isuot ang kanilang diwata costumes dahil mabusisi.

“Yeah, especially yung sa akin din.

"Yung iba, may mga headdress sila, ako may headdress pero maliit lang... silang lahat malaki.”



TAGALOG LINES. Ang hindi masyadong gusto ni Solenn bilang diwata ay ang mga mahahabang dialogue na Tagalog.

Sabi ng Filipino-French actress, “As in... kahit para sa mga Pinoy na one hundred percent Pinoy, mahirap din yung lines para sa kanila.

“Pero yun lang ang hard, or baka yung minsan ang layu-layo ng destination namin, ng location, laging three hours away from Manila.

“So iyon. Pag six a.m. ang calltime, aalis kami three a.m. sa bahay.

“So, iyon ang mahirap, pero very petty, very petty,... hindi naman na ‘Oh my God!’ na nakakaloka.

“So yung lines...”



TAGALOG LESSONS. Hindi pa kumukuha si Solenn ng Tagalog lessons. Nagbabasa raw siya ng tabloids at Tagalog na scripts.

“Wala pa yung mga comics. Everyone tells me about the comics pero hindi pa ako nakakabasa.

“I want, ‘pag let’s say... three times a week... pag may two or three times a week free ako.

“Gusto ko may regular lessons para mabilis ako matuto pa.

“Pag waiting ganito sa set, pero where will I find a good teacher na gusto niya na magpunta dito, di ba?”



BUSY ACTRESS. Nalilinya rin si Solenn sa mga sexy/comedy roles.

Sabi niya, “Baka kasi hindi ako marunong magsalita ng Tagalog, so kaya nandoon ako, okay para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dito sa Indio, I mean lahat ng diwata kailangan maganda yung outfit, sexy.

“Parang hindi tao sila, ganoon yung peg nila, so kaming lahat ganoon.”

Masaya si Solenn na sa kabila ng hindi siya magaling mag-Tagalog ay napaka-in demand niya sa telebisyon, pelikula, at sa mga endorsements o product commercials.

“Masaya ako, blessed ako.

"Siguro, baka kasi parang normal, they can see na normal ako, di ba?

“Baka iyon ang nagugustuhan nila.

“Tapos nag-improve naman ang Tagalog ko. Although it’s not there yet!” ang natatawang sabi ni Solenn.

Sa ngayon ay mayroong labinlimang product endorsements si Solenn.

“Oo. Pero some of them for four years, some of them, ganoon.”



CAREER AND LOVELIFE. Isa rin si Solenn mga artista na maganda pareho ang career at ang lovelife.

Although may paniniwala ang iba na kapag maganda ang career ay hindi masaya ang lovelife and vice-versa.

“Ah, yeah. Pero I understand naman the saying.

"Kasi actually, pag yung partner mo, hindi niya maiintindihan yung trabaho mo, pag hindi siya sa showbiz.

“Yun, baka mahirap yung relationship, kasi minsan-minsan lang kayo magkikita.”

Maunwain ang Argentinian boyfriend ni Solenn na si Nico Bolzico.

“Ah, yeah, very understanding!”

Hindi pa siya niyayaya nito na magpakasal?

“Piece of papel lang ‘yan. Hindi naman...

"Ako, I’m not the type na pag kinasal ako, stop akong lahat.

“I’m still an independent woman, gusto ko magtrabaho, gusto ko lahat.

“Hindi ako yung tipo na mag-stop kasi kasal ako—piece of paper lang ‘yan.”

Paano kapag ang gusto ng magiging husband niya ay maging full-time wife and mom siya?

“Then, leave me!” sabay tawa ni Solenn.

“If he wants to be with me, then he has to accept everything about me.

“I’m not gonna change for anyone. I’ll compromise, but I won’t change.”

Hindi naman sa mas pipiliin niya ang career over love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, of course.

"I love love pero if the person that I’m with really loves me, he won’t stop me from doing anything.

“Iyon ang tingin ko—my perspective.”



HOSTING. Ano pa ang gusto niyang ma-achieve sa career niya?

“Gusto ko, kasi right now, mahirap maging leading roles kasi, di ba?

"Per day, may mga sixty sequences sila.

“So, pag na-memorize nila yung lines, as in on the set, isang basa lang, tapos, alam na nila.

“Since ako, yung Tagalog hindi yung main language ko, sobrang kailangan ko ng two-three days...

“Especially dito sa Indio, kasi sobrang lalim, pero parang mas tough.

“Kasi, pag nakalimutan ko yung lines sa set, walang kapalit na word, hindi ako puwedeng mag-improvise kasi wala akong vocabulary

“So, iyon. Pero ako, gusto ko yung mga hosting-hosting talk shows... TV shows... iyon ang gusto ko.”

More than acting?

“I like movies, teleserye... it’s different for me still.

“Pero I think, feeling ko, pag one hundred percent ako comfortable sa Tagalog, hindi ako mahihiya sa mga actors.

“Feeling ko, mae-enjoy ko nang mas bongga yung teleserye.

“Ngayon, pag nasa set ako, feeling ko, pag may cause of delay, ako ang dahilan. Ganoon.

“Kasi minsan, yung mga lines or since medyo nahihirapan ako mag-memorize ng Tagalog, hindi ako puwedeng mag-emote, di ba?

“Yung concentration ko, nakahiwalay-hiwalay. So iyon, so minsan, sobrang nahihiya ako.

“Unlike hosting... yeah, hosting is fun!

"Tapos, pag may hosting, tapos madaming ibang tao...

“Okay lang, kasi alam ko na yung, na feeling ko na they like it na medyo bulol yung salita ko, kasi funny.

“So ako, pag making fun of myself, okay lang sa akin yun... fun naman.”



LEADING MEN. Ano ang susunod niyang project after Seduction?

“Si Direk Peque [Gallaga], sabi niya may isang movie na naman ako with him and Regal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung ano yung tema this time.

“Tapos, may nag-send ng isa pang script na nabasa ko last year na super-ganda, very challenging.

“Pero I don’t know pa who the director is. So may two movies in the works.”

Tatlong aktor na gusto pa niyang maging leading men in the future.

“Wow! A... John Lloyd [Cruz] kasi super-magaling siya, di ba?

“Sino pang gusto ko na sobrang-sobra… Aga Muhlach!

“Oo, nandito ang expectations ko!” ang tumatawang muwestra ni Solenn ng kamay niya na nakataas.

Patuloy niya, “Nasa eroplano ako this December, nakita ko yung movie niya with Angel Locsin—so nice! Naiyak ako sa plane.

“Tapos, baka isang veteran na matanda na parang tatay-daughter role, di ba? Something like that."

Gusto rin daw niyang makatrabaho si Christopher de Leon.

“Nakatrabaho ko na siya pero small role lang, sa Captain Barbell, tagal na.”

And of course, proud si Solenn na katrabaho niya ngayon si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang male lead sa Indio.

“Masaya sa set actually, masarap katrabaho.

“Last time na nag-taping kami, natatawa kaming lahat, we couldn’t stop laughing.

“Lahat kami hindi makaarte, tawa kami lahat, as in impossible makaarte kasi namali yung isang line, yung isang accent...

“Tapos, from there, kailangan ma-break kasi imposible na mag-take.

“Lahat kaming diwata, kahit minsan si Rhian or si Steven Silva, si Will Devaughn, mga hirap kami [sa Tagalog]

“So, funny naman pag nasa set, pero iyon nga... madalas mahaba ang mga lines, tapos malalim.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN