Paolo Ballesteros on his ideal lover: “Dapat foreigner! Hindi… joke lang! Gusto ko siyempre, mabait, mayaman!”

Bagamat idinadaan sa biro ni Paolo Ballesteros ang mga sagot niya sa katanungan tungkol sa kanyang sexual preference ay halatang mas bukas na siya ngayon na pag-usapan ang tungkol dito. Nang tanungin kung gusto rin ba niyang magkaroon ng lifetime partner, ito ang sagot ni Paolo: “Hindi… wala. Kung may dumating, sige, go!”


Tila kumportable na si Paolo Ballesteros sa kanyang sexual preference.

Hindi man niya direktang sinasabi ay mahihinuha ito sa mga sagot niya nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Congo Grill sa Tomas Morato, Quezon City kahapon, March 12.

Kasama ni Paolo ang iba pang talents ng JLD Star Force Artists, ang talent management firm ng manager niyang si Joji Dingcong.

Puwede kayang umabot sa puntong nagpapakababae na siya sa bihis at hitura gaya ni BB Gandanghari?

“Sino bang nag-out?” birong tanong din ni Paolo sa umpisa ng panayam.

“Hindi pa ba ako nagdadamit-babae?” sabay tawang pabirong tanong niya ulit.

“Sa mga palabas, sa mga roles, nagdadamit-babae ako.”

Halimbawa nga sa fantasy series ng TV5 na Kidlat, kung saan bida si Derek Ramsay, ay nagdadamit-babae siya bilang isa sa mga kontrabida.

Pero sa totoong buhay, hindi pa raw niya naiisip na magpakababae ng kilos, hitsura, at bihis.



LOVELESS PAOLO. Natawa si Paolo nang matanong kung kumusta na ang kanyang lovelife ngayon.

Ibinuka niya ang kanyang bibig sabay tutok ng pinagdikit-dikit na daliri ng kanyang kanang kamay na ang ibig sabihin ay “nganga.”

“Wala akong lovelife… Sex life? Secret!” tawa niya.

Sa darating na panahon, maghahanap ba siya ng lalaking karelasyon at magiging partner niya sa buhay?

“Ewan ko. Gusto n’yo ba?” tawa niya.

“Hindi… wala. Kung may dumating, sige, go!”

Pero hindi siya naghahanap sa ngayon?

“Hindi.”

O baka gusto niyang siya ang ligawan?

“Oo naman!” tawa ulit niya.

Ano ang qualifications niya para sa posibleng maging lover niya?

“Dapat foreigner! Hindi… joke lang!

“Gusto ko siyempre, mabait, mayaman!” tawa na naman niya.

PAOLO’S DAUGHTER. Kumusta na ang kanyang anak na babae?

“Okey naman,” sagot ni Paolo.

Nasa kanya na talaga ang custody nito?

“Oo, nasa akin na. Nasa bahay siya.”

Maganda ang kanyang anak, mestisa at artistahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, mana sa akin!” natawang biro ulit ng aktor.

Naiisip ba niya na baka sa ngayon, dahil musmos pa ang anak, ay hindi pa nito maiintindihan kapag napapanood siyang pa-girl sa hitsura at bihis?

Sabi ni Paolo, “Okey lang ‘yan, oo. Alam naman niyang nasa trabaho ‘yon, e.”

Magiging open din kaya siya sa kanyang anak tungkol sa kanyang sexual preference one of these days? Kaya niya?

“Oo naman. Siyempre anak mo ‘yon.”

Maintindihan kaya nito?

“Oo… ano ba ang iintindihin?” sabay tawang pabiro na namang tanong niya.

JOSE & WALLY. Ang kasamahan niyang Dabarkads sa Eat Bulaga! na sina Jose Manalo at Wally Bayola ay magkakaroon ulit ng major concert. Nandoon ba siya?

“Oo, nandun ako. Magmi-make-up!

“Manonood ako. Siyempre susuportahan ko sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN