Mariel Rodriguez admits to being worried over Robin Padilla’s involvement in Sabah issue

Kuwento ni Mariel Rodriguez tungkol sa attempt niyang pigilan ang asawang si Robin Padilla sa usaping-Sabah: “Pinipigilan ko naman siya. Sabi ko, ‘Please don’t go to Sabah.’ Ang sagot niya sa akin, ‘Tama na, Mai, wala tayong badtripan.’ Tahimik na lang ako. Kesa naman na mag-away kami, e, deadma na rin lang ako.”


Isa si Mariel Rodriguez sa dumalo sa sixth anniversary party ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 14, sa Aracama resto-bar sa The Fort, Taguig City.

Sa panayam sa kanya ng media ay hindi maiwasan itanong kay Mariel ang tungkol sa pagiging emissary ng asawa niyang si Robin Padilla sa mga kaguluhan sa Mindanao, partikular na sa gulong nangyayari sa Sabah.

Sabi ng Wowowillie co-host, “Siyempre nagwu-worry din ako minsan.

“Lalo na yung taong yun ay pinadalhan ng subpoena. Sabi ko, ‘Ba’t ka pinadalhan ng subpoena?’ Siyempre, natatakot din ako, di ba?

“Sabi naman niya sa akin, ‘Ba’t ka ba natatakot? Ano naman ang ginawa ko? Wala naman tayo ginagawa?’

“Pinipigilan ko naman siya. Sabi ko, ‘Please don’t go to Sabah.’

“Ang sagot niya sa akin, ‘Tama na, Mai, wala tayong badtripan.’

“Tahimik na lang ako. Kesa naman na mag-away kami, e, deadma na rin lang ako.”

Sa tingin ba niya ay gusto ito ni Robin?

Ani Mariel, "Iba naman kasi yung gusto sa kung kinakailangan, di ba?

“Sa kanya kasi, alam niyang there’s a need.

“Si Robin kasi, alam ninyo naman na pag sinasabing commitment ay talagang paninindigan niya ‘yan.”

MARIEL’S ADJUSTMENT. Hindi ba ito nakakaapekto sa kanilang married life? Isa kasing napakalaking adjustment ang kanyang ginagawa para lamang hindi ma-displease ang kanyang asawa.

Saad ni Mariel, “Ang marriage namin ay masyado nang malalim.

“We feel the essence of our marriage. Lagi kaming masaya.

“There are times na dumaan din pa rin sa rocky times. Hindi naman yun maiwasan.

“Hindi lahat ng araw ay sumisikat for both of us.

“Ang maganda ay kung paano namin inaayos yun. Ganun pala yun.

“Kaya nga siya ang pinakasalan ko, di ba?

“Ang feeling ko, ganun talaga ang journey ko.”

Hindi pa naman kasi sila lumalampas sa tinatawag na seven-year-itch of marriage. Last year pa lang naman sila ikinasal sa iba’t ibang seremonya na ginanap sa Benguet at India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun ba yun? So, medyo matagal-tagal pa,” reaksiyon niya.



BABY PLANS. Tinanong ng PEP si Mariel kung may plano na silang magkaanak ni Robin.

Sagot niya, “I plan to have pag thirty years old na ako.

“Twenty-eight pa lang ako kaya ano… maybe pag thirty-one na ako or thirty-two. Yung ganun.

“Ang dami pa kasi naming gustong gawin. We want to enjoy each other pa. Kaya ganun.”

Pero ayon sa mga doktor, ang pagbubuntis sa edad na more than thirty years old ay isang risk na para sa mga asawang babae.

Sabi ni Mariel, na parang may halong pangamba, “Sabi nga nila. Pero, it’s one risk that I’m willing to take.

“Basta sa ngayon ay hindi pa talaga ako handa.

“Sa August, magtu-twenty-nine na ako, pero feeling ko ay hindi pa kami dapat magkaanak.”

Bakit naman hindi pa siya handa? Kung tutuusin ay nasa edad na nga siya na tipong maghahabol na magkaanak. Si Robin ay nasa 40s na rin.

Paliwanag ni Mariel, “Well, for one, financially.

“Ako nga, iniisip ko sa sarili ko, ‘Ako ba ay nakakapag-ipon?’

“E, papaano kung may bata na sa bahay? Kailangan maglaan ako dun. Hindi lang money kundi pati time, di ba?

“E, may career pa ako. Ang dami pa naming gustong gawin, kaya paano ko magagawa lahat?

“Marami pa kaming gustong puntahan na lugar. Alam mo naman kaming dalawa ay mahilig mag-travel sa kung saan-saan.”

Dagdag niya, “Pero if it happens, di okey lang.

“It’s a gift. So, dapat i-embrace natin, di ba?

“Yun ay galing sa Panginoon.”



FABULOUS AND HAPPIER. Kumusta naman ang emotional state niya ngayon matapos siyang dumaan sa intriga, involving her husband and Kris Aquino?

Matatandaang nagselos si Mariel sa love scene nina Robin at Kris sa kanilang teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw.

Sabi niya, “I’m okay. I feel fabulous. I’m happier now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya nagseselos o nai-insecure?

“Yung insecurity ay part naman talaga yun. Ganun siguro talaga yun.

“Ngayon, okey ako. Masaya ako.

“Ang magandang part dun ay hindi niya ipinararamdam na dapat akong ma-insecure."



TRAVELS. Speaking of travels na nabanggit niya kanina, inalam namin kay Mariel kung ano ang pinaka-most memorable travels nilang dalawa.

Sagot ni Mariel, “Lahat ng travels namin ay very memorable, masaya.

“The last time we went ay yung sa Morocco nga kami. Hindi ko akalaing ganun siya kaganda.”

Bigla namang napag-usapan ang tungkol sa nalalapit na Holy Week. Alam naman ng lahat na isang converted Muslim si Binoe. Paano nila inu-observe ang Holy Week?

“Basta di allowed ang meat, di ba? So parang fruits and vegetables lang siya, tsaka fish ang kinakain namin.

“Ako talaga, yung Holy Week, gina-grab ko talaga kasi yun lang ang chance ko para makaalis.

“Pero yung little things na mga bawal gawin ay talagang gagawin ko.”



ELECTION TIME. Tinanong din PEP si Mariel kung anong klaseng kandidato ang susuportahan niya sa darating na eleksiyon.

“Ako, ang gusto ko yung kandidato na ang objective nila ay walang hidden agenda.

“Actually, yung isa sa nakasama ko sa Tawi-Tawi na isang senatorial candidate, bilib ako sa kanya.

“Hindi siya namigay ng t-shirts, walang kung anu-ano, hindi niya sinabi na ‘Iboto ninyo ako.’

“Hindi niya grinab [grabbed] yung opportunity na makapagkampanya siya—dun bilib ako sa kanya.

“So, ganung klaseng kandidato ang hinahanap ko,” sabi ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN