Part 1. Alden Richards willing to do kissing scene with his idol John Lloyd Cruz

Kung may isang pangyayari raw sa buhay ni Alden Richards na pinanghihinayangan niya ay nang hindi nakausap ang kanyang ina bago ito pumanaw. Saad ni Alden, “Biglaan po lahat, yung unexpected death. And hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya ka-love, kung anong nagawa niya for me, nagawa niya sa buhay ko… wala pong ganun.”


Kung mayroon man daw isang artistang lalaki na papayag si Alden Richards makipag-kissing scene, ito ay walang iba kundi si John Lloyd Cruz.

Sa presscon ng bago niyang primetime series na Mundo Mo’y Akin noong March 12, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kung sinong artista ang gustung-gusto niyang makatrabaho.

“John Lloyd Cruz po! Kasi idol ko po siya, e,” mabilis na sagot ng Kapuso heartthrob.

Anong klaseng role ang gusto niyang gampanan nila ni John Lloyd?

“Mag-kuya po, magkapatid sana,” sagot ni Alden, na may pagkakahawig nga sa Kapamilya actor.

Paano kung ang proyektong pagsasamahan nila ni John Lloyd ay tulad ng pelikula nitong In My Life (2009), kung saan gumanap ang award-winning actor bilang gay lover ni Luis Manzano?

“Okay lang din po!” bulalas ni Alden.

Kahit gaganap silang bading pareho ni John Lloyd at lovers sila sa kuwento?

“Opo, okay lang. Basta maganda po yung story and hindi naman po kababoy-baboy.”

Papayag din siya kung sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni John Lloyd?

“Okay lang din po,” sagot ni Alden.

Paliwanag pa niya, “Acting lang naman po, as an actor lang naman po.

“Kasi pag trabaho naman at challenging po, at the same time basta maganda po yung script and then yung talagang for the sake of the story.”

Para kay Alden, iyon na ang magiging pinaka mapanghamong papel niya kung sakali.

“Iyon po siguro.”

Itotodo raw niya rito ang kaalaman niya sa pag-arte.

“Itotodo ko po, mag-aaral po talaga akong mabuti sa acting pag si Bossing JLC na ang makakatrabaho ko.”

Ipahiram kaya siya ng GMA-7 sa Star Cinema, na siyang home movie studio ni John Lloyd?

“Sana po,” sambit ni Alden.

Hindi pa raw niya nami-meet nang personal si John Lloyd.



ANNE CURTIS. Sa babae naman, ang artistang gusto raw makatrabaho ni Alden ay si Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung sakaling isang napaka-daring na pelikula ang magiging project nila ni Anne, papayag din daw si Alden.

“Opo naman.”

Paano kung may love scene siya with Anne?

“Tatanggi pa ba ako?” ang tumatawang sabi ni Alden.

Dagdag niya, “Magdyi-gym po talaga ako nang magdyi-gym para mapaghandaan ko yung role.”

Kung sakali raw may butt exposure siya sa eksena nila ni Anne ay papayag din si Alden.

“Ano po bang hindi puwedeng… for a project with Anne, for me there’s no limits!

“Siyempre po, nasa producers naman po yun and the director on how to deal with those scenes.”



GAME FOR ANOTHER ROUND. Napag-uusapan na rin lang ang pagpapaganda ng katawan, last year ay rumampa si Alden nang topless sa Cosmo Bachelor Bash.

This year, hindi pa raw niya alam kung rarampa siya ulit pero game daw siya kung sakali.

“Opo, okay lang sa akin.”

Mas handa raw siya ngayon.

“Opo, kasi biglaan po yung last year, e.”



MAY-DECEMBER AFFAIR. Samantala, napag-alaman namin na mas gusto ni Alden na makarelasyon ang babaeng mas matanda sa kanya. Bakit?

Sagot niya, “Sa point of view ko po, since older, mas marami na pong na- experience, mas marami na po akong matututunan sa kanila sa lahat ng aspeto.”

Gaano katanda sa kanya?

“Siguro maximum na po yung five years ang tanda,” sabi ng 20-year-old actor.



INVESTMENT. Mabilis ang pagsikat ni Alden, pero hindi raw niya iyon inilalagay sa kanyang utak.

Saad niya, “Ayoko pong isipin kasi pag sinimulan ko pong isipin, yung pagsikat, pag inilagay ko po sa ulo ko, mawawala, madi-distract po ako.

“Trabaho lang po nang trabaho para may pang-sustento sa family and makapagpundar ng mga invetsments—iyon po ang priority ko ngayon talaga.”

Magpupundar daw ng negosyo si Alden ngayong taong ito.

“Baka po apartment po, sa Sta. Rosa,” ayon kay Alden, na ang hometown ay sa Sta. Rosa, Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi dun po maraming factories, maraming schools, may colleges.

“So tamang location lang po, yung tamang promotion and tamang build ng business.

“Magwu-work naman po siguro.”

Ilang pintong apartment ang balak niyang ipatayo?

“Siguro po kahit mga five to eight muna, maliit lang po muna.

“Kasi po baka masyado pong malaki yung required na capital kapag dinamihan ko po.”

Kung may materyal na bagay na gusto pa siyang bilhin para sa sarili niya, ano yun?

“Ano po, siguro sports car?

“Pero hindi ko po pina-priority muna, lahat po ng iniisip ko sa ngayon para sa pamilya ko.”



CHANGES IN ALDEN’S LIFE? Dalawang taon na sa showbiz si Alden. Paano niya ilalarawan ang kanyang sarili ngayon?

“Sobra pong laki ng ipinagbago ng buhay ko.

“From talagang time na gipit na gipit kami, talagang minsan dumarating po talaga kami sa point na zero.

“Ngayon, I should say well-off na po, nakakapag-provide.

"And kapag may mga kailangan po yung mga kapatid ko, naibibigay ko po yung kailangan nila.

“Kasi before po, nung time na nasa school ako, minsan po gusto kong sumama sa field trip, minsan hindi puwede kasi wala po talaga.

“And I have to understand, I have to understand that kasi wala talaga.”

Kung ibabalik ang nakaraan, ano ang biggest regret niya sa buhay?

“Yung hindi ko po nakausap yung mom ko bago siya namatay,” ang malungkot na sabi ni Alden.

“Biglaan po lahat, yung unexpected death.

"And hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya ka-love, kung anong nagawa niya for me, nagawa niya sa buhay ko… wala pong ganun.”

Sigurado namang alam iyon ng ina niya.

“Opo, pag nagpe-pray naman po ako, kinakausap ko siya sometimes.”

Alam daw ni Alden na masaya na ang ina niya sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

“Sana, opo naman, for sure!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pangyayari sa buhay niya na gusto niyang mangyari ulit?

“Yung mabuo po ulit yung buong family namin, from the father side.

“Na pupunta silang lahat dito and then mag-outing po kami.

“Kasi never na pong nangyari... after almost eight years na po.”

Nasa abroad ang mga kamag-anak niya sa ama. Half-Filipino, half-American ang ama ni Alden.

Napuntahan at nabisita naman daw niya ang kanyang relatives sa Amerika May of last year during the U.S. premiere ng pelikula ng GMA Films na The Road, kung saan isa si Alden sa cast members.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN