Mark Anthony Fernandez open to working with stepmom Lorna Tolentino in a soap

Ito ang pahayag ni Mark Anthony Fernandez tungkol sa kinabibilangan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Bukod Kang Pinagpala: “Although mahilig ako sa ibang bagay, pero napapasama ako sa mga proyektong maraming babae at yung title, babae. So, yun, natutuwa ako sa mga proyekto na nagagawa ko along the way. Na, ‘Uy, maganda pala ang proyekto!’ At pati ako, nagiging fan ng proyekto.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Anthony Fernandez sa taping ng Bukod Kang Pinagpala sa Tagaytay noong March 13.

Na-miss ng ilang entertainment press si Mark dahil hindi ito nakarating noong press conference ng kanilang afternoon soap noong January.

Si Mark ang pinag-aagawan ng tatlong babae sa kuwento—sina Camille Prats, Jackie Rice, at Jennica Garcia.

Pero natatawang sabi ni Mark, “Noong umpisa lang na ako ang pinag-aagawan ng tatlong babae.

"Ngayon kasi, si Mona [Louise Rey], yung bata na ang pinag-aagawan nila.

“Itong papasok ng Week 7, ang pinag-aawayan na namin ang bata.

“Natutuwa naman ako na nagdaan doon. Baka naman pag-awayan din nila ako in the future.

“Pero at least, dumaan muna do’n, di ba? So, natutuwa naman ako ron.”

Masaya ba siya sa karakter na ginagampanan niya sa Bukod Kang Pinagpala?

“Okay, masaya ako,” sagot ni Mark.

“Although mahilig ako sa ibang bagay, pero napapasama ako sa mga proyektong maraming babae at yung title, babae.

“So, yun, natutuwa ako sa mga proyekto na nagagawa ko along the way.

“Na, ‘Uy, maganda pala ang proyekto!’ At pati ako, nagiging fan ng proyekto.”



CAMILLE PRATS. Itong Bukod Kang Pinagpala ang ikalawang beses na gumanap sila ni Camille Prats bilang mag-asawa sa teleserye. Ang una ay sa Munting Heredera.

Kumusta naman ang pagtatrabaho nilang muli?

“I’m flattered na nakatrabaho ko ulit si Camille, dahil si Camille, magaling na artista, masarap na ka-partner.”

Sa hiwalay na panayam naman ay sinabi ni Camille na mas masarap kaeksena ngayon si Mark. Bakit kaya nasabi ni Camille iyon?

“Bago kasi magsimula itong Bukod Kang Pinagpala, sinabi ko sa sarili ko na kailangan double effort ako.

“Dahil sa Munting Heredera, noong nagsimula kami, hindi talaga ako effort na effort noon, e.

“Dahil sa ano ako noon, marami akong ginagawang bagay noon.

“Pero ngayon, alam ko na makaka-focus ako kaya sinabi ko na double effort ang ipakita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat naman at nakikita ni Camille,” saad ng aktor.

Biniro tuloy si Mark na hindi pa pala siya nag-effort nang lagay na yun sa Munting Heredera.

Natawa naman ito sabay sabing, “Hindi, noong umpisa talaga, parang diesel bago maka-take off.”



JACKIE RICE. Sa tatlong female lead stars ng Bukod Kang Pinagpala, si Jackie Rice ang hindi pa niya nakatrabaho noon.

Banggit ni Mark, “Si Jennica, nakasama ko sa Impostora at ito ang pangalawang beses namin.”

Naging vocal naman si Mark sa kanyang paghanga kay Jackie.

Aniya, “Si Jackie kasi, first time kong nakatrabaho rito, first time kong nakita.

“Kumbaga, ang ganda pala niya sa personal. At saka, magaling na artista rin.

“Sa totoo lang, maganda siya.”

Dahil sa sinabi niya, tinukso tuloy si Mark na mukhang nagkaroon siya ng atraksiyon kay Jackie.



TEN YEARS. Sampung taon nang kasal si Mark sa kanyang misis na si Melissa Fernandez. Kaya naitanong namin sa kanya kung sa sampung taon ay wala siyang naging “sideline”?

“Depende sa kung saan natin ilalabas!” natatawang sagot naman ni Mark.

Sa sampung taon na iyon, masasabi niyang naging faithful husband siya?

“Private matters siya, ayoko nang pag-usapan,” nakangiti niyang pag-iwas.

Tatlong babae kasi ang nag-aagawan sa kanya sa Bukod Kang Pinagpala, kaya naitanong namin sa kanya ang tungkol dito.

Pero sabi ni Mark, nang natatawa, “No comment, no comment! Baka mali ang maging pagkakasulat!”

Nag-away na ba sila ng misis niya tungkol sa third party?

“Hindi naman, hindi naman. At saka, wala namang nagtatanong na,” sabi ni Mark.

Pero happily married pa rin siya?

“Yes, siyempre naman, ganoon pa rin, wala namang nagbabago.”



MARK’S STEPMOM. Nasa Kapuso network muli ang stepmom ni Mark na si Lorna Tolentino. May plano ba ang network na pagsamahin sila sa isang proyekto?

“Sa ngayon, wala pa akong nababalitaan.

“Ito pa lang talaga ang proyektong napag-uusapan… itong Bukod Kang Pinagpala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling may project na ibigay sa kanila ni LT, okay sa kanya?

“Kung yun ang talagang napupusuan ng GMA at sa tingin nila, yun ang magandang proyektong gagawin, bakit naman hindi kung talagang maganda, di ba?” sagot ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN