Kim Chiu on issue with Maja Salvador: "Huwag na po nating pag-usapan kasi parang ang tagal na po ng isyu na ‘yan… paulit-ulit na lang po."

Marami ang pumupuri sa professionalism nina Kim Chiu at Maja Salvador dahil patuloy ang magandang trabaho nila sa Ina Kapatod Anak sa kabila ng gap sa pagitan nila. Sabi ni Kim tungkol dito, "The story itself naman po ng Ina Kapatid Anak… sa una pa lang sinubaybayan na siya ng tao. So, ganoon talaga yung takbo ng kuwento and nagpapasalamat kami dahil tuluy-tuloy yung suporta ng tao… At nandiyan pa rin sila para panoorin kami ng lahat.&


Bagong achievement para kay Kim Chiu ang paghu-host niya sa nakaraang 29th PMPC Star Awards for Movies.

Kasama ni Kim na nag-host sina Iza Calzado at Piolo Pascual ng Star Awards for Movies noong March 10, Linggot, sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim, nagpahayag ang Kapamilya Drama Princess ng tungkol sa nalagpasan niyang challenge.

Sabi ni Kim, “Siyempre, ano… kinabahan kasi second hosting ko ito.

“Yung una, yung Himig Handog; pangalawa ko ito. So, masaya an pakiramdam, ibang dimension naman.”

Simula na kaya ito ng paghu-host niya sa mga magazine o showbiz-oriented talk shows sa ABS-CBN.

“Tingnan natin, hindi ka po alam,” nangingiting sagot ni Kim.

INA KAPATID ANAK. Binati naman namin si Kim sa mataas na ratings ng teleserye nila ni Maja Salvador, ang Ina Kapatid Anak.

Pahayag niya, “Ah, thank you, thank you dahil patuloy pa rin nila kaming sinusuportahan at marami pa po silang aabangan.”

Hanggang kailan ba tatagal ang soap nila? Balita kasing pinag-uusapan ang extension nito sa ere.

“Hindi po namin alam, e. Nag-season three na po kami ngayon,” pagbabalita niya.

Sa paniniwala ng iba, nakatulong daw ng malaki sa pagtaas ng ratings ng kanilang serye ang away nila ni Maja. Ano ang masasabi niya rito?

Nagpakita ng pagkailang niya sa tanong si Kim, pero sinabi namin sa kanya na ito yung paniniwala ng marami.

Tugon niya, “Ahm… the story itself naman po ng Ina Kapatid Anak… sa una pa lang sinubaybayan na siya ng tao.

“So, ganoon talaga yung takbo ng kuwento and nagpapasalamat kami dahil tuluy-tuloy yung suporta ng tao…

“At nandiyan pa rin sila para panoorin kami ng lahat.”

PROFESSIONALS. Pinuri din namin ang tindi ng professionalism nila ni Maja na kahit meron silang gap ay tuluy-tuloy pa rin silang nagtatrabaho at naghaharap sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpakita uli ng pagkailang niya si Kim sa pamamagitan naman ng kakaiba niyang pagkakangiti.

“Ahm… huwag na po nating pag-usapan kasi parang ang tagal na po ng isyu na ‘yan… paulit-ulit na lang po,” nangingiting pakiusap niya.

Ano na man ang reaksiyon at pakiramdam niya sa naging pahayag ni Maja na kaibigan pa rin ang turing sa kanya nito?

“Ah… hindi ko po alam,” iwas muli niya habang nakangiti.

Para hindi na matanong uli si Kim sa isyu sa kanila ni Maja, hinihila na siyang papaalis ng stage.

Pinigil namin si Kim sa tanong namin kung meron ba siyang pelikulang gagawin.

“Yeah, yung KimXi movie,” sagot niya na ang tinutukoy niya ang project na pagsasamahan nila ng ka-loveteam na si Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN