Julia Montes on having a lovelife: “Dito muna ako sa life, saka na yung love.”

Julia Montes now prefers to do more mature roles because, “Nae-enjoy ko po kasi yung laging nabibigyan ng mabibigat na roles kasi kailangan ko pong mag-research para diyan. Kumbaga, natsa-challenge po ako para sa sarili ko.”


Nangunguna pa rin sa birthday wish ni Julia Montes ang makasama ang kanyang ama sa kanyang kaarawan sa March 19.

Pero dahil hanggang ngayon ay wala pa rin daw silang balita tungkol sa kanyang German dad, hindi na ito masyadong inaasahan ng young actress.

“Parang six days to go, medyo alanganin na siya,” sabi ni Julia sa panayam ng entertainment press sa kanya sa birthday press conference na inihanda para sa kanya ng Star Magic noong March 14.

Gayunman, dagdag ni Julia, “Siyempre, hindi pa rin naman ako nawawalan ng hope.

“And at 18, mag-i-start pa lang naman yung bagong chapter ng life ko.

“Puwede pa naman sa next chapter.”

Kung sakaling dumating daw ang ama sa kanyang kaarawan, pabirong sinabi ni Julia, “Baka bumaha sa venue.”

Patuloy niya, “Hindi ko talaga alam. Kapag tinatanong kung ano ang magiging reaction ko, ano ang gagawin ko kapag nakita ko na, hindi ko talaga alam.

“Siguro gustung-gusto ko lang makita ko siya kahit from afar.

“Ganun lang yung mindset ko. Parang feeling ko, buo na ako after that.

“Parang siyempre, kahit ano namang achievements ko, anumang saya ng family ko, may kulang pa rin.”



CAREER EXPECTATIONS. Sa kanyang opisyal na pagiging dalaga, umaasa si Julia “na more mature roles ang ibibigay sa akin.”

Inamin din ng Star Magic talent na, “Hindi na ako babalik sa [teenybopper] roles.

“Hindi na ako paniniwalaan dahil gumagawa na nga ako ng mature roles.”

Para kay Julia, mas nagugustuhan na niya ang mga roles na mas matanda sa kanyang tunay na edad.

Paliwanag niya, “Nae-enjoy ko po kasi yung laging nabibigyan ng mabibigat na roles kasi kailangan ko pong mag-research para diyan.

“Kumbaga, natsa-challenge po ako para sa sarili ko.”

Gayunman, hindi raw ibig sabihin nito na handa na si Julia sa pagganap ng mas daring na mga karakter.

Para sa kanya, “Mayroon pa rin namang limitations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na gumawa ako ng mga mature roles, medyo iniingatan pa rin naman ako ng ABS-CBN.

“Kumbaga, parang may lalim lang ang story, challenging pa rin, pero hindi ako kailangang mag-all-out.”



ON HAVING A LOVELIFE. Sa pagiging 18 years old ni Julia, umaasa rin kaya siya na magkaroon ng lovelife?

“Medyo iba kasi kapag may lovelife,” nakangiting sagot ni Julia.

“Gaya nga ng sinasabi ko, iba ang love sa life.

“Hindi dapat pagsabayin ang lovelife.

“So, dito muna ako sa life, saka na yung love.”

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit nasabi ni Julia na hindi siya umaasang may manliligaw sa kanya, lalo na ang dalawang lalaking na-link sa kanya—sina Enchong Dee at Coco Martin.

“Hindi naman po nag-e-expect bilang close ko naman po sila,” sabi ng dalagang aktres.

“Ang pangit naman po kung mag-e-expect ako ‘tapos walang mangyayari.

“Nasa tao naman ‘yon kung itutuloy nila o hindi. Hindi naman po ako nag-e-expect.”

Hindi rin direktang sinagot ni Julia ang tanong kung sino kina Coco at Enchong ang mas pipiliin niya.

Aniya, “Mahirap pong mamili kasi pareho po sila ng ugali, like, kung paano sila sa family.

“Kumbaga, magkaiba po sila ng characterizations pero ang hirap mamili kasi pareho sila. Tingnan natin po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN