Lovi Poe reveals why she doesn’t want to fall for her leading man: “I can’t focus.”

Kapag nararamdaman na ni Lovi Poe na nagkakagusto na siya sa kanyang leading man, “distance na para… siguro pagtapos na ng show,” sabi niya. Paliwanag ng Kapuso actress, ayaw niyang maapektuhan ang kanyang performance sa trabaho at baka hindi siya maka-“focus.”


Mula noong natapos ang relasyon nina Lovi Poe at former Ilocos Sur First District Representative Ronald Singson, hindi pa nagkaroon muli ng karelasyon ang aktres.

Bagamat ilang aktor na ang na-link sa kanya, tulad nina Jake Cuenca at Rocco Nacino, nilinaw ni Lovi na malalapit na kaibigan lamang niya ang mga binata.

Giit pa niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press, “I’m still [single], wala talaga.

“I just want to work and work lang ngayon.”

Nakausap ng PEP si Lovi sa set ng The Bride and The Lover sa Fernwood Garden sa Project 6, Quezon City.

FOCUS ON WORK. Ang pagiging single ni Lovi hanggang ngayon ay hindi naman daw dahil “na-trauma” siya sa naging relasyon nila noon ni Ronald.

Naisip niya lamang noong natapos ang kanilang relasyon na mas gusto niya munang maglaan ng pansin sa trabaho.

Dagdag pa ng aktres tungkol sa pag-ibig, “Siguro it will come naman, e, you’ll know it when that moment comes.

“I never planned it, but then siguro I’m happy like this. So hindi ko masyadong napapansin.”

IDEAL GUY. Kalaunan sa panayam ay inamin din ni Lovi na maaari ngang nag-iingat na rin siya ngayon sa relasyong kanyang papasukin.

Pero ano na ba ang hinahanap niya ngayon sa isang lalaki?

“Uhm, siguro someone funny and smart, someone who can keep the conversation going.

“Masarap kasi ‘yong nakakausap mo about many things.”

Pero bago tuluyang umalis si Lovi para maghanda sa susunod na eksenang kanyang kukunan, mayroon itong inamin sa PEP.

“Ito ha, I can’t focus,” pagtukoy niya kung bakit hindi niya hinahayaang mahulog ang loob sa kanyang mga leading men.

“Magiging conscious ako the whole time, so kunwari may times na, ‘Shocks, medyo crush ko siya,’ distance na para… siguro pagtapos na ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May times talaga, may times na may attraction talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN