PEP EXCLUSIVE. Louise delos Reyes "trying to fix things" with boyfriend Enzo Pineda

“Actually, hindi siya parang problem, e. It’s more on the… parehas kaming ‘It’s not you, it’s me.’ Parang ganun. It’s more on sa sarili talaga, reflection sa sarili. It’s not about the relationship or merong nagawang mali sa isa’t isa, it’s about ourselves. Ayoko ng maging specific, basta iyon—yun na yung magiging statement ko about this,” pahayag ni Louise de


Bago pa nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise delos Reyes sa presscon ng Mundo Mo’y Akin kagabi, March 12, nakarating na sa amin ang balitang nagkakalabuan na sila ng kasintahan niyang si Enzo Pineda.

Kaya nang nakausap namin nang one-on-one si Louise sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay tungkol dito ang itinanong namin sa kanya.

Tugon ng young actress, “Ang masasabi ko lang po diyan, na siguro hindi maiiwasan ng kahit na anong relationship na meron kayong misunderstandings.

“Pero we’re fixing things…

“Pero I just want to keep it private na lang.”

Gaano na katagal na mayroon silang “inaaayos” ni Enzo?

“Siguro ano… hindi pa naman ganung katagal.

“Basta we’re trying… we’re trying to fix things.”

Sa tingin ba ni Louise ay maaayos pa ang anumang problema nila?

“Nagho-hope siyempre,” ang naiiyak na sagot ni Louise.

“Naghu-hope kami and siguro mas okay din sa amin na parehas kaming merong work.

“So we have this breather, kumbaga, na away from each other or away from the relationship… so iyon.”

NO THIRD PARTY. Ano ang dahilan ng misunderstanding nila?

“Puwedeng private na lang?” iwas ng dalaga.

May third party?

“No, no, no… definitely wala,” sagot ni Louise.

Pamilya ba ang dahilan?

“No, not the family.

“Siguro ano… people need to grow, hindi nang sabay.

“People need to grow, na hindi maging dependent sa isa’t isa.

“So we’re trying to separate our lives muna away nga dun sa relationship and, siyempre, para makapag-focus kami sa mga bagay na mas importante sa amin, like our work.

“Siya, meron siyang bagong show, yung Kakambal Ni Eliana. And ako, meron akong Mundo Mo’y Akin, so iyon.

“We need to… siguro ginawa rin ito ni God para makapag-focus kami talaga wholeheartedly.”

GROWING UP. Sabi niya, kailangan nilang mag-grow nang hindi sabay. Sa palagay ni Louise, sino ang dapat mas maunang mag-grow?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro both, both na rin siguro kasi hindi mo puwedeng ibigay yung blame sa isang tao lang.

“Kasi it’s a relationship so it’s by twos. So iyon, we need to grow both.”

Pinaninindigan ni Louise na wala talagang third party sa pagitan nila ni Enzo.

“Wala po talaga.

“Siguro natuto lang na mag-grow, mag-grow. Yung growth lang talaga as a person.

“Parang may dadating na time sa isang tao na you neeed change—change sa sarili mo, the system na kinagisnan mo.”

So, hindi sila nag-grow ni Enzo habang may relasyon sila?

“Hindi naman, naggu-grow naman.

“Pero merong mga bagay na kailangan mong matutunang mag-isa.”

Matututunan na kaya ngayon ni Louise ang mga bagay na iyon?

“Siguro, in God’s time. Naniniwala ako, in God’s time,” sagot niya.

CRYING TIME. Iniyakan ba ito ni Louise?

“Siguro sa kahit na anong relationship naman, if the people… yung tao nagma-matter talaga sa iyo, and you really care for that person, malulungkot ka.

“Kasama ng lungkot ang iyak,” tugon niya.

Si Enzo kaya ay umiyak?

“That I don’t know pero… hindi ko alam, e.

“Kasi parang we really need time. Time talaga to focus, focus sa work.

“And ako, graduating din ako so I have a lot of things in mind.

“Talagang kailangan kong mag-jumble ng oras para sa bawat bagay, para hindi ako mag-regret na hindi ko naibibigay lahat.”

Foreign Service student si Louise sa Lyceum-Cavite.

Kailan sila huling nagkausap ni Enzo?

“We see each other naman sa Party Pilipinas, so we’re friends.”

Yung usap na seryosohan at matagal?

“Hindi ko na matandaan.”

Buwan na ba ang itinatakbo ng problema nila?

“Actually, hindi siya parang problem, e.

“It’s more on the… parehas kaming ‘It’s not you, it’s me.’

“Parang ganun. It’s more on sa sarili talaga, reflection sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not about the relationship or merong nagawang mali sa isa’t isa, it’s about ourselves.

“Ayoko ng maging specific, basta iyon—yun na yung magiging statement ko about this.”

VALENTINE’S DAY. Hindi ba’t magkasama pa sila noong Valentine’s Day?

Lahad ni Louise, “Valentine’s Day, may work kami parehas. He surprised me.

“Kasi nasa dance workshop ako, sinurprise niya ako sa dance workshop ko.

“He gave me flowers, we had dinner.”

So recent lang ang pagkakalabuan ng relasyon nila?

“Basta… hindi masyadong matagal, hindi rin masyadong recent, sakto lang.”

Nasaktan ba si Louise sa nangyari?

“Iyon nga po, kung nagke-care ka talaga at important ang isang tao, masasaktan at masasaktan ka.”

Kung meron siyang mensahe ngayon para kay Enzo, ano ito?

“Congratulations sa new show!” at natawa si Louise.

Personal na mensahe?

“’Hi!’ Siguro ano, ite-text ko na lang sa kanya!” at muli siyang tumawa.



BIPOLAR? Paano ilalarawan ni Louise ang sarili niya o ang nararamdaman niya matapos ang nangyari sa kanila ni Enzo?

“Bipolar,” sagot niya.

Bipolar siya?

“Hindi ako bipolar, pero there are times that… extremes— extreme sadness, extreme happiness.

“Parang I cannot go na nasa gitna lang.

“It’s either mataas or mababa, so iyon.

“Tsaka personally kasi, I’m a very random person, so iyon siguro ang isang characteristic na hindi maintindihan ng marami.”

Kailan siya huling naging extremely happy?

“Dito sa bagong show, ngayon, ngayon dito sa presscon.”

Kailan naman siya naging extremely sad?

“Yung super-sad talaga? Hindi siya kaplastikan, ha, pero nung natapos ang One True Love.”

Ang One True Love ang first primetime series nila ni Alden Richards bilang magka-loveteam.

Tila walang koneksiyon kay Enzo ang kaligayahan at kalungkutan niya?

Sabi ni Louise, “Siguro tumama yung time na napagod akong maging bipolar, so naging ano lang ako, go with the flow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDEN RICHARDS. Sa sitwasyon nila ngayon ni Enzo, hindi kaya ngayon ay maging totohanan na ang onscreen tandem nila ni Alden?

Tugon ni Louise, “Kami ni Alden, we’re really good friends. Focus muna ako sa work, focus muna.”

Kasama niya sa trabaho at leading man niya sa show si Alden, kaya madalas silang magkakasama at magkakausap. Hindi rin malayong magkagustuhan din sila.

Sabi ng young actress tungkol dito, “Let’s see. I’m not closing any doors.

“Pero I’m happy kung ano yung meron sa amin ngayon ni Alden, which is a good friendship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN