Heart Evangelista on her Holy Week plans: “I’ve decided to stay here, workout and feel the pain.”

Heart on why she decided to defer her original plan of going to Hong Kong for Holy Week: “So, kung pupunta ako ng Hong Kong, e, para namang wala akong ginawang sacrifice for Holy Week at nag-shopping lang ako, so parang mali!”


Ayon sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX kanina, March 16, Sabado, walang inihahandang plano si Heart Evangelista sa darating na Semana Santa, maliban sa…

“I plan to stay here.

“Mag-isa lang ako... siguro with friends. Kasi si Chiz busy siya,” sinabi ni Heart na ang tinutukoy siyempre ay ang kanyang kasintahang si Senator Francis “Chiz” Escudero na nangangampanya ngayon para sa darating na eleksyon ngayong Mayo.

“And of course, mag-pray,” dagdag pang sabi ni Heart tungkol sa kanyang plano para sa Mahal Na Araw.

SOMETHING BIG. “Wala akong plans na mag-out-of-town kasi also it’s election and campaign season so hinahayaan ko siya [Senator Chiz] sa kailangan niyang gawin and ako din may mga kailangan din akong gawin.

“Ito rin yung time ko na puwede kong magawa yung... like, workout, yung major ano for something big for me, so may pinaghahandaan ako,” sinabi pa ni Heart na iniwasang banggitin kung ano ang “something big” na magaganap na pinaghahandaan niya ngayong taon na ito.

Going back to her Holy Week plans, hindi ba’t nauna nang pinlano ni Heart na mag-Hong Kong?

Lalo pa nga at break ngayong Holy Week ng taping nila ng Forever na drama series nila ni Geoff Eigenmann sa GMA-7.

“Yes, dapat pupunta ako ng Hong Kong pero hindi na siya matutuloy kasi nagse-save na ako ng money ko ngayon.

“So, kung pupunta ako ng Hong Kong, e, para namang wala akong ginawang sacrifice for Holy Week at nag-shopping lang ako, so parang mali!

“So, I’ve decided to stay here, workout and feel the pain,” ang sinabi ni Heart.

FOREVER UPDATE. Samantala, ano naman ang dapat subaybayan sa Forever?

“Well, ang mga highlights na dapat abangan dito sa Forever ay kung ano ba talaga ang mangyayari kay Adora [na ginagampanan ni Miss Gloria Romero]...

“Kung mananatili siyang bata [bilang Isadora, na ginagampanan naman ni Heart], o talagang magiging matanda na siya at paano ba niya sasabihin kay Patrick [na karakter naman ni Geoff] ang katotohanan at kung matatanggap ba siya,” pagtatapos pang kuwento ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN