No kissing scene for Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in their launching movie

Hindi nangyari ang inaasahang kissing scene kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang launching movie na Must Be Love. Pero nang tanungin si Danielkung okey lang sa kanya na hindi siya ang maging first kiss ni Kathryn, ito ang naging sagot niya: “Wala naman din akong magagawa, e… Pero bakit ba natin ‘to pinag-uusapan? Nangba-bad trip ka ba? Hindi, joke lang!”


Lubos ang pasasalamat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tao sa premiere ng launching movie nila, ang Must Be Love.

Ginanap ang premiere kagabi, Marso 12, sa Cinema 4 ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ayon sa ilang nakakuwentuhang guwardiya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala pang 6 p.m. ay nagsimula nang kumapal ang mga tao sa area na dadaanan nina Kathryn at Daniel.

Unti-unti nilang nilagyan ng barricade ang mga lugar na ito upang maiwasang makuyog ang Kapamilya loveteam kapag dumating ang mga ito.

Wika ni Daniel nang makausap ng PEP at ibang entertainment reporters, “Siyempre, masaya talaga kami ni Kathryn kasi talagang ang daming tao, di ba?

"At sana hindi lang ngayong araw ‘yon, sana tuluy-tuloy ‘yan.”



FIRST FILM. Magkahalong kaba at excitement daw ang nararamdaman ng tambalang KathNiel sa unang pelikulang pagbibidahan nila.

Ani Kathryn, medyo nakahinga na siya nang maluwag nang mapanood ang pelikula nila.

Pero dahil ngayong araw pa lamang, March 13, ang showing date ng Must Be Love, at ayon kay Kathryn, “Malalaman natin kung ano ba talaga [ang pagtanggap], e.

“So hindi naman mawawala yung kaba.”



FIRST KISSING SCENE. Samantala, simula pa lamang ng pelikula ay kinilig na ang mga fans ng KathNiel sa mga eksena nila sa pelikula.

Natatawa pang biro ni Kathryn, maging ang mommy niya ay “kinikilig nga rin!”

Pero ang pinaka inaabangang eksena ng lahat ay ang kissing scene ng dalawa—pero hindi ito natuloy.

Kaya naman tinanong si Daniel kung ano ang reaksiyon niya kung hindi siya ang unang maka-kissing scene ni Kathryn?

“Wala naman din akong magagawa, e…” sagot ni Daniel.

Pero biro niya sa reporter na nagtanong nito, “Pero bakit ba natin ‘to pinag-uusapan?

“Nangba-bad trip ka ba? Hindi joke lang!” sabay tawa ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN