Lauren Young on rumored boyfriend Elmo Magalona: “Kahit anong sabihin ko walang maniniwala sa akin, so tatahimik na lang ako.”

Lauren on being pitted against co-star Louise delos Reyes: “Well, it’s a given na mangyayari yun but siguro hindi naman kailangang i-compare. Kahit siguro pag-awayin kami I don’t think we’ll fight kasi parehas naman kaming very professional.”


Ang ina ni Elmo Magalona na si Pia Magalona ang manager ni Lauren Young.

Kumusta maging manager ang ina ng lalaking inili-link sa kanya?

“Wala naman po, okay lang. She’s my manager and she treats me like a client and ganun lang, it’s very professional, very work ethic lang,” pahayag ni Lauren ng makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Mundo Mo’y Akin sa Annabel’s restaurant noong Martes, March 12.

Walang bang special treatment kay Lauren si Pia?

“Wala namang kailangang ibigay na special treatment sa akin,” depensa nito

REAL SCORE WITH ELMO. Sa tanong naman kung ano ba ang tunay na estado ng sitwasyon nila ni Elmo...

“Ano po, I’d like to focus on my show and I don’t think I should say anything because if I say something... na kahit anong sabihin ko, whether it’d be good or it’d be bad, I deny it or I accept it, people will always have something negative to say.

“So, I’ve learned to just keep quiet about everything.

“Kahit anong sabihin ko walang maniniwala sa akin, so tatahimik na lang ako.

“Ilang beses na akong nag-deny, walang naniniwala so quiet na lang ako.”

Sa isang panayam kay Saab Magalona (dito rin sa PEP.ph), ang naging pahayag nito kung sakaling magkakaroon nga ng relasyon sina Lauren at Elmo ay…

“It’s going to be hard because she’s my friend so kunwari like if it happens tapos hindi magkatuluyan, it’s going to be hard siyempre to… of course pipiliin ko yung brother ko, kung dumating sa time na kailangan kong pumili.

“Pero it’s going to be hard to let go of a friend, kasi siyempre you have to cut all ties, di ba? Para makapag-move on.”

Magkaibigan sina Lauren at Saab na ate naman ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well siguro nga iyon yung mangyayari, so… friends kami ni Saab, friends kami ni Elmo and whatever happens in my private life will stay that way and I like to keep it that way,” pagklaro ni Lareun.

BEAUTY QUEEN MATERIAL. Bilang maganda at may taas na 5’6, hindi malayong may maghikayat kay Lauren na sumali sa mga beauty pageants.

Wala pa raw siyang sinasalihan.

“Okay lang naman po pero parang more on acting talaga yung passion ko so siguro if ever comes a time na, why not?

“Pero I’d like to focus on my career pero why not? In the future. Bata pa naman po ako, I’m only nineteen.

“So, kung medyo ma-develop ko yung interest na yun I will join.”

PROUD KAPUSO. “Okay naman, nag-e-enjoy ako dito, masaya,’ ang sagot naman ni Lauren ng kumustahin ng PEP tungkol sa pagiging Kapuso niya.

Dating taga-ABS-CBN si Lauren na ngayon ay nasa GMA-7 na at kasama sa Mundo Mo’y Akin na pagbibidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes na ipapalabas na sa Lunes ng gabi, March 18.

May mga advise bang ibinigay sa kanya ang ate niyang si Megan Young na dating taga-GMA bilang produkto ng StarStruck?

“Well sabi niya lang sa akin, just remember to be nice and do my job, and iyon lang, magpakabait ako dito,” ang tumatawang sinabi ni Lauren.

Kumusta katrabaho si Alden?

“Masaya, luku-luko rin siya, e,” at muling tumawa si Lauren.

Personal siyang pinili ni Alden na maging ka-triangle nila ni Louise.

“May ganun? Wow! Hindi ko alam yun, a!

“Nakaka-flatter kasi at least gusto niya ako katrabaho, di ba? And at the same time I feel really blessed kasi at least not only to... siyempre to GMA very thankful because not only that, they trust me with this show but they’re also trusting me to be one of their talents and siguro nakaka-touch lang na pinili nila ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bonding na sila nina Alden at Louise.

“Well, before pa naman po kilala ko na si Alden sa mga events po minsan nagkikita kami sometimes.

“Coz we’ve done two taping days pa lang na the three of us together.

“Okay naman, nakaka-bonding ko sila pero minsan siyempre mas nakakausap ko si Louise kasi parehas kaming girl, mas may mapag-uusapan kaming dalawa.”

May pressure ba na siya ang ka-love-triangle ng sikat na loveteam nina Alden at Louise?

“Siyempre meron po but siguro if I do my job tapos maraming magalit sa akin, e, di I did my job right.

“But ano lang I’m here to work and I don’t have to break anything, what they have. But if alam mo yun, whatever the management wants, dun naman ako.”

Pagpapatuloy pa ni Lauren tungkol kina Alden at Louise...

“It’s very fun! They’re very nice to me, pareho silang magaling na artista so medyo kinakabahan ako kasi medyo matagal na rin ako since ako nagka-show, nabakante ako so ang tagal ko na ring hindi nakaka-arte.

“So ayun, I’m kinda nervous to actually do our scenes. Kasi recently we’ve been doing mga montage, mga ganun-ganun lang so pag nagsimula na talaga yung mga taping days namin.

“Sobrang bait nila so I feel comfortable naman around them but I still get a little bit nervous.”

Malamang na ma-link siya kay Alden…

“Well, it’s part of the job but everyone knows... lahat kami, we’re here to work.”

Nahirapan ba siya sa adjustment from being a Kapamilya to being a Kapuso?

“Well, no naman.

“Iba lang yung mga makakasama kong mga tao, iba yung staff, iba yung mga artista but still the same ways.

“Still, yung mga taping parehas, yung mga para-paraan nila pareho lang naman so it’s... in a way it’s easier to adjust kasi kahit papano I still know something about showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa siya na maikumpara kay Louise?

“Well, it’s a given na mangyayari yun but siguro hindi naman kailangang i-compare. Kahit siguro pag-awayin kami I don’t think we’ll fight kasi parehas naman kaming very professional.

“We just like to work and she’s a very nice person so I don’t think we’ll ever fight about anything.”

Ikukumpara ang ganda at acting nila ni Louise...

“Well, if they have something nice to say, thank you, if they don’t have anything nice to say, God Bless,” sabay tawa ni Lauren.

“Ayun wala akong magagawa, e, di ba?”

LAUREN THE VILLAIN. Ano ang kakaiba sa Mundo Mo’y Akin na dapat abangan ng TV viewers?

“Well, first of all I’m a kontrabida here... it’s my first time to do a kontrabida role and ang maganda sa kanya hindi siya ordinaryong kontrabida na nagba-brat lang siya and gagawa siya ng masama just because she can.

“Lahat ng mga ginagawa niya, she does it because she has a reason; she acts the way she acts kasi nasasaktan siya and lahat ng iyon.

“And ayun since it’s my first time to be a kontrabida I’m very excited to show people na hindi lang puro pagpapaawa yung kaya kong gawin.

“Na another side of me because ayoko din naman at the same time na male-label lang ako as a bida or as a kontrabida.

“I want people to appreciate my acting skills and dito, tingnan natin kung kaya ko.”

Wala raw problema kay Lauren na kung dati ay nagbida na siya ay kontrabida siya ngayon.

“Well, people think kasi if you become bida pag nag-kontrabida ka it’s parang demotion, it’s a downgrade, and I’m not just saying this dahil nangyayari sa akin.

“But that’s not the case naman talaga. Kasi if you think about it, kung wala kang kontrabida wala kang bida... kung wala kang bida, walang kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It makes the story full and it’s not about kung gaano karaming exposure yung meron ka sa character, it’s how you tell your story and the way you tell it.”

Sa Mundo Mo’y Akin, gumaganap si Lauren bilang si Darlene na kontrabida sa pagmamahalan nina Jerome (Alden) at Marilyn (Louise).

Nasa drama series din sina Sunshine Dizon bilang Perlita, Angelika dela Cruz bilang Rodora/Giselle, Jolina Magdangal bilang Aida, Gabby Eigenmann bilang Ziggy, at si Ms. Jaclyn Jose bilang Donya Charito.

Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay.

Malamang na magkaroon sina Lauren at Louise ng mga eksena kung saan sila’y magsasampalan o magsasabunutan.

“Siguro may point na magkakaroon ng ganun, but let’s see how the story evolves. Kasi hindi ko pa naman nababasa till the end, nag-e-evolve pa yung story.”

Handa raw siyang saktan si Louise.

“Kung kailangan, gagawin ko pero in advance, ‘Sorry Louise,’” ang tumatawang pagtatapos ni Lauren sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN