Angelika dela Cruz defers political plans; focuses more on triathlon training

Angelika on Mundo Mo’y Akin lead star Alden Richards: “I think he deserves it kasi kahit yung sandali mo pa lang nakakasama makikita mo naman kung mabait yung tao o hindi. Very pleasant kaya siya, he’s very pleasant.”


Sa mga dating panayam kay Angelika dela Cruz, laging napag-uusapan ang tungkol sa plano niya na tumakbong konsehal sa Malabon bilang pagpapatuloy sa kagustuhan ng namayapa niyang kapatid na si Edward dela Cruz na manilbihan bilang konsehal sa mga mamamayan ng naturang lugar.

Pero natapos na ang filing of candidacy at panahon na ng kampanya para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo pero hindi lumutang ang pangalan ni Angelika bilang isa sa mga tatakbo.

CHANGE OF POLITICAL PLANS? Bakit nagbago ang isip niya; bakit hindi niya itinuloy ang pagtakbo bilang konsehal ng Malabon? Ayaw na ba niya?

“Gusto ko, oo naman. Kaya lang, puwede naman akong tumulong pa rin, kasi tumutulong naman talaga ako sa amin sa Malabon, e.

“Kahit tumakbo ako o hindi, ganun pa rin naman yung ginagawa ko, tumutulong pa rin ako.

“Siguro kasi hindi ko pa mabibigay ang one hundred percent ko kung tatakbo ako ngayon,” sinabi ni Angelika.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa presscon ng Mundo Mo’y Akin sa Annabel’s restaurant noong Martes, March 12.

May posibilidad kaya na sa 2016 elections na siya tumakbo?

“Tingnan natin yan, ha? Gusto ko pang magka-baby, e.

“At nakatutok kasi ako sa anak ko, e. He’s turning four this month.”

“Tapos, ’eto... taping ng Mundo Mo’y Akin three times a week.

TRIATHLON BUFF. “Nagte-training din ako. Nagta-triathlon din ako, e, para healthy.”

Hindi kaya makaapekto ang pagiging aktibo niya sa sports sa plano niyang pagbubuntis?

“Mas healthy kaya yun.”

Swim-bike-run ang kumpetisyon na sinasalihan ni Angelika.

“Magsu-swim ka, tapos diretso ka from swimming, papuntang bike... bike tapos after nung bike magta-transition ka to run.

“Pag wala akong taping, nagte-training ako.

“Kanina nakauwi ako 4:00 a.m., gising ako ng eight thirty, nagsu-swimming na ako.

“After nito, tatakbo pa ako.

“Sumi-serious ako dito!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw niya isinasantabi ang pulitika.

“Hindi naman, hindi naman. Kaya lang kasi bata pa naman ako, e. I still have time for that pero siyempre gusto kong mag-isa pang baby.

“Kaya lang sabi ko sa asawa ko, bigyan mo ako ng dalawang taon pa kasi nga gusto ko pang makapag-Ironman [triathlon competition],” ang tumatawang sinabi pa ni Angelika tungkol sa balak niyang mas lalo pang pagpapaganda ng kanyang katawan thru physical fitness.

”Sabi nga niya sa akin, ‘Langhiya, nung una ang usapan natin makapag-finish line ka lang. Naka-finish line ka na, may award ka pa, nanalo ka pa.”

Nag-champion si Angelika sa latest triathlon event na sinalihan niya.

Hindi raw siya nagda-diet.

“Wala, ang lakas kong kumain.”

Nabe-burn naman raw niya ang kinakain niya.

“Oo, iyon ang masarap dun!”

Papayagan ba nilang mag-artista ang anak nila?

“Pag gusto niya. Okay lang sa amin pag gusto niya, siyempre.”

Kailan nila balak sundan ang baby nila?

“Siguro in a year and a half puwede na.

“Kasi nga gusto ko pang mag-work, gusto ko pang mag-triathlon and tutal since malaki na yung gap dahil magpo-four na siya puwede mo nang isagad.

“Kasi we only want two kids naman, e, so okay na ’yon.”

MUNDO MO’Y AKIN. Sa Mundo Mo’y Akin, dalawa ang pagkatao niya bilang si Rodora at Giselle.

“Mabait siya pero may mga circumstances na nakakagawa siya ng hindi maganda pero hindi siya yung nang-aapi... walang ganun, hindi siya ganun.”

May gap sila dati ni Sunshine Dizon na nasa cast rin ng Mundo Ma’y Magunaw bilang si Perlita, pero nakapag-usap na raw sila ni Sunshine dati pa at naayos na ang lahat.

“Tagal na nun, years ago pa yun! At tsaka kahit before pa nagsimula nitong Mundo Ma’y Magunaw, okay na kami... matagal na kaming okay, matagal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang hindi naman nai-press-press yun kasi hindi naman kami mahilig yun bang…”

Ano ang dahilan ng naging gap nila ni Sunshine dati?

“Alam mo, sa tagal hindi ko na matandaan... maraming bagay-bagay. Usually, mga bata pa kasi kami, tsaka hindi... usually ’yon yung mga tao sa paligid, di ba? ’Yon yun, e.”

Sa Mundo Mo’y Akin, bida sina Alden Richards (bilang Jerome) at Louise delos Reyes (bilang Marilyn); kontrabida naman si Lauren Young bilang si Darlene.

Nasa drama series din sina Jolina Magdangal bilang Aida, Gabby Eigenmann bilang Ziggy, at si Ms. Jaclyn Jose bilang Donya Charito.

Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay at ipapalabas na ito sa Lunes ng gabi, March 18.

Gaganap dito na anak nina Angelika at Gabby si Louise.

“Actually ako, si Jolina, si Shine, si Gabby... excited kaming makatrabaho yung tatlo kasi hindi pa namin sila nakakatrabaho, e.”

IMPRESSED WITH ALDEN. Si Alden ang bini-build-up na next matinee idol and dramatic star ng GMA-7.

“Gusto ko yun! Ang guapo naman talaga ni Alden, napaka-cute na bata, di ba?

“Dapat naman, dapat naman and kung iyon ang gagawin sa kanya I’m very happy for him.

“I think he deserves it kasi kahit yung sandali mo pa lang nakakasama makikita mo naman kung mabait yung tao o hindi. Very pleasant kaya siya, he’s very pleasant.”

MATURING GRACEFULLY. Dahil gumaganap na siyang ina ng mga young stars ngayon, aminado si Angelika na nararamdaman niya na nagkaka-edad na sila ng mga kasabayan niyang artista.

“Normal naman yun! Normal yun sa lahat ng tao, kahit hindi artista, lahat naman ng tao ganun.”

Dumaan din sila sa pagiging teen stars.

“Oo, kaya feeling ko naman it’s normal,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN