Matteo Guidicelli on Maja Salvador-Gerald Anderson relationship: "As long as they’re happy and I’m happy—we are all happy."

Bagamat nali-link siya ngayon kay Jessy Mendiola, itinanggi ni Matteo Guidicelli na nililigawan na niya ang dalaga. Sabi ng Kapamilya actor tungkol sa pagbubukas ng kanyang puso sa bagong mamahalin, “Siyempre takot ako konti na masaktan dahil sa past experiences natin. But ready naman ako na magmahal ulit. Pero as of now, I’m not looking for a relationship right now.”


Kahit matagal na silang break ni Maja Salvador, hindi pa rin makaiwas si Matteo Guidicelli sa mga tanong tungkol sa kanyang ex-girlfriend.

Sa mga ganitong pagkakataon, matipid sa pagsagot o pagbibigay ng kanyang pahayag ang race-car driver turned actor.

Nangiti lang muna nga si Matteo nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang masasabi niya hinggil sa relasyon ngayon nina Maja at Gerald Anderson.

Naganap ang panayam namin sa kanya kahapon, Tuesday, March 12, sa thanksgiving party for the press ng JLD Star Force Artists, ang talent management ni Joji Dingcong.

Sabi ni Matteo, “Nothing… I cannot say anything about them.

“As long as they’re happy and I’m happy—we are all happy.

“Especially Maja, dahil ako ang pinaka-close niya dati.

“At masaya lang ako na masaya sila. Friends kami.

“Everything is good. Basta as long as masaya siya, okey ako.”

STILL FRIENDS. Hindi pa rin humuhupa ang iringan sa pagitan nina Maja at ni Kim Chiu, na ex-girlfriend naman ni Gerald. How does he feel about it?

“Uhm… wala akong masabi, e. Sana maging okey lang sila. Yun lang,” tugon ni Matteo.

Hindi man daw sila nagkakausap ngayon, magkaibigan pa rin daw sila ni Maja.

Kahit naman daw si Gerald, walang nabago sa samahan nila bilang magkaibigan din.

“Yes. At kapag nagkikita kami ni Gerald, okey naman, walang problema.

“Even kay Maja, okey kami. Walang problema talaga.”

Hindi pa rin ba siya nakaka-let go sa heartaches na inihatid ng breakup nila ni Maja?

“Naka-let go na naman ako. Kaya lang, ang priority ko ngayon, trabaho at saka yung sports ko na triathlon.

“Halos araw-araw... wala nga akong time para sa sarili ko, e. Talagang trabaho araw-araw. Training palagi.

“Maraming blessings na dumarating sa akin ngayon. Na… tanggapin ko na lang lahat and work hard na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JESSY MENDIOLA. Nali-link si Matteo ngayon kay Jessy Mendiola, ang leading lady niya sa afternoon series ng ABS-CBN na Paraiso.

Habang tumatagal ay balitang mas lalo pa silang nagiging malapit sa isa’t isa. Nagkakagustuhan na nga ba sila?

Tugon ni Matteo, “We’re really very close now. And, a… tingnan kung saan papunta.

“Jessy is very beautiful, very supportive. Talagang… a lot of qualities na gusto ko sa isang babae, nasa kanya.

“Uhm… hindi ko pa naman siya nililigawan. We’re just close.

“I’m just there for her all the time na kailangan niya ako bilang kaibigan.

“Nag-i-stick ako sa… bilang kaibigan.”

Hindi kaya for publicity lang yung napapag-uusapan ngayong pagiging malapit nila ni Jessy sa isa’t isa since magkatambal nga sila sa isang panghapon na serye?

Sabi ni Matteo, “Uhm… I don’t know if you can call it publicity.

“But every day, we’re together. And we go out sometimes.

“Kung hindi kami magkasama dahil busy siya, busy ako, pero we’re really close friends.”



MEETING THE FAMILY. Nakilala na ba ng pamilya niya si Jessy?

“Yes. Actually, pumunta siya sa bahay one time. Nag-barbecue-barbecue.

“Kumain kami do’n sa bahay. Yun, nakilala siya ng mama at papa ko.

“Ayos nga, e. They like Jessy.

“Last year pa sila nagkakilala. Nag-get-together kasi kami sa family.”

Mas gusto nila si Jessy para sa kanya kumpara kay Maja?

“Yun ang hindi ko alam, wala silang sinasabi. Pero they like Jessy.”

Yung parents ba niya, nanghihimasok sa kanyang lovelife?

Sagot ni Matteo, “Supportive sila, especially yung mama ko. Binibigyan nila ako ng advice palagi.

“Pero they won’t control me. Magagawa ko pa rin yung gusto kong gawin.

“Pero nandun pa rin sila to advice and guide me.”

Ang impression ng iba sa parents ni Matteo ay parang masyadong mataas ang standard at namimili ng magiging girlfriend niya. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, as long as mabuti yung babae.

“Mabait yung babae at inaalagaan niya ako, okey sa kanila.

“Basta mabait,” sabi ni Matteo.

Hindi ba sila tumitingin sa social status ng babaeng nagugustuhan niya?

“Hindi, my parents don’t judge.

“Basta as long as I love them and they love me, no problem sa kanila kung sinuman ang magustuhan ko.”



MOVING ON. Kapag naging sila ba ni Jessy, aaminin niya?

“Oo naman… kapag naging kami. Tingnan natin!” sabay tawa ni Matteo.

“Pero sa ngayon, wala pa. Wala pa talaga.

“Basta… nandiyan ako parati para sa kanya.”

Masasabi bang isa si Jessy sa dahilan kung bakit madali siyang nakapag-move on sa breakup nila ni Maja?

“Nag-move naman talaga ako, e… before pa na naging close kami ni Jessy,” sabi ni Matteo.

Masasabi ba niyang si Jessy ang nagpapasaya sa kanya ngayon?

“Siyempre, siya yung babae sa buhay ko ngayon na pinaka-close ko ngayon—dahil araw-araw kaming magkasama.”

Obvious naman na he likes Jessie a lot. Ano pa ang nakakapigil sa kanya para pormal niyang ligawan ito?

“Yeah, I do like Jessy.

“Pero yung mga priorities kasi natin ngayon, e.

“Sobrang busy, sobrang daming blessings po sa trabaho.

“So kailangan munang i-prioritize at mag-concentrate muna sa trabaho.”

“Basta nandiyan ako palagi bilang kaibigan para sa kanya.

“Kung kailangan niya ako, nandiyan ako para sa kanya.”

Matindi siya kung ma-in love at magmahal. Hindi kaya natatakot siya na masaktan uli kaya hindi muna niya iniisip ang tungkol sa lovelife?

Sagot ni Matteo, “Siyempre takot ako konti na masaktan dahil sa past experiences natin. But ready naman ako na magmahal ulit.

“Pero as of now, I’m not looking for a relationship right now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN