Alwyn Uytingco on tying the knot with girlfriend Jennica Garcia soon: “Naniniwala ako na wala na kaming ibang pupuntahan kundi yun.”

Alwyn on Jennica’s mom Jean Garcia: “I’m sure, kahit sinong nanay, magiging ganoon kapag nakita nilang malinis ang intensiyon ng lalaki. At nakikitang present ka sa bahay. Dumadalaw sa bahay... nagpapakita. So, feeling ko, natural lang din ang nangyayari at ako, natutuwa lang din ako na parang nakikita niya na mahal ko sila.”


Matagal na rin daw mula noong huling teleseryeng ginawa ni Alwyn Uytingco para sa TV5, ang Nandito Ako, kaya natutuwa ito na ang dating once-a-week show niyang Cassandra ay magiging primetime series na.

Pero okay lang daw si Alwyn dahil wala man siyang teleserye, hindi naman daw siya nawawalan dahil sa Lokomoko at sa miniserye noon na Kapitan Awesome.

Ngayon naman, timing daw para kay Alwyn ang pagpasok ng Cassandra kunsaan magiging kapatid siya rito ni Eula Caballero.

“Tatlo kaming magkakapatid dito, pero sa aming tatlo, ako ang may gray area. Yung power ko, namana ko sa daddy ko, which is my dark side,” pahayag ni Alwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ang daddy niya sa Cassandra ay si Gabby Concepcion, na ayon sa kanya ay may dalawang katauhan.

Nakikita ni Alwyn na challenging ang kanyang bagong karakter lalo na pagdating sa pisikal na aspeto.

“Challenging siya kasi, may mga fight scenes. Ang peg nila sa akin rito, parang gusto nila, Bruce Willis sana.

“Kasi, mayamang bilyonaryo, tina-target niya lahat ng kriminal, pinapatumba niya. Pero yun nga, nasa gray area ako dahil mamamatay ang girlfriend ko,” dagdag niyang kuwento.

Tatlong taon daw ang kontrata niya sa TV5 at masaya raw siya.

PREPARING FOR MARRIAGE. Nangiti naman si Alwyn nang kumustahin namin ang lovelife niya sa girlfriend na si Jennica Garcia, lalo na nang may magbiro rito na ikakasal na raw sila.

Ayon kay Alwyn, “Okay naman, masaya. At yun nga ang palaging nagiging tanong sa amin. Sabi ko nga sa kanila, yung ganitong klaseng relationship, alam mo na yung ganito yung meant for longevity.

“At ako, naniniwala ako na wala na kaming ibang pupuntahan kundi yun.”

Tila pagpu-propose na lang niya kay Jennica ang kailangan?

“Alam ko,” nakangiting saad naman niya.

“Pero siyempre, bilang guy, alam ko na ako ang magpu-provide. So ako, I just wanna prepare myself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-uusapan na ba nila ni Jennica ang mga bagay tungkol sa pagpapakasal?

“Napag-uusapan lalo na kapag nakakapanood ka ng mga romantic movies. Hindi mo maiiwasang maging idealistic, pero ako, realistic naman talaga ko which is why, I am preparing.”

Tinanong naman namin si Alwyn kung hanggang saan pa ang nakikita niyang paghahanda.

Aniya, “Ayoko rin namang maging matagal. Ayokong pahabain.

“As early as possible, gagawin ko siya. Siguro, sabihin na lang natin na ang proposal would be this year, pero yung wedding, I’m targeting sana, kung kaya this year...

“Kung hindi, next year. Pero lahat yun, pinagpa-planuhan ko pa lang.”

Twenty-five years old pa lang si Alwyn at si Jennica naman daw ay 24.

Pero kung siya raw talaga ang tatanungin, mas gusto raw niya na maagang magpakasal at bumuo ng pamilya.

Ayon nga kay Alwyn, “Ako kasi, nai-imagine ko ang sarili ko na yung anak ko, nakikita kong lumaki tapos ako, bagets pa ko.

“Yung kaya ko pang sabayan ang activity ng anak ko. Kasi, ang hirap naman na treinta o for example forty. Kapag ten years old na ang anak ko, singkuwenta na ko.

“Kapag natutong mag-basketball yun, may saklay na ko, ’di ba?

“Parang ang lungkot na yung bond niyong mag-ama, male-lessen.”

DREAM WEDDING. Dahil tungkol na nga sa pagpapakasal ang naging paksa ng interbyuhan, naitanong na rin kay Alwyn kung meron na rin ba itong dream wedding.

Aniya, “Gusto ko sana beach wedding.”

E, si Jennica?

“Sabi niya sa akin, it doesn’t really matter kung saan o siguro, hindi pa siya decided.”

Pagdating sa kanilang pananampalataya, mula sa pagiging isang Katoliko, magpapa-convert na rin daw si Alywn sa Victory Christian Fellowship kunsaan miyembro naman si Jennica.

Aminado si Alwyn na malaking bagay daw sa magandang takbo ng relasyon nila ni Jennica ang pananampalataya nila.

“At saka, sabi kasi sa kasal, kung ano ang nakalagay sa religion mo, dapat ganoon ang kasal mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung formality sake, napakadaling gawin nun, ‘di ba? Pero ako, gagawin ko siyang talaga dahil gusto ko ang community ng Victory.

“Hindi lang dahil sa formality pero iba... iba ang community ng Victory.”

May tatlong taon na rin daw silang magka-relasyon ni Jennica.

CHANGE OF HEART. Ang Mommy ni Jennica na si Jean Garcia na noong mga unang buwan ng relasyon nila ay napapabalitang against sa kanya para sa anak, ngayon daw, base na rin sa ilang kuwento ni Jennica, ay love na raw si Alwyn ngayon.

Madalas pa nga raw itong ipagluto ni Jean.

Ayon naman kay Alwyn, “Alam niyo, si Madam kasi, sobrang bait niya. Lalo na kapag nakita niya ang totoong ikaw at nakita na malinis ang intensiyon mo.

“I’m sure, kahit sinong nanay, magiging ganoon kapag nakita nilang malinis ang intensiyon ng lalaki. At nakikitang present ka sa bahay.

“Dumadalaw sa bahay... nagpapakita. So, feeling ko, natural lang din ang nangyayari at ako, natutuwa lang din ako na parang nakikita niya na mahal ko sila.”

Kailan yung naramdaman niya na okay na, nagbago na nga ang tingin sa kanya ni Jean?

“Alam niyo, kung tutuusin, kapag tiningnan niyo ’ko, ang daming tattoo, gulo-gulo ang buhok.

“Kasi, ang packaging ko, ganoon. Pumupunta ng bar, ganyan… pero ako kasi, umpisa pa lang, sabi ko, ganoon siya... pero anytime, magkakaroon ng bond.

“Kasi, nakikita ko siya na she’s a loving mother, a loving person. Talagang may intimacy sa kanya na talagang hindi niya maitatanggi.

“Kapag gusto niya ang tao, friends niya. Tapos yung friends niya, sobrang hindi niya nakakalimutan.

“Nakikita ko sa kanya na siguro, sa umpisa, medyo hesistant siya, pero, alam ko one day o someday, magiging ano rin kami.”

Parang na-vindicate siya sa mga negatibong impresyon o komento sa kanya noong una pa lang silang magka-relasyon ni Jennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PASTOR ALWYN? Biro namin kay Alwyn, ngayon yata, puwedeng maging Pastor pa siya.

Pero seryoso itong sumagot na, “Hindi natin alam ang possibilities. It’s endless possibilities. Kapag nabuksan mo ang mata mo sa iba’t-ibang aspeto ng buhay, there’s endless possibilities.

“I don’t know kung ano ang puwedeng mangyari sa akin. Kung maging director ako o best actor o maging Pastor ako.

“Para sa akin, bahala na si Lord. Kung saan niya ako gagamitin, dalhin niya ko ron.

“Kasi, gusto ko lang talagang gawin ang purpose ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN