Luis Manzano on Sandara Park’s wish to do a movie with him: “Hopefully, we get into something. Global star na siya pero di niya nakakalimutan ang Pilipinas.”

Luis on his enduring relationship with girlfriend Jennylyn Mercado: “Tampuhan? Di naman nawawala yun, that’s how you grow, it’s all about communication lang.”


Sa kabila ng kanyang inaning parangal at kasikatan sa Korea bilang miyembro ng kilalang K-Pop group na 2NE1, masasabing hindi pa rin nakakalimutan ni Sandara Park ang bansang Pilipinas.

Ilang ulit na ring bumalik ng bansa para magbakasyon, makita at makasama ang mga dati niyang naging kaibigan dito.

Nagbukas na rin siya ng kanyang Twitter account kung saan nakikipag-communicate siya sa ilang mga kaibigan niya dito.

Isa na nga sa nakaka-tweet ni Sandara ay si Luis Manzano kung saan nagsabi ang Korean singer na gusto niyang gumawa ng pelikula kasama ang aktor.

“Si Sandy kasi alam mo I’m sure she’s homesick,” kuwento ni Luis.

“Sana nga may magawa nga kami ni Sandy. I’m hoping for that dahil sa haba ng pinagsamahan namin ni Sandy, sa Star Circle Quest pa lang.

“Even after Star Circle Quest na may kanya-kanya na kaming ginagawa, nakakasama ko pa rin siya, inaya ko pa rin siya for dinner.

“Hopefully, we get into something. Global star na siya pero di niya nakakalimutan ang Pilipinas.”

MOVIE PROJECT? “Siya ang nagsabi, napanood niya yata yung This Guy’s In Love With You, sabi niya gusto niyang gumawa ng movie, sabi ko, ’Oo naman.’

“Ayaw niya akong maging leading man? Sabi ko para maiba, para may spice, yung leading man niya mga 70 years old para iba yung chemistry.

“Parang gumana ng kaunting-kaunti lang naman, yung kay Papa Chen at kay Jodi, malay mo gumana kay Sandara na mga tipong 70 years old saka si Sandara.”

Para kay Luis ay nasa pamunuan pa rin ng ABS-CBN at ng Star Cinema kung magkakaroon nga ng katuparan ang hiling nilang ito ni Sandara.

“It’s up to the management and to ABS. Siyempre nasa kanila yun.”

“Wala, wala... we had a talk lang right after that— wala namang nangyari. Basta ang usapan lang namin kay Sandy at ako, kung pinick-up ng management yun, I have no idea.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINIGANG TO GO! Ayon sa aktor ay nagkaka-usap lang sila ni Sandy through Twitter at paminsan-minsang palitan ng texts. Sa isang palitan nga nila ng tweets ay nagbiro pa ang Korean singer/actress na sana ay dalhan siya ng sinigang ni Luis sa Korea.

“Kung ano ang nakikita sa Twitter halos yun lang... text few times depende lang kung may tinatanong siya, that’s it basically. Di kami yung every week magka-usap, we’re catching up online, that’s basically it.”

“Oo, nagpapabaon ng sinigang pag nagpunta ako ng Korea.

Sabi ko, “Ano yun, ibubulsa ko?!?’ Parang keychain lang na puwede mong dalhin kahit saan... ano yun, punta ako sa airport may supot ako ng sinigang?”

IMPROVING AS HOST. Mainit ang pagtanggap ng tao sa Pilipinas Got Talent at sa Minute To Win It kung saan parehong host si Luis. Bagay na sobrang pinagpapasalamat naman ng actor/TV host.

“Basta PGT ang kino-congratulate dapat ang staff because they give a totally diferent show. Kami we are actually doing the same thing so pag kino-congratulate ang PGT para sa akin mas deserving talaga ang staff— yung production.

“Thank you, thank you din naman. Siguro nakakatsamba lang ako this 2013 na lahat ng ginagawa ko medyo nagugustuhan ng mga tao. Tsamba.”

“I guess sa naging tweet ko... yun, everyone wants to start their morning with excitement and kaba. Kaya nga nakatulong din ang Minute To Win It... kaya maraming, maraming salamat.



HOW’S JEN? Kinumusta din ng Pep.ph kay Luis ang relasyon nila ni Jennylyn at ano ba ang sikreto at patuloy ang pagtatag at pagtibay ng kanilang relasyon sa kabila ng paminsan-minsang tampuhan.

“Okay na okay naman, we’re still very busy but we still find for each other. Understanding and communication.

“Understanding that we can’t spend time together, we respect each other’s schedule and we maximize every given time whether it will it be a late call time, an early pack up, we make sure isang movie lang kami or a simple dinner and it really helps.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tampuhan? Di naman nawawala yun, that’s how you grow, it’s all about communication lang. Sometimes space, kung sino ba mainit ang ulo, kung ako, easy lang siya, pags siya, easy lang din ako.”

Ikinuwento ni Luis na magkakasama sila ng girlfriend sa darating na Holy Week.

“We’re gonna be together this Holy Week, magba-Batangas kami. The usual, either na mag-dive kami or kasama namin yung buong barkada which we do for the past sguro four, five years. Magaling na siya, I think advice na rin siya.”

NO TO JOINT PROJECTS. Sa kabila ng parehong artista, tulad ng ibang magkarelasyon na mga artista ay ayaw din ni Luis na magsama sila ng girlfriend sa isang proyekto para maiwasan na ring mapaglaruan ang personal nilang buhay.

“Ayaw namin even before parang ayaw naming mapaglaruan. We’ve already been in showbiz as it is, . Yung cameo... parang ginawa niya for Morron 5, parang ginawa ko for Central, siya naman for Deal. Something special, something episodic... that’s okay, but to do a movie or a serye, I’d rather not.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN