Bianca Manalo on moving on after breakup with John Prats: "Talaga? After one year, iyan pa rin ang tanong?"

Naglabas ng kanyang sentimyento si Bianca Manalo sa pagiging single niya. Sabi ng dating beauty queen, “Well, kasi sometimes, nagsi-sink in sa akin na, ‘Bakit ako single?’ Nami-miss ko na may kasama akong manood ng sine. Yung kapag nilalagnat ka, wala ka nang ma-text na, ‘I’m not feeling well.’ Simple things. Simple joy. Iyon yung minsan nadi-depress ako.”


Blooming ngayon ang beauty queen turned actress na si Bianca Manalo.

Ito ang napansin agad ng press na dumalo sa thanksgiving party ng JLD Star Force Artists, ang management firm ng mentor nilang si Joji Dingcong kahapon, March 12, sa Cowboy Grill sa Tomas Morato, Quezon City.

“Sa ngayon, wala,” sagot ni Bianca nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kung may lovlife ulit siya ngayon.

“But in time, pag naramdaman mo naman ‘yon, hindi mo na mapipigilan ‘yan. Iyon na ‘yon,”

Ang ex-boyfriend ni Bianca na si John Prats—na ngayon ay napapabalitang karelasyon ni Isabel Oli—ay puro “no comment” ang sagot kapag natatanong about her.

Ayaw na raw ng aktor na napag-uusapan pa ang nakaraan nila ni Bianca.

Ano ang masasabi ni Bianca dito?

“E, di no comment din na lang ako! Di ba?” nakangiti niyang sabi.

“Hayaan na lang nating gano’n. Kasi kapag may sinabi ka pa, parang… bakit pa?

“One year na, e,” pagtukoy niya sa panahong lumipas mulang nang mag-break sila.

“Di ba? At saka masaya na sila. Masaya rin ako ngayon.”

Pero masakit ba na ayaw na nga siyang mapag-usapan pa ng lalaking minsan ay minahal niya?

“E, opinyon niya yun, e. Ano’ng magagawa ko?” bahagyang natawang sabi ni Bianca.



THE BREAKUP. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung ano ang rason at nag-break sina Bianca at John. Bakit nga ba?

“No comment!” pag-iwas ni Bianca.

May third party ba nung time na naghiwalay sila ni John?

“Wala akong idea. Pero nung hiwalay na kami, pumutok ‘yan.

“Nagulat ako. Nagulat ako. Pramis!

“Na… ano ‘yonnnnn?”

Two-timer si John?

“I don’t know. Wala naman akong idea kasi nung nag-break na kami, lumabas nga yung issue na ‘yan.”

“So, parang ako, ‘Ha?’”



NO SUITOR. Is she dating anyone right now?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala… nasaan sila?” mga guys na gustong manligaw sa kanya ang tinutukoy ni Bianca.

Wala talaga siya ni isang suitor ngayon?

“Wala. Nung Valentine’s Day, natutulog lang ako sa bahay.”

Baka kasi hindi siya naglalalabas ng bahay?

“Iyon nga ang sinasabi nila, e, na, ‘Baka naman kailangan mong lumabas? Para i-expose mo ang sarili mo. Get to find someone new.’

“Kasi raw, kung same crowd ang parati kong kasama, paano naman daw ako may makikilala?”

Oo nga naman. Kasabihan nga, ang bulaklak kapag ipinasok mo sa loob ng bahay, walang bubuyog na makakalapit.

“Ay!” bulalas ni Bianca. “O, sige, lalabas na ako!

“Kasi busy rin ako sa work, e. So, I can’t find time to go out.”

Next time na makipagrelasyon siya, mas gugustuhin ba niyang sa isang private individual na lang kesa sa showbiz personality rin na gaya niya?

“Alam mo, ayokong magsalita nang patapos. Kasi we’ll never know.

“Baka mamaya, sabihin ko na ayoko na ng showbiz tapos ang magiging boyfriend ko, showbiz na naman. Di ba?

“O sasabihin ko, ‘Ay, gusto ko private person.’ Tapos hindi naman pala.

“Or baka mamaya, pulitiko pala.

“Ayokong magsalita nang patapos, baka kainin ko lang yung sinabi ko.

“We’ll see… in time.”



IMPOSSIBLE. Paano kung halimbawa hindi tumagal ang relasyon nina John at Isabel, tapos bumalik sa kanya ang aktor?

“Oh, my God! Imposible na ‘yan.

“Kasi sa pagkakakilala ko kay John, wala siyang binabalikang naging ex niya.

“And in time naman siguro, magiging friends kami.

“Ngayon siguro, hindi pa muna. But in time, di ba?” saad ni Bianca.

May mga nagdududa pa rin kung talagang naka-move on na nga siya sa breakup nila ni John.

Sabi ni Bianca tungkol dito, “One year ago na ‘yan. Oh, my God! Alam mo natatawa na lang ako.

“Kasi parang, ‘Talaga? After one year, iyan pa rin ang tanong?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naka-move on na ako. And I’m happy nga nowadays.”



BEING HAPPY. What makes her happy nowadays?

“Spending time with my pamangkin… mga pamangkin ko talaga.

“Na kapag nai-stress ako, kapag nalulungkot ako, sila ang kasama ko.

“Well, kasi sometimes, nagsi-sink in sa akin na, ‘Bakit ako single?’

“Nami-miss ko na may kasama akong manood ng sine.

"Yung kapag nilalagnat ka, wala ka nang ma-text na, ‘I’m not feeling well.’

“Simple things. Simple joy. Iyon yung minsan nadi-depress ako.”

Patuloy niya, “Pero thankful ako kasi hindi ako nawawalan ng trabaho.

“May ginagawa akong movie, yung kasama ko sina Ai-Ai [delas Alas] at Marian [Rivera] na Kung Fu Divas.

“And masaya working with Ai-Ai and Marian, ang saya-saya.

“Yung role ko, talagang nakakatawa rin.

“Tapos may gagawin pa ako isa pa ring movie. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin, confidential pa.

“Sa TV naman, kahapon lumabas ako sa Kahit Konting Pagtingin.

“Ako yung totoong girlfriend na pini-pretend ni Angline Quinto na siya. Ako ang totoo at impostora lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN