Sam Concepcion on real score with Jasmine Curtis Smith: “We hang out a lot. We spend a lot of time together.”

Sam on Jasmine’s endearing traits: “Ako naman on my part, she’s also a potential girlfriend. Any guy would agree na talagang she’s pretty and a very good person. Yung qualities ng isang babae na hinahanap ay nasa kanya na. Let’s see if we can go further.”


Ilang buwan nang nali-link ang TV5 star na si Jasmine Curtis Smith sa Kapamilya Star na si Sam Concepcion, pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon sa totoong estado ng relasyon nilang dalawa.

Sa mga gimikan, madalas silang magkasama pero usually with their set of friends.

Kaya nga every time na tinatanong ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis, ang laging sagot nito ay: "We are in touch with each other, we are very good friends and we have the same circle of friends."

Kaya nga nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa isang okasyon kamakailan lang, ang tunay na estado ng relasyon nila ni Jasmine ang aming inalam agad sa kanya.

“We’re good. We’re enjoying each other’s company,” matipid niyang sagot.

Hindi naman maikakaila sa kanyang ngiti at sa kislap ng kanyang mga mata na tila may mas malalim pang kahulugan ang kanyang mga binitiwang salita.

“Talaga? Lagi naman akong naka-smile. I’m a happy person, that’s why,” bawi ni Sam, na para bang kinikilig din sa comment namin sa kanya.

Could it be dahil may nakakita sa kanya sa Greenhills hanging out with Jasmine noong nakaraang linggo?

Matipid pa ring niyang pagkumpirma, “Yeah, We spent time together.”

READY TO GO STEADY? Ayon kasi sa kuwentuhan ng ibang press, kapag tinanong daw si Jasmine kung handa na itong magka-boyfriend, ang sagot daw nito ay handa na siya.

On his part, ready na rin kaya si Sam?

“Yeah,” kaswal niyang sagot.

“Ready na rin akong magka-girlfriend. Okey naman ako.”

So, ano ba talaga ang status nilang dalawa?

“Status?” nag-aalangan pa niyang sagot. “Ang hirap sagutin niyan, a.

“Okey, we hang out a lot. We spend a lot of time together.”

Kailangan pa ba nagsimula ang closeness nilang dalawa?

Pagbabalik-tanaw niya, “We’ve known each other for a while na. Medyo matagal na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko exactly maalala since when. Pero, matagal-tagal na rin.”

VERY POTENTIAL. Ayon kay Jasmine, if ever man daw na magka-boyfriend na siya, potential BF si Sam.

Reaksiyon ni Sam dito?

“That’s very flattering,” nakangiting sagot niya na para bang very proud siya sa kanyang sarili.

“If talagang sinabi niya ’yan, wow, masaya ako.”

Dugtong pa niya, “Ako naman on my part, she’s also a potential girlfriend.

“Any guy would agree na talagang she’s pretty and a very good person.

“Yung qualities ng isang babae na hinahanap ay nasa kanya na.

“Let’s see if we can go further.”

OK WITH ANNE. Sa tingin kaya niya ay accepted siya ng ate ni Jasmine na si Anne Curtis?

“I don’t know,” pasubali niya. “I think it’s up to her. Pero, Anne and I are okay naman. Mabait siya.

“We see each other once in a while kasi nga sa ABS-CBN din siya.

“And I know she’s a wonderful person also like Jasmine.”

Kailan na ba niya planong i-pursue ang panliligaw niya kay Jasmine?

“At the right time siguro,” sabi niya na nakangiti uli. “Time will tell kung kelan kasi we’re still working a lot para sa career namin.

“I know na marami pa rin siyang maa-achieve. Gusto nga raw niyang mapantayan ang ate niya.

“Lagi niyang binibiro ’yan sa amin.

“And I think she’s serious about it. No, she’s not jealous. She’s even inspired sa mga na-achieve ni Anne.

“So, I guess, I’m just here to support her.

FAMILY TIES. “I want to be close sa family niya. I want them to know me better also,” dagdag pa ni Sam.

“Yung panliligaw kasi, dapat hindi lang ma-confine kay Jasmine. It should also extend to her family.

“Jasmine has a wonderful family. I’m very proud of that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if bumalik na naman siya Jasmine sa Australia, ano ang mararamdaman ni Sam?

Mabilis niyang tugon, “Siyempre, I’ll be sad. Malulungkot talaga ako kasi ngayon lang kami nagkakaroon ng enough time.

“I’ve known her for a long time, pero ngayon lang…well, whatever her plans that’s up to her.

“Pero alam ko, she will be spending more time na dito sa Philippines.

“Wala pa siyang plan na bumalik sa Australia to study.

“She’s building up her own career and she’s also helping take care of her mom.”

Matatandaan na ang ina nina Anne at Jasmine, si Carmencita Ojales, ay nag-undergo ng hip surgery early this March.

NEW ALBUM. Meanwhile, busy rin si Sam sa kanyang latest album under Universal Records.

Bago ang lahat, siya ay mas kilala bilang isang singer mula nang maging grand champion siya sa kiddie talent search na Little Big Star kung saan naging runner-up niya ang international artist na si Charice.

Pagmamalaki niya, “This is something new. I’m offering here a different me. Yung sa moves ko. Sa looks ko.

“Something you haven’t heard me do. Kumbaga, a new me na.

“Very different sa dating na-release ko,” pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN