Lauren Young on relationship with Elmo Magalona: “If I say yes, yung mga tao magwawala. If I say no, magwawala pa rin sila. So, don’t say anything at all. It’s better that way."

Wala raw anumang sama ng loob si Lauren Young sa kanyang pag-alis sa ABS-CBN. Saad niya, “Siguro there are just some things that are not meant to be. There are some projects that aren’t meant to be and it was given to other people. But, that’s okay. No hard feelings naman. There are other people out there who are better than me and they got the project, no hard feelings naman sa akin yun. But nandito ako sa GMA and I’m doing yet again another won


Ang bagong primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin ang unang project ni Lauren Young bilang Kapuso matapos siyang kumalas sa ABS-CBN.

Makakasama dito ni Lauren sina Alden Richards, Louise delos Reyes, Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal, Jaclyn Jose, Gabby Eigenmann, at ang nagbabalik-showbiz na si Sunshine Dizon. Mula ito sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Last year pa napabalitang lumipat ng GMA-7 is Lauren, pero nitong February lang siya pumirma ng kontrata at ngayong March lang siya nagsimulang mag-taping.

Kailan ba nagtapos ang kontrata niya sa Kapamilya network?

“Well, with Star Magic, my contract ended last April, May [2012]? So, matagal-tagal na rin bago ako nag-decide na pumunta dito [GMA-7].

“I waited for my contract [to end] bago ako nag-isip na bagong career opportunity sa ibang network.

“So, nung nagkaroon ng offer, I considered the offer at nag-isip din ako kung mag-i-stay ako sa Star Magic or susubok ako sa ibang network.

“So, nung nag-offer ang GMA, pinag-aralan namin and dito ako ngayon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lauren sa press launch ng Mundo Mo’y Akin nong Martes, March 12, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



PREPARATIONS. Bakit ang tagal ng ipinaghintay ni Lauren bago niya simulan ang panibagong career sa ibang network?

Tugon niya, “Siguro kaya ngayon pa lang nagsisimula because we’ve been preparing.

“Merong mga preparations ang… siguro at the same time, ayaw rin na kung anu-anong soap lang ang gagawin namin. Gusto namin yung sobrang ganda.

“We really waited for something na… etong show na ito [Mundo Mo’y Akin] na worth the wait naman talaga.

“And mas okey na rin sa akin na medyo kumbaga na nawala ako.

“At least, when people see me again, medyo iba naman ako, nag-mature na ako.

“It gives me time to clear my head and start a new life with GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung sinasabi niya naiba sa kanya?

“Yung last show ko, 17 [years old] ako, that’s Mula Sa Puso [2011] and now I’m turning 20 sa November.

“In a way, nag-grow ako as a person and started living on my own.

“So, kahit paano masasabi kong medyo nag-mature naman ako… more mature na ako without the sexy side siyempre, wala pa ako dun.

“And more dedicated na ako sa craft ko and I’m more serious on what I am doing and more hard work than I ever was.”



KAPUSO. Hindi ba siya nahihirapan sa taping niya sa Kapuso network, dahil iba yung mga taong kasama niya noon pati na yung sistema ng trabaho?

Saad ni Lauren, “Well, siyempre nung unang pagdating ko, wala naman akong masyadong kakilala.

“But then they tell me who they are, they introduced themselves to me. And kung may mga taong hindi ako kilala, I’d tell them who I am.

“And okey naman, parang parehas kung paano mag-taping sa kabila. Pare-pareho lang naman.

“Yun nga lang, it’s a different set of people.”

Ibig sabihin, adjusted na siya?

“Medyo nag-a-adjust... pero getting there. Getting settled na there.”



INTIMIDATED. Hindi ba siya na-intimidate kina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz na kasama niya dito sa Munod Mo’y Akin?

“Medyo na-intimidate kasi big star, e,” nakangiting sagot ni Lauren.

Natakot ba siya?

“Hindi naman… siguro more on excitement. I love working with different kinds of people.

“Kahit naman sino okey lang sa akin as long I get to pick up something from them and they’re really good.

“Hopefully, may matutunan ako along the way.

"It’s not intimidated, excited lang.”

Nakasama na raw niya si Jaclyn Jose sa serye niya sa ABS-CBN, ang Mula Sa Puso.

“Actually, I’m Andi’s friend,” banggit niya sa anak ng premyadong aktres na si Andi Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakasama ko na si Tita Jane pag kasama ko si Andi minsan, okey naman kami.”



NOT AFTER THE FAME. Ano ang gusto niyang career path sa GMA-7? Maganda kasi ang simula niya sa Kapamilya network nang bigyan siya ng lead role sa remake ng Mula Sa Puso.

Saad ni Lauren, “I’m not the type of person na talagang fame yung habol ko. Not after that.

“I want to be known as an actress. I want to be a better actress.

“Hindi ko naman sinasabing sobrang galing kong artista dahil nagsisimula pa lang naman ako, sobrang dami ko pang matututunan.

“And in order to learn, I need experience and I need work ‘coz I support myself.

“Alam naman natin ‘yan na trabaho lang naman ito.

“So, nung wala na akong work sa ABS, I have to take matters into my own hands.

“I had to go where the work was and GMA gave me such a good offer and they’re willing to help me achieve my dreams in becoming a real great actress—and that’s why I’m here.”

Almost two years na walang serye si Lauren sa Kapamilya network matapos siyang magbida sa Mula Sa Puso.



SISTER MEGAN. Hindi lang si Lauren ang lumipat ng istasyon kundi ang ate niyang si Megan Young.

Sa GMA-7 nagsimula si Megan bilang StarStruck graduate at pagkatapos ay lumipat ito ng ABS-CBN. Ngayon naman ay nasa TV5 na ito.

Biro nga ni Lauren, “O, di ba, nakakatawa lang, nagpalit kami!

“Sa amin naman ni Megan, wala naman ‘yan.

“Kung sa GMA ka man, sa ABS ka man, mapunta ka man sa TV5, as long as you do your job, you improve, you do excellent in your work, and people are willing to watch you... and wala namang problema.”

Posible rin bang iwan niya ang GMA-7 gaya ng ginawang paglipat-lipat ng ate niya ng istasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, ang masasabi ko lang, wherever I am… when I was in ABS, I did my job. And now that I’m with GMA, I will do my job.

“And hindi naman ako na in the middle of my contract, aalis ako?

“Well, kung wala na and somewhere else meron uli, e, di dun ka. Kung saan ka maggu-grow.

“And right now, dito ako maggu-grow sa GMA.”



NO HARD FEELINGS. Meron ba siyang tampo sa ABS-CBN?

“Wala naman po,” sagot ni Lauren.

“Sobrang ganda ng naging bonding sa ABS, okey naman ang pagsasama namin.

“Siguro there are just some things that are not meant to be. There are some projects that aren’t meant to be and it was given to other people.

“But, that’s okay. No hard feelings naman.

“There are other people out there who are better than me and they got the project, no hard feelings naman sa akin yun.

“But nandito ako sa GMA and I’m doing yet again another wonderful project with another beautiful story.

“Past na yun, e. I just wanna focus on what’s happening now.

“If I always keep bringing on the past… I don’t wanna be stuck naman there. I just want to grow.”



ELMO MAGALONA. Matagal nang nababalitang may relasyon sina Lauren at Elmo Magalona, ang binatang anak ng yumaong Master Rapper na si Francis M.

May pinag-usapan ba sila ni Elmo tungkol sa magiging status nilang dalawa, lalo’t magiging busy na si Lauren ngayon? Paano nila ihihiwalay yung work sa personal attachment nilang dalawa?

“Well, sa paglipat ko dito, all the decision I made was mine alone.

“Si Megan hindi nakialam, hindi nakialam ang friends ko. Ako lang talaga.

“And kung may pinag-usapan man kami ni Elmo tungkol sa personal… well, whatever happens to our personal life, that’s for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung anuman ang mangyayari sa career namin, yun na ang for the public eye.

“Wala naman kaming pinag-uusapan na ganun.

“Pero as much as possible, I just want to keep my private life, private, and I would like to focus on this (Mundo Mo’y Akin).

“Parang ang dami-daming nangyayari—may paglipat, may tsismis…

“So, isa-isa. So, eto lang muna.

“Eto naman ang mas importante sa akin ngayon, e,” sabi ni Lauren, na ang tinutukoy ay ang showbiz career niya.

Ibig sabihin, hindi namin malalaman ang tunay na status ng closeness nila ni Elmo, kung ano talaga meron sila ngayon?

“Well, private na yun. Let’s keep it private.

“If I say yes, yung mga tao magwawala. If I say no, magwawala pa rin sila.

“So, don’t say anything at all. It’s better that way.

“Whatever happens, happens kung anuman yun.”

Lumalabas-labas pa rin sila ni Elmo?

“Elmo and I are classmates and I see him all the time. I’m with College of St. Benilde La Salle, major in Culinary ako. “

Kaya pala sabi ni Elmo mahilig magluto ang pamilya niya, dahil sa ba ito sa kanya?

“A, siya yun. Ako, mahilig talagang magluto.

“That’s why I got Culinary kasi showbiz isn’t forever.

“I have something to look forward to at saka hindi ako umaarte, may iba akong pinagkakaabalahan.”

Siguradong mali-link din si Lauren kay Alden bilang “karibal” niya si Louise delos Reyes sa kanilang teleserye. Hindi kaya maging problema o issue ito sa kanila ni Elmo?

“Well, walang magiging problema. If it’s work, it’s work.

“Alden? It’s just work talaga.

“I don’t think na magkakaroon ng problema while I’m here in GMA because everyone is so nice.

“It’s work and if people will talk about my personal life, I just keep it private na lang… for me na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi bang parehas sila ng Ate Megan niya na masaya sa kani-kanilang private life?

Si Megan ang rumored girlfriend ng Kapuso hunk na si Mikael Daez, samantalang siya naman ay rumored girlfriend ni Elmo.

“Well, in every aspect of my life, I’m happy!” bulalas ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN