Shaina Magdayao admits special friendship with Piolo Pascual but maintains: “Di na muna talaga, di pa talaga ako ready.”

Shaina on Piolo: “Mabait, mabait siya talaga, isa siyang mabuting kaibigan. Siguro kung mayroon akong mga lalaking kaibigan sa industriya isa siya dun. Kung mayroon man akong kakausapin siguro about life, isa siya sa kakausapin ko.”


Muling nagiging usap-usapan ang espesyal na relasyong namamagitan daw kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Unang na-link ang dalawa noong lumabas ang mga kuha nilang litrato mula sa ASAP Rocks sa Singapore noong nakaraang taon.

Panandaliang namahinga ang nasabing isyu pero muli itong nabuhay dahil nakikitang napapadalas ang pagsasama ng dalawa sa ilang mga lakaran.

Kunimpirma naman ito ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kung saan di rin niya tinago na espesyal para sa kanya si Shaina.

Sa interview ng Cinema News at PEP sa aktres nung nakaraang Linggo sa summer station ID shoot ng Kapamilya network, kinumpirma rin ni Shaina na totoong lumalabas sila ni Piolo at nag-e-enjoy sila sa company ng isa’t isa.

A TRUE FRIEND. “Sinasabi naming pagbabakulaw kasi isa siyang bakulaw, grabe siyang mag-exercise, parang end of the world na,” panimulang bungad ni Shaina.

“We run together, badminton... actually siya ang nagpasok sa akin sa badminton. Bikram [yoga] na rin siya... nagbi-Bikram na ako dati pa.

“Kami talaga ni Papa P magkaibigan kami talaga. In fairness naman sa kanya, isa siyang mabuting tao.

Ayon kay Shaina ay di naman siya nagsasara ng pinto kay Piolo o kahit na sino man na maaring mahalin niya.

“Di naman ako nagsasarado ng pinto sa kahit na sino but honestly di ko nakikita ang sarili ko na pumapasok sa isang relationship. Di na muna talaga, di pa talaga ako ready.

“Kung darating naman ang araw na yun, mararamdaman ko naman. Right now, di pa talaga.”

Tinanong namin si Shaina kung anu-anong mga katangian ni Piolo ang nagugustuhan niya ngayong mas nagkakakilala sila.

“Choosy ka pa ba? Mabait, mabait siya talaga, isa siyang mabuting kaibigan,” saad niya.

“Siguro kung mayroon akong mga lalaking kaibigan sa industriya isa siya dun. Kung mayroon man akong kakausapin siguro about life, isa siya sa kakausapin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO RUSH FOR LOVE. Consistent noon pa si Piolo sa mga interviews niya na gusto niyang proteksyunan si Shaina sa mga intriga na maaaring ipukol sa kanila; bagay na sobra namang naa-appreciate ng aktres.

“Nakakatuwa nga yun, actually. Nagkaroon kami ng chance na maging close pa dahil nagkatrabaho kami for On The Job, yung movie nila ni Gerald.

“Katatapos lang naming mag-shooting. Nakakapag-usap kami, dun nag-start yun.

Naging vocal noon si Sam Milby na lumalabas din sila ni Shaina at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang ligawan ito. Ngunit ayon kay Shaina ay di na raw sila nagkikita at nakakabalas pa sa ngayon.

“Okay naman siya, isa siyang busy na tao ngayon. Note... lately kasi, araw-araw siyang nagtatrabaho although it’s good,” paglinaw niya.

“No need to rush things, buti nga may traba-trabaho kami. Yun muna ang number one priority namin ngayon.”

Para kay Shaina ay di niya minamadali ang kanyang sarili ngayon para pumasok sa, panibagong pakikipagrelasyon.

“Ngayon pa nga lang ako nag-e-enjoy kung paano maging single kasi lagi akong may boyfriend. Ngayon kalma muna ako... hintay-hintay muna for the right person... right time.”

EXCITED WITH NEW MOVIE. Matagal-tagal na ring di napanood sa pelikula at ngayon ay kasama siya sa pelikulang pagsasamahan nila Bea Alonzo, Toni Gonzaga at Angel Locsin kung saan balita ay nagkaroon nga ng dinner kamakailan sa bahay ni Angel para makapag-bond sila.

“Malaking pasasalamat dahil di ako nakakalimutan ng Star Cinema at di ako pinababayaan ng ABS at inaalagaan ako ng Star Magic.

“Maganda ang simula ng aking taon, gaya nga ng sinabi ko, I’m all about work and so far tuloy-tuloy naman ang pagpasok ng trabaho ngayong taon.”

“She invited kasi si Angel, kami ni Bea matagal na kaming magkaibigan, si Angel din naman nakatrabaho ko na before sa Lobo, so hayun... nag-invite siya sa bahay niya, party-party. Ako, si Dimples, si Bea, and si Erick Padilla na isang friend din nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, maganda na nagge-gain kami ng bagong kaibigan, di ba? Mabait naman si Angel, ever since wala naman akong problema sa kanya.

“Nakatrabaho ko na siya before, nakakatuwa na makakatrabaho ko siya uli, this time with Bea pa, Toni with Enchong so definitely masaya yung set namin.”

Masayang kinuwento ni Shaina na kakaiba ang tema ng pelikulang gagawin nilang apat.

“Oo, kailangan nilang abangan yun, talaga namang makaka-relate ang mga makakapanood. Very heartwarming, sana ma-touch namin ang kanilang mga puso pag napanood nila yung movie.”

BILLING ISSUES? Pare-parehong malalaking mga artista, hindi raw kaya magkaroon ng problema sa billing o kung hindi naman ay sapawan dahil pare-pareho rin silang mahuhusay na mga artista?

“Naku, wala naman sa akin yun.

“Sa akin, the fact na nasama ako sa ganito kalaking movie... ganito kalaking proyekto, nagpapasalamat na ako and that’s more than enough for me. So, yung billing sila na ang bahala.

“More than siguro yun, mas inspired ka kasi magagaling ang mga kasama mo at napakagaling ng direktor, si Direk Cathy Molina.

“More than yung competiton mas ma-i-inspire pa ako siguro na ang sarap-sarap magtrabaho kasi ang galing ng mga kasama ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN