Alden Richards denies being the cause of Enzo Pineda-Louise delos Reyes breakup; admits Julie Anne San Jose is his closest female friend

Alden on being tagged as the cause of the Enzo Pineda-Louise delos Reyes breakup: “Hindi po totoo yan. Naririnig-rinig ko nga po na may isyu pero sa ngayon ayaw ko muna mag-comment. Wala naman akong alam talaga sa nangyari at medyo ayaw pong mag-open ni Louise dahil medyo personal po yung isyu. Pero handa ko namang tulungan parehas kung hinihingi nila ang tulong ko.”


Dumalo si Alden Richards sa 6th anniversary party ng PEP.ph noong Huwebes, March 14, (Philippine Entertainment Portal) sa Aracama restobar sa The Fort, Taguig City.

Buong ningning niyang sinabi na excited na siya sa bago niyang serye na Mundo Mo’y Akin na magsisimula sa March 18 sa GMA-7, at kung saan katambal niya si Louise delos Reyes.

Paano dudugtungan ni Alden ang mga salitang ‘Mundo Mo’y Akin’?

“Mundo Mo’y Akin… dahil mahal kita,” natatawa niyang bulalas.

Para kanino yan?

“Kanino agad? Ha!ha!ha!,” mabilis niyang bawi.

Sino ang one true love niya ngayon?

“Pamilya ko muna at saka career ko... sayang,” mabilis niyang tugon.

Baka ma-question ang gender niya dahil sa wala pa siyang ipinapakilalang girlfriend?

“Yun nga po, maraming nagtatanong pero sinisigurado ko na hindi same sex ang habol ko,” deklara niya.

JULIE ANNE SAN JOSE. Bakit hindi mamatay-matay yung pagkaka-link niya kay Julie Anne San Jose?

“Si Julie Anne po one of my closest friends. Actually, siya ang pinaka-close sa akin sa babae,” bulalas pa niya.

Nakilala na raw niya ang parents ni Julie Anne sa Party Pilipinas at rehearsals. Pero hindi pa raw niya ito napupuntahan sa bahay nila.

DAHILAN NG HIWALAYANG LOUISE AT ENZO. Dinenay din ni Alden na siya ang dahilan ng pagkakalabuan nina Enzo Pineda at ang ka-love team niyang si Louise.

“Hindi po totoo yan. Naririnig-rinig ko nga po na may isyu pero sa ngayon ayaw ko muna mag-comment.

“Wala naman akong alam talaga sa nangyari at medyo ayaw pong mag-open ni Louise dahil medyo personal po yung isyu.

“Pero handa ko namang tulungan parehas kung hinihingi nila ang tulong ko,” sambit niya.

May mga bulung-bulungang type ni Louise si Alden; possible kayang magka-developan na sila lalo’t pangatlong pagsasama na nila sa Mundo Mo’y Akin?

“I’m not closing my doors po. Hindi naman po malabong mangyari yan kasi eto po... magkakatrabaho kami ulit kaya open na naman yung doors at possibilities. Mahirap pong magsalita ng tapos, e,” ani Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay ba siya ng kondisyon sa muling pagsasama nila ni Louise na sana hindi makialam ang “nanay” ng leading lady niya gaya ng mga napapabalita dati na diumano’y nagdidiwara ito?

“Para sa isyung yan, wala naman po akong magagawa,e!

“Respeto na lang din po kung ano gusto nila. Respeto sa mama niya, respeto kay Louise. Basta ako po, nagtatrabaho lang, e! Yung mga ganoong klaseng factor, hindi ko na lang po iniintindi,” sey niya.

JOLINA AS HER MOM. Kumusta si Jolina Magdangal bilang “nanay” niya sa serye?

“Hindi pa po kami nagkakaeksena pero may konting ilang dahil…si Ate Jolens po, bata pa. Parang dating po ay batang ina sa akin.

“Yung sa akin naman po, adopted lang niya ako kaya more or less, younger talaga siya. Pero excited po ako kasi nagkatrabaho na po kami ni Ate Jolens pag naggi-guest po ako sa Personalan.

“Gusto ko pong makita yung kaya kong ibigay pag siya po ang kaeksena ko sa aktingan,” pahayag ni Alden.

LIKING ANNE CURTIS. Meron ba siyang dream na maging leading-lady?

“Sana Anne Curtis. Given a chance Anne Curtis po talaga kahit sa pelikula. Sana pakinggan po ng Diyos at ng network ang dasal ko. Libre naman po ang mangarap,” hirit niya.

TYPE NI HEART EVANGELISTA. Ano ang reaksyon niya na siya ang unang binanggit ni Heart Evangelista na gustong maka-partner nung mag-renew ng contract sa GMA-7?

“Narinig ko nga po yan. At least flattered po. Talagang honored kasi hindi ko naman ini-expect na first coming from the mouth of Miss Heart Evangelista.

“Most beautiful girl from showbusiness, talented. I hope na maka-partner din po siya sa isang project. Sana nga magkaroon ng chance na magka-partner kami,” sey pa niya.

Ibig bang sabihin nito na made na talaga siya bilang leading man ng Kapuso?

“Naku Tito, hindi naman po siguro,” pa-humble niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nakita lang niya ako sa One True Love kasi ibinigay ko po yung best ko dun,” dagdag pa niya.

Unti-unti nang natutupad na maging John Lloyd Cruz siya ng GMA-7?

“Naku, malayo pa po ako kay JLC. Dami na niya pong narating, dami na niyang napatunayan, ako po nagsisimula pa lang pero idol ko po siya.

“Gusto ko pong sundan bilang artista. Of course, sa GMA po, si Kuya Dingdong Dantes,” pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN