Alfred Vargas reveals his mom has stage 3 uterine cancer

“Dumating sa point na kailangan ko mamili—either ituloy ko yung mga projects or spend more time with my mom. Ako naman, bilang anak, mas pinili ko na lang mas marami yung oras ko sa mother ko kesa sa mga projects. Kasi ang mga projects naman, nandiyan naman ‘yan. Pagbalik ko naman, meron naman diyan, most probably. Pero yung precious moments ko and times ko with my mom, yun talaga ang inaano ko,” pahayag ni Alfred Vargas kaugnay ng sakit na uterin


Emosyunal si Alfred Vargas kapag napag-uusapan na ang kanyang inang si Mrs. Ching Vargas na nakikipaglaban sa sakit na cancer of the uterus o uterine cancer.

Nasa stage three na raw ito, pero ayon kay Alfred, malaki na ang improvement ng kanyang ina kung ikukumpara noon.

“She’s doing well, she responded well sa chemotherapy.

“Siyempre, hindi naman tayo nagkakampante, kaya patuloy lang ang radiation treatment niya,” sabi ng actor-politician.

Dati ay iniiwasan pa ni Alfred na pag-usapan ito dahil mas gusto nilang nasa pamilya na lang sana ito.

Pero marami na rin ang nakaalam at gustong malaman ang tunay na kalagayan ng kanyang ina, kaya sinagot na rin niya ito at gustong ipaalam sa lahat para tulungan daw sana silang ipagdasal ang kanyang ina.

Bilib si Alfred sa katapangan ng kanyang ina dahil nakikita raw niyang matatag ito kaya doon na rin sila humuhugot ng lakas na magkakapatid.

“I think malalampasan nya ‘to.

“Malakas ang mom ko, e. She’s the strongest woman I’ve ever known in my entire life.

“Ang pangalawa dun si Nay Lolit Solis!” natatawang pahayag ni Alfred tungkol sa kanyang manager.

CLOSER FAMILY. Ayon kay Alfred, dahil sa pagkakasakit ng kanilang ina, lalo raw silang naging close na magkakapatid at madalas na nagsasama-sama para sa kanilang ina.

“Sabi nga naming magkapatid, if there’s anything good that happened when we found out na may cancer si Mom, it’s the family being together again.

“Nagkaroon kami ng oras to be together with mom.

“Mas nag-bonding kami, mas concerned kami, mas nagkakasama kami palagi,” saad pa ng konsehal ng District 2 ng Quezon City.

Kaya kahit punung-puno ang schedule ni Alfred sa kanyang trabaho sa kanyang distrito, sinisikap nitong magkaroon ng oras para sa kanyang ina, bukod sa kanyang pamilya.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit isinantabi muna ni Alfred ang pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Dumating sa point na kailangan ko mamili—either ituloy ko yung mga projects or spend more time with my mom.

“Ako naman, bilang anak, mas pinili ko na lang mas marami yung oras ko sa mother ko kesa sa mga projects.

“Kasi ang mga projects naman, nandiyan naman ‘yan.

“Pagbalik ko naman, meron naman diyan, most probably.

“Pero yung precious moments ko and times ko with my mom, yun talaga ang inaano ko.”

SUPREMO. Naikuwento rin ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nung ipinalabas nung nakaraang taon sa mga sinehan ang pelikula niyang Supremo, nagawa niyang ipasara ang isang sinehan sa SM Fairview para lang makapanood ang kanyang ina.

“Kasi yung immune system ng mom ko kasi, kaka-chemotherapy lang niya, hindi siya puwede sa public places, kaya palagi siya naka-mask.

“Kapag mga mall na highly-populated areas, hindi talaga siya puwede.

“So, nalungkot talaga ako. Kasi nung nag-premiere kami ng Supremo, hindi niya napanood.

“Iba kasi kapag mapanood mo sa sine, e.

“So, ang ginawa ko, ipinasara ko yung sinehan ng SM, para walang tao, pero mapapanood pa rin niya.

“So, nandun lang kami yung family, saka mga friends namin.

“Tuwang-tuwa ang mom ko, she’s very proud nang ginawa kong movie Supremo.

“Sabi niya, iyon daw ang pinakapaborito niyang pelikula na nagawa ko.

“For my mom to say that, sabi ko, ‘Wow!’ And ano… dinedicate ko naman talaga ang movie na yun sa kanya,” masayang kuwento ni Alfred.

Kahit si Alfred ay itinuturing din ang Supremo na pinakamagandang pelikukang nagawa niya. Kaya patuloy pa rin daw siya sa pagpu-produce ng mga matitinong pelikula na puwede niyang maibahagi sa mga kabataan.

Ibinalita na rin ni Alfred na ang naturang pelikula ay isa sa mga entries ng ating bansa sa ASEAN Film Festival na gagawin sa Malaysia bago matapos ang buwang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malamang na dadaluhan daw ito ni Alfred kasama ang kanyang asawang si Yasmine Espiritu-Vargas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN