Rocco Nacino on being happily unattached: “Ako sasabihin ko na okay ngayon, kasi marami akong nakikilala ngayon, e. Masaya… masaya.”

Rocco on maintaining close ties with good friend Lovi Poe: “We still talk siyempre, nagpang-abot kami sa Party P, it was fun. Sobrang tawanan, kasi we caught-up on how we were, kung kumusta ang isa’t isa at marami kaming mga ginawa… so, masayang-masaya ako na makita siya ulit.”


Nakatulong daw kay Rocco Nacino ang pagsabak sa gender sensitivity seminar na pinangunahan ng MTRCB.

May kaugnayan ito sa naging issue hinggil sa kontrobersiyal na dance number nila ni Lovi Poe sa Party Pilipinas ilang linggo na ang nakaraan na para sa iba ay inappropriate raw sa isang variety show na nasa tanghaling timeslot.

Ginanap ang naturang gender sensitivity seminar last Sunday, March 10, pagkatapos ng live airing ng Party Pilipinas sa Studio 7 ng GMA Network.

VALUES REORIENTATION. Ayon kay Rocco, mas nabigyan ng diin dito ang pagpapahala sa mga kababaihan.

“Nalaman ko ang roles at ang importance ng ano… of having woman in our society, and how important it is to respect them.

“How you are supposed to treat them, and yung, anong tawag dito… kung ano yung dapat iwasang gawin, para hindi makabastos sa mga babae,” paunang saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagdiriwang ng 6th anniversary nito last March 14, sa Aracama restobar sa The Fort.

Personally, sa palagay ba niya ay may mali sa ginawa nilang production number ni Lovi para maalarma ang MTRCB?

“Ah… I cannot comment on that, I really cannot comment on that. May utos sa akin ang Party P na huwag banggitin, e. So, bawal magsalita tungkol diyan,” pahayag niya bilang pag-iwas sa isyu.

Pero as an artist, hindi mo ba naisip na parang nakatali ang kamay ninyo, na may restriction para mailabas ang inyong artistry at mas mapaganda pa ang inyong TV show?

“In a way, puwedeng ganoon,” nakangiting pagsang-ayon niya. “Pero, siguro we can play along the line at matuto na lang kung hanggang saan iyong puwede talaga.

“Kasi, definitely, malinaw naman iyong guidelines, malinaw naman. Everything was explained thoroughly.”

HAPPILY UNATTACHED. Ayon pa sa aktor, ayaw muna niya yung mga usapin ukol sa ligawan dahil baka makasagabal pa ito sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay wala, wala muna iyang ligawan, pinromise [promised] ko na muna iyan sa sarili ko, na please lang… baka makasagabal pa iyan sa trabaho, e,” nakangiting banggit niya.

Sinabi rin ni Rocco na tuloy pa rin naman ang mabuting samahan nila ni Lovi Poe.

“Oo naman, tuloy-tuloy pa rin naman. We still talk siyempre, nagpang-abot kami sa Party P, it was fun.

“Sobrang tawanan, kasi we caught-up on how we were, kung kumusta ang isa’t isa at marami kaming mga ginawa… so, masayang-masaya ako na makita siya ulit.”

May balita na sila pa rin ni Jake Cuenca?

“A, ganoon ba? No comment ako diyan, naku!” nakatawang wika pa ni Rocco.

Wala kang balak na ligawan siya?

“Hindi ko alam, e, nag-e-enjoy ako na ganito muna, kaya ganito na lang muna siguro.”

Okay lang ba na wala kang girlfriend?

“Ako sasabihin ko na okay ngayon, kasi marami akong nakikilala ngayon e. Masaya…. masaya.”

So, ibig sabihin ang motto niya ay collect and collect, and then select?

“Ay hindi, hindi! Hindi naman sa ganoon, basta, I’m enlarging my circle of friends, kumbaga. Yes, at nag-e-enjoy ako sa buhay,” masaya niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN