Derek Ramsay on Baron Geisler: “You don’t baby him when he makes mistakes... you let him know that he made mistakes, he’s gotta learn.”

Derek on his alleged confrontation with Baron Geisler on the set of Kidlat: “He’s upsetting one of the cast members, and nakakaistorbo sa set so I told him na what he’s doing is not right so... and yes, I did raise my voice, but I didn’t disrespect him, I didn’t throw any punches, I just made him feel that I was disappointed.”


Tapos na ang presscon ng JLD Talents ni Jojie Dingcong last Tuesday, March 12, 2013, nang dumating si Derek Ramsay sa Congo Grille, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Nakaalis na halos lahat ng press nang pumasok siya sa venue. Ang dahilan ng kanyang pagka-late: kakarating lang niya galing Boracay kung saan muli siyang naglaro ng (beach) frisbee.

Hindi man nanalo, sinabi ni Derek na siguro yun na ang huli niyang paglalaro sa paborito niyang sport.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5, “Natalo. Sila nag-training sila ng three months sa Boracay, kami wala kaming training.”

Last year sinabi niyang hihinto na siya sa larong ito matapos niyang magkaroon ng injury, pero bakit kaya muli na naman siyang naglaro nito?

Pahayag niya, “Oo, last ko na yun. Oo nga, tingnan mo hindi ako affected kahit second place kami, okay lang. Natutuwa ako na kaya ko pa rin, pero wala na rin yung ano, e... yung excitement.”

Nawala daw yung excitement hindi dahil sa wala doon at nagtsi-cheer ang number one fan niya before, ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, kundi nagsawa na daw siyang bigla sa frisbee.

Lahad niya, “I guess when you’ve done it for so long, nakakapagod na rin. I guess, nawala na yung excitement dahil hindi ko napaghandaan ng 200 percent so nakakatuwa lang na second place pa rin kami.”

Dagdag pa niya, “Ayaw na, in the sense na I wouldn’t want to compete at that level. Playing-playing, okay lang... support, okay lang... yung kailangan kasi dun 100 percent dedication, kasi kailangan dun, e.”

TENSION WITH BARON. Napadako naman ang usapan sa matagumpay niyang hero-seryeng Kidlat sa Kapatid Network. Masaya niyang ibinalita na extended ang serye ng ilang linggo.

Kuwento niya, “Na-extend kami, I think [hanggang] 16 weeks, so baka madagdagan pa hanggang May. We’re on our week 8 airing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging seryoso naman ang kuwentuhan nang mapag-usapan na si Baron Geisler, ang kanyang kontrabida sa show na balitang naka-iringan niya sa set may tatlong linggo na ang nakakaraan.

Totoo bang wala na sa Kidlat si Baron?

Pagtanggi niya, “Si Baron, andun pa.”

Sunod pang tanong kay Derek kung totoo nga bang ayaw na daw niya itong maka-trabaho?

Mabilis na sagot nito, “I wanna clear that out, I’ve always defended Baron, I tried to guide him but he’s a grown man, he’s making one mistake after another.”

Pero totoo bang nagkaroon sila ng suntukan sa set?

Tugon niya, “Walang suntukan na naganap, walang away... may kaunting taasan ng boses, pero walang away na nangyari. Pinagsabihan ko lang siya na mali yung ginawa niya.”

Ang balitang lumabas dati ay napuno na raw si Derek noong may isa sa mga cast members na diumano ay nakairingan ni Baron at dito na daw siya pumagitna. Ngunit matapos daw ang kanilang komprontasyon ay naging okay na naman daw lahat.

Pagklaro niya, “Thats wrong, I even spoke to the director that night, Mike Tuviera. Ang sabi ko, ’Direk Mike, kung gusto n’yo pa ring kunan yung eksena right now kunan na natin, walang problema.’”

“Nag-usap na kami after that and wala na. Actually, two tapings after yata, nagkita kami sa set, nakatalikod ako lumapit siya. He apologized again, through text and in person.”

Pero pinagsabihan pa rin daw niya si Baron dahil paulit-ulit na lang daw ang mga balitang nasasangkot ito sa gulo.

Lahad niya, “It’s the same thing, he can ask for advice anytime, he came in with the decency to apologize and I told him apologizing isn’t enough.

“Madali lang magsalita, gawin mo na lang, hindi mo naman kailangang sa akin paulit-ulit sabihin na gagawin mo, gagawin mo... gawin mo na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinetalye pa niya kung paano nagsimula ang komprontasyon nila.

“He’s upsetting one of the cast members, and nakakaistorbo sa set so I told him na what he’s doing is not right so... and yes, I did raise my voice, but I didn’t disrespect him, I didn’t throw any punches, I just made him feel that I was disappointed,” dagdag niyang kuwento.

Pagdepensa pa niya sa kasamahang unang nakairingan daw ni Baron, “In fairness to the other members of the cast, walang ginawang mali ang taong yun.”

DEFENDING BARON.Dumating kaya sa isip niya na ipatanggal si Baron sa Kidlat?

Paglilinaw niya, “That’s up to the bosses, you know.

“Issues came, I defended Baron because I do believe in his talent but you know he’s been given many chances, and that’s up to the bosses to decide.”

“Hindi ako yung tipong artistang nagpapatanggal, my job is to act— to portray my character.”

Pero kahit daw ganun ang nangyari, dinipensahan pa rin ni Derek si Baron dahil nga sa pinagdadaanan nito.

Aniya, “It’s not easy, he’s gone through a lot so, you can’t really judge him for that but he’s a grown man, you don’t baby him when he makes mistakes, you let him know that he made mistakes... he’s gotta learn.”

“Kung tanggalin siya sa show, that’s not because ayaw namin siyang makasama, or to teach him a lesson but you can’t continuously go back and repeat the same mistakes.”

Sa ngayon daw ay napatawad na niya ang actor sa ginawa nito.

Saad niya, “That’s water under the bridge for me na, kasi nag-usap na kami sa set, sa ngayon wala na akong problema kay Baron napagsabihan ko na lang siya na hindi ka na bata, paulit-ulit ka rin lang na gumagawa ng parehong bagay— tama na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita naman daw niyang sinsero ito nung humingi ng tawad.

Sabi pa ni Derek, “I do belive in him apologizing, pero mahirap talaga yung pinagdadaanan niya, it’s tough for him and it gets even tougher for him to be successful in his career kasi andami na niyang nagawa.”

“It’s never too late to start, ang mahirap lang talaga sa kanya andami na niyang mistakes na nagawa na paulit ulit.”

Pero, naniniwala pa rin daw si Derek na kaya niyang magbago kaya daw binigyan niya ito ng panibagong payo para daw magkaroon ito ng “sense of responsibility” sa sarili.

Tugon ni Derek, “I believe na kaya niya, na he can do it, I gave him advise na he should invest in some [properties] to give him sense of responsibility na kailangan niyang pagtarabahuan.

“Get it on... a small apartment na meron siyang huhulugan every month so meron siyang sense of responsibility. Like I said, I can only give him advise but it’s up to him if he’ll follow it.”

BADMOUTHING ABS-CBN? Sa isang artikulo sa isang entertainment website na lumabas noong March 8, 2013, nakalagay dito ang titulong, ‘Is Derek Ramsay badmouthing the Kapamilya network?’

Nakasaad pa sa maikling article ang ganito: “Gaano katotoo itong nakalap naming impormasyon na sinisiraan diumano ni Derek Ramsay ang ABS-CBN, ang dati niyang home network?”

Ayon sa isang source, narinig daw ang aktor, na ngayon ay talent ng isang rival network, na nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa Kapamilya network sa kausap nito habang nasa isang bar.

Tila ipinahihiwatig di umano ni Derek na pinahirapan ito ng ABS-CBN dahil sa biglaan niyang pag-alis.

Depensa naman ng malalapit na sources ng Push.com.ph na nagbigay ng kanilang opinyon at reaksyon sa diumano’y paninira ng aktor sa kanyang dating tahanan, hindi naman daw yata magandang gawain ang magsalita ng laban sa network na nagbigay sa kanya ng break sa showbiz, gayung siya naman ang hindi maayos at personal na nagpaalam sa ABS-CBN management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tutuusin ay ang dating big stars na gaya nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ay personal na kinausap ang big bosses ng Kapamilya network at maayos na nakapagpaalam bago lumipat.

Nabasa at narinig na din daw niya ang ganitong balita.

Buwelta niya, “That’s a never-ending issue, yeah I heard that, I heard bina-badmouth ko daw ABS.

“That’s not true. I always give respect to ABS-CBN, may pinagdaanan kami, I never badmouth them to friends, to the press... even though marami akong pinagdaanan. I read it but I answer it with a no, I tweeted it na, no.”

Pero totoo daw na may nakasama siyang mga taga Channel Two sa isang bar pero never daw siyang nagsabi ng masasakit na salita.

Dagdag pa niya, “I did meet some ABS employees— baka dun nanggaling... baka dun nangaling, they asked me if I’m happy with TV5 and I said I’m happy, I’ve never been this happy.”

Hindi kaya na-taken out of context lang ang mga sinabi niya during their conversations?

Pahayag ni Derek, “I didn’t see how they could have taken it out of context.

“The only time I talked about ABS-CBN was in that bar with some ABS employees. They asked me if I made the right move and I said I believe I made the right move. And that’s not badmouthing and I’m being honest, I’m happy with TV5. And TV5 has taking care of me.”

Dagdag pa niya, “With ABS, I never disrespected anyone from the network, I’m very grateful kasi dun nag umpisa, ang career ko they’re the ones who gave me a break by pairing me up with Judy Anne Santos.”

Paglilinaw pa niya, hindi daw siya naniwalang galing ito sa mga taga-ABS. Aniya, “I don’t believe it came from ABS-CBN.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NON-EXISTENT LOVELIFE. Nilinaw naman ni Derek ang pagkaka-link ng kanyang pangalan kay Cristalle Belo na nagkataon namang nasa lugar pa noong panahong yun. Sabi niya close lang daw talaga sila dahil nga isa siya sa mga endorsers ng Belo.

Pagdating naman sa lovelife natatawang sagot ni Derek, “Lovelife? Non-existent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN