Model-actor Edward Mendez on being linked to Vicki Belo in the past: “Expected na mangyayari yun so prepared naman ako.”

Sa balitang nagkabalikan na sina Vicki Belo at Hayden Kho, ito ang naging pahayag ni Edward Mendez: “Actually, I didn’t really know kung nagkabalikan na sila. All I know is that they’re really good friends, so I’m happy kung ganun, basta masaya siya.”


Magtu-two years nang talent ng JLD Management ni Joji Dingcong ang model-actor na si Edward Mendez.

Nakausap ng PEP.ph si Edward sa post-Valentine party ng JLD talents sa Congo Grill sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, March 12.

Saad ni Edward, “It’s acting talaga yung number one focus niya.

“Right now, I’m doing a movie with Ms. Marian Rivera and Ai-Ai delas Alas, yung Kung Fu Divas.

“Before that, I did Nang Dahil Sa Pag-ibig with Piolo [Pascual] and Hiyas sa Channel 2.

“And ang unang gig ko was Magkaribal and then sunod is Alyanna.”

Bakit hindi sunud-sunod ang projects ni Edward; choice ba niya ito?

Sagot niya, “Depende kasi kung ano ang plano ng management ko.

“But yung recent ko was Nang Dahil Sa Pag-ibig.

“After that, nag-guest ako sa Be Careful With My Heart and then I had to prepare for the movie—what we’re doing right now.

“So medyo madugo yung preparation dun, e, kaya siguro iyon ang finocus namin for now.”



BELO EMPLOYEE. Nagtatrabaho rin si Edward sa Belo Medical Group ni Dra. Vicki Belo bilang fitness consultant.

“Yeah, they’re working with me kasi ako yung nagte-train kay Raymond Gutierrez and other celebrities, ako yung consultant nila pagdating sa nutrition and fitness.”

Hindi naman daw mahirap balansehin ang schedule niya between acting and his work for Belo Medical Group.

Sabi ni Edward, “Medyo, pero I’m able to manage it.

“Sa Belo naman kasi, very flexible yung schedule ko, kasi the special clients schedule with me.

“At the same time, I do mga updates na kailangan i-update sa loob pagdating sa nutrition and training.

“Sa acting, one hundred percent focus ako since with the movie, it requires a lot of that.”



VICKI BELO. Na-link si Edward dati kay Vicki, paano niya iyon na-handle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, okay naman, kasi in-expect ko din yun because nung pinasok ko ang showbiz, I’ve been friends with her for ten years.

“Expected na mangyayari yun so prepared naman ako,” sabi niya.

Naging shoulder-to-cry on daw siya ni Vicki during her times of personal crisis.

“Marami kami as mga close friends niya, hindi lang ako. That’s part of being friends naman talaga, e.”

Ano ang comment ni Edward sa napabalitang pagbabalikan nina Vicki at Hayden Kho?

“Actually, I didn’t really know kung nagkabalikan na sila.

“All I know is that they’re really good friends, so I’m happy kung ganun, basta masaya siya.”



SINGLE LIFE. Walang nasusulat tungkol sa personal life ni Edward. Bakit kaya

“Siguro kasi bagu-bago pa ako sa showbiz, e.

“So right now, it’s all about work talaga ang nasusulat, so this is good na rin.”

Wala raw siyang girlfriend ngayon.

“It was about… before I got into showbiz, meron akong girlfriend for a long time.

“Pero hindi nag-work out because of many reasons—especially long distance.

“Currently, I’m enjoying the single life and I’m more focused sa work kaya siguro its something that’s a big change for me.”

Bukas siya sa pagkakataon na magkaroon ng relasyon sa isang older woman?

“Depende, e. Kasi it’s all about connection naman talaga, e.

“It’s all about connection and chemistry, e, so mahirap talagang…

“Hindi ko masabi kung magkakaroon ako ng older or… hindi ko kinu-close yung mind ko sa ganun.”

Puro raw sa younger women ang relasyon niya in the past, ayon mismo kay Edward who is 28 years old right now.

Ano ang plano niya in settling down?

“Siguro when I turn forty tsaka ako magpapakasal!” sabay-tawa niya.

“Work muna siguro kasi nandito na ako sa industriya so kailangang i- focus ko muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WORKING WITH AI-AI & MARIAN. Kumusta naman katrabaho sina Ai-Ai at Marian?

“Sobrang saya katrabaho sila tsaka sobrang nakakatawa and ano lang…

“Sobrang I feel blessed kasi si Ai-Ai, naka-work ko siya ten years ago sa Pinay Pie.

“So nakakatuwa kasi ten years later, siya yung ka-work ko again.”

Isa sa mga suitors ni Ai-Ai ang role niya dati sa Pinay Pie.

“So, parang ganun din yung eksena, e, merong konting romantic link din sa movie na yun.”

Kay Ai-Ai siya sa Kung Fu Divas?

“To both of them, parang ganun… I can’t say anymore!” natatawang sabi niya.

Kumusta naman si Marian?

“Okay naman si Marian, she’s like Ai-Ai, sobrang fun to work with.

“At saka, you know, very loose sa set. Ibig sabihin, she really laughs a lot, jokes a lot.

“Pero pagdating sa set, talagang fully professionalism pag take na.”

Hindi naman siya na-intimidate o natakot sa mga big stars na kasama niya?

“Hindi naman, kasi they made me feel welcome sa production so nawala yung takot ko at kaba.”

Maghuhubad ba siya sa pelikula, bilang very hunky si Edward?

“Well, let’s just say I play a character na may tanggalan ng garments!” at muling tumawa si Edward.

“So iyon, pero wholesome pa rin.”

Sa Oktubre raw ipalalabas ang Kung Fu Divas.

“And it’s a very big project because they’re using a Hollywood technology sa film na iyon.”

Kumusta maging producers sina Marian at Ai-Ai?

“I just heard it pero hindi kasi ako sure if they’re really the producers, pero sila ba?

“Yeah, it’s nice that they’re more involved sa movie, e, besides being the actors in it.

“So I guess talagang mas alaga yung paggawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN