Sunshine Dizon returns to primetime via Mundo Mo’y Akin; admits getting offer from TV5

Inamin ni Sunshine Dizon (nasa larawan) na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon ni Angelika dela Cruz. Saad niya, “I have to admit, nagkaroon kami ng falling out noong mga panahon na yun. Pero you know, time heals all wounds. At saka, ako naman, hindi naman ako matanim na tao.”


Mismong si Sunshine Dizon daw ang may kagustuhan na isang taong lang muna ang kontrata niya sa GMA-7.

Babalik sa telebisyon si Sunshine matapos niyang mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak. Kasama siya sa cast ng bagong teleserye na Mundo Mo’y Akin.

Sabi ni Sunshine, “It’s my choice talaga na one year lang yung contract… network contract ulit and I chose na two major soap lang.

“Siyempre, may mga anak na po ako.”

Sa ngayon, sa Guagua, Pampanga na naka-base si Sunshine kasama ang kanyang asawa na si Timothy Tan at ang dalawa nilang anak.

NO MAJOR ADJUSTMENT. Wala naman daw major adjustment si Sunshine sa pagbabalik niya sa showbiz.

Aniya, “Before I accepted this project, maganda naman ang usapan namin with regards to working schedule… working hours.”

May cut-off na raw siya pero ayaw na niyang idetalye kung ano yun.

Natatawang sabi ni Sunshine, “Sa production na lang yun at baka maging isyu pa yun.

"Kanya-kanya naman ‘yan, e. Everybody’s allowed naman.

"Sa akin lang po, masuwerte lang ako because Tim is very understanding naman.

“I have two kids, my daughter is turning two and my son is only nine months old.”

Ang panganay ni Sunshine ay si Doreen Isabelle at ang bunso naman niya ay si Antonio.

Na-miss din ba ni Sunshine ang pag-arte?

“Oo naman,” nakangiti niyang sabi.

“Yung break ko naman, I knew at the back of my head na parang one day, I’ll come back.

"It’s just a matter of project, right timing.

"Ito naman, something good came out and very hard to refuse.”

"UGLY" ROLE. Sa Mundo Mo’y Akin, si Sunshine ay si Perlita na mula sa umpisa ay pangit na.

Hndi na bago kay Sunshine ang papangitin dahil sa Bakekang noon ay pangit din ang karakter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa aktres, “Well, malayong-malayo rin naman kasi siya sa Bakekang.

“It just so happened na parehong naka-prosthetic. Pero character-wise, story wise, parehong different.

“Kasi, si Bakekang, parang she was parang galit pa sa mundo.

“May ganoong factor pa siya na may gagawin ako sa mundo to change life.

“Dito, ang character niya, very accepting na she’s naïve—na mamahalin naman niya ako kahit ganito ako.

“Tapos sa story nga, magkakaroon ng switching ng mga bata…

“Pero yung karakter niya talaga, until the end, kung sino ang inalagaan niya, mahal niya and very accepting din siya.

“Na when the time comes na mari-realize nila na yung anak niya ay si Lauren Young, she will still love her… very motherly lang.”

Paano siya nakumbins na gawin ang Mundo Mo’y Akin?

“Actually, parang they couldn’t… they really wanted me to play the character.

“They really believe that I can give justice to it because they knew, I did it na with Bakekang.

“So, malakas ang pananalig nila… parang ganoon!” natatawa niyang sabi.



REUNION. Ilan sa makakasama ni Sunshine sa Mundo Mo’y Akin sina Angelika dela Cruz at Jolina Magdangal.

Sama-sama na naman sila ngayon, tulad ng dati, kumusta naman sila?

“Masaya, masaya,” tugon ni Sunshine.

“Ngayon, I guess, we’re both matured. May mga anak na kami, may mga asawa na.”

Natawa na lang din si Sunshine nang tanungin namin na noon ay away-bati rin sila ni Angelika, na nakasama niya sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Mamahalin (2001).

“I guess, it’s fuelled din by the people.

“Parang alam mo na, etchos, etchos noong mga kapanahunan na kailangan daw ‘yan.

“Siguro ngayon, hindi na kailangan. Hindi na keri, hayaan mo na sila.”

Kailan yung masasabi nila na naging okay na sila ni Angelika?

Saad ni Angelika, “I have to admit, nagkaroon kami ng falling out noong mga panahon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero you know, time heals all wounds. At saka ako naman, hindi naman ako matanim na tao.

"And to each his own. Lahat naman siguro tayo, at some point in time, may mga pinagdadaanan din tayo kaya hindi tayo nagkakaunawaan.

“And I guess, there was also a time na si Angel ang medyo nag-lie-low tapos bumalik at tuluy-tuloy na.

“Baka siguro noong time na when she got married at baka marami na rin siyang realization in life.

“At saka, ako naman, you know, no permanent friends and no permanent enemy in this business.

“Let’s just choose to be nice na lang to everybody at the end of the day.”



AT PEACE. Mas masaya ba siya ngayon sa estado ng buhay niya?

“Oo naman, I’m at peace.

"I guess, more than happiness, it’s peace the most important and contentment.

“Kasi, when you’re peaceful, you’re content and happy. So, I guess, the perfect word is peaceful.”

Tatlong taong gulang pa lang si Sunshine ay artista na siya.

Kaya yung nakaraang apat na taon lang daw ang maituturing ni Sunshine na labas sa pagiging artista ang naging buhay niya.

Sabi niya, “Pero actually, every year, they would call me, ‘Puwede ka na bang gumawa?’

“Sasabihin ko, ‘Hindi, magpapapayat muna ako.’

“E, noong nanganak naman ako kay Doreen, hindi ko naman ini-expect na masusundan agad.

“So, even though I wanted to, I’m not confident with my size.

"But then, they offered me yung Magpakailanman...

“Parang I didn’t really mind about my size, because keri naman ng karakter. At saka, parang hindi ko rin naman ine-expect.

“Ang prayer ko lang din naman ngayon, ‘Lord, whatever is your will, I will obey.’

“E, itong binibigay sa akin, baka talagang dito ako.

"Let’s make the most out of it. Sayang naman kung you always say no. Baka gusto mo, wala na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NETWORK OFFER. Natawa si Sunshine nang matanong tungkol sa offer din sa kanya ng ibang network.

Hindi naman nito itinanggi na TV5 nga ang may ibang offer sa kanya.

Ano ang nangyari dito?

“Well, paano ko ba ie-explain?

“Nagkataon lang talaga na nagsabay and it was just a matter na yung na-offer na project at present…

“Medyo nahirapan talaga kong tanggihan ang project na ‘to.

"Pero, in fairness to them, ano naman, they were very understanding.

“Kasi, most of the people that offered me in other channels are friends. So, parang, ‘O, sige, okay lang, we’re always here.’

“Pero siyempre, let’s be loyal naman for a moment.

“At saka, ang priority ko naman po ang mga anak ko… this [showbiz] is just secondary.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN