Julia Montes says Enchong Dee is invited to her debut party but excluded from the 18 Roses

“Hindi totoo yung isyu na hindi ko siya in-invite o hindi ko siya sinama,” ito ang sagot ni Julia Montes nang tanungin kung bakit hindi kasama sa 18 Roses sa kanyang debut ang kanyang ex-boyfriend na si Enchong Dee.


Magkahalong sabik at kaba ang nararamdaman ng young actress na si Julia Montes para sa 18thbirthday niya sa March 19.

Sa birthday press conference na inihanda ng Star Magic para sa dalaga kahapon, March 13, limitado lamang ang mga alam niya tungkol sa gaganaping debut party niya sa Martes.

“Surprise po talaga kasi hindi po talaga ako masyadong nagtatanong.

“Yung flow and song list, hindi ako nagtatanong para ma-surprise ako.

"Excited ako!” sambit ni Julia.

Kasabay ng tuwa, kinakabahan din daw ang dating Walang Hanggan actress dahil, “Nahihiya ako sa atensiyon kapag nakatingin sa akin ang mga tao.

“Siyempre, kapag birthday ko, lahat nakatingin sa akin kasi may entrance.

“Kinakabahan ako kung ano ang mga magiging reaksiyon and kung ano yung mga mangyayari kasi hindi talaga ako nagtatanong [tungkol sa party].”

Mala-Midsummer Night’s Dream at Cinderella ang pre-debut video na ipinakita sa press kahapon.

Ayon kay Julia, tamang-tama raw ito para ipaalala sa publiko na bagamat mature roles na ang kanyang madalas na ginagampanan ay maituturing bata pa rin siya kapag hindi nakaharap sa kamera.

“Talagang nakalimutan ng mga tao na bata pa ako,” aniya.

“Dito, parang mas na-feature talaga kung ano yung age ko, kung ano ang hilig ko, naglalaro pa.

“I’m just turning 18.”



COCO IN, ENCHONG OUT. Samantala, nauna nang ipinahayag ni Julia na si Coco Martin ang napili niyang escort sa kanyang debut party.

Pero kapansin-pansin naman na sa listahan ng 18 Roses ay wala ang dating boyfriend niyang si Enchong Dee.

Kaya naman hindi naiwasan ng entertainment press na tanungin si Julia tungkol dito.

Agad naman niyang nilinaw na hindi ito sinasadya.

“Invited po siya,” diin ni Julia.

“Siyempre, mayroon naman po tayong work talaga bago naplano yung party.

“May mas nauna siyang schedule. Hindi ko pa po alam [kung pupunta siya] kasi may work po talaga siya on that day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin ni Julia na dapat ay makakasama si Enchong sa 18 Roses.

“Sa totoo po, noong una, parang nag-list down muna kami ng mga closest ko na guy.

“At saka lang kami nag-category kung saan sila ilalagay, kasama talaga siya sa Roses."

At dahil sa hindi siguradong makakapunta si Enchong dahil may trabaho, hindi na siya naisama sa listahan dahil, ani Julia, “Ayaw lang namin mabungi nga yung part [ng 18 Roses].

Bagamat naiintindihan ni Julia, hindi rin naman daw maiwasan na malungkot dahil hindi nakasama si Enchong sa mga lalaking makakasayaw niya sa kanyang debut.

Aniya, “Siyempre naman, hindi naman mawawala ‘yon.

“Kung sino yung mga nakasama ko, nakatrabaho ko, naging close ko, siyempre, gusto kong makita.

“Siyempre, naiintindihan ko rin naman kasi, kung ako sa sarili ko, uunahin ko rin naman ang work.

“Mas okay naman na work muna, party lang naman ‘yan.

“Wala namang panghihinayang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN