Arjo Atayde admits attraction for loveteam partner Yam Concepcion

Given the chance, Arjo would love to work on a TV or movie project with his actress-mom, Sylvia Sanchez


Aminado ang young actor na si Arjo Atayde na attracted siya sa kanyang leading lady na si Yam Concepcion.

Magkasama ngayon sina Arjo at Yam sa bagong teleseryeng Dugong Buhay ng ABS-CBN.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) in a recent interview, "Oh, yeah... she’s pretty... and easy to talk to."

Hindi raw niya napanood ang debut starrer ni Yam na ipinalabas last year—ang Rigodon—pero halatang nagka-interes lalo si Arjo nang malamang maraming sexy scenes si Yam (with her leading man) sa nasabing movie.

"Sexy?" tanong pa ni Arjo, na nangingiti.

Pero sa Dugong Buhay, nothing of that sort daw ang mga eksena nila ng young actress.

"Ka-loveteam ko po siya [Yam]... hindi naman po siya ang una kong naging close [sa showbiz], pero she’s easy to talk to.

"So, nung storycon pa lang, okey na [kami]," banggit pa ni Arjo about Yam.

May kissing scene na ba sila ni Yam?

"Wala pa pong binibigay na script [na may kissing scene]... but, okay lang po yun, for work," sabi ni Arjo.

Si Yam ba ang tipo ng babae na puwede siyang maging serious, o ma-in love?

"We’ll see," ngumiti uli si Arjo. "Siguro po, throughout the project. Mabait naman siya, e. She’s easy to get along with.

"Hindi ko pa po siya masyadong kilala, but... oh, yeah, definitely, lumalabas-labas [na] din kami."

Arjo hopes na mag-click din ang pagsasama nila ni Yam sa action-drama series, bilang magkapareha.

"Opo, sana... we shall see," simpleng pahayag pa ng young actor.

PREFERS TO DO DRAMA. Bagamat inilinya ngayon sa isang action-drama series tulad ng Dugong Buhay, mas preferred pa rin daw ni Arjo ang paggawa ng straight drama, o gumanap sa mga dramatic roles na kung saan una siyang naparangalan.

"Yun nga po ang gusto ko, e," sabi niya. "Anyway, iisa lang naman po sila [ng genre type], action-drama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puspusan ang pagte-taping ngayon ni Arjo at mga kasamang aktor, tulad nina Ejay Falcon, Noni Buencamino, Lito Pimentel, Christian Vasquez, at Ana Capri, ng pilot week [and succeeding] episodes ng Dugong Buhay.

Bukod kay Yam Concepcion, isa pang baguhan, si Jed Montero, ang kasama nina Arjo sa main cast.

Ayon pa sa young actor, masyadong binubusisi ng direktor (Toto Natividad) ang mga action scenes, kaya naantala ang unang naiplanong pagsasahimpapawid, simula ngayong buwan (instead, mayroong Little Champ na mas inuna ng Dos ang pilot airing).

"Inaayos pong mabuti, kasi pilot, e. Pine-perfect," aniya.

Title lang ang kapareho ng serye sa pelikulang Dugong Buhay (1983), na unang pinagbidahan ni Bong Revilla Jr. kasama ang amang action star, si Ramon Revilla Sr.

Sa action-drama series, pagtukoy ni Arjo, "Tatlong generations po [ang involved sa kuwento]— youngest, teen-ager, then present.

"Sa present na kami [kabilang]," pag-inform pa niya.

Bilang isang mayaman at tipong spoiled brat, bagay kay Arjo ang ginagampanang papel.

"Parang bida-kontrabida. Bodyguard ko po dito si Ejay," pagtukoy din niya.

ON MOM SYLVIA. Wish daw ngayon ni Arjo na magsama sila sa isang project, sa TV man o pelikula, ng kanyang actress-mom na si Sylvia Sanchez.

"Pero wala pa pong ibinibigay [na project] sa amin, e," sabi ni Arjo.

Gusto rin daw sana niyang mag-guest sa Be Careful With My Heart, na very popular ngayon as a daytime drama series.

Papel ng nanay Teresita ni Maya dela Rosa (Jodi Sta. Maria) ang ginagampanan ni Sylvia sa serye.

"Wala pa [rin] pong ibinibigay [na offer to guest], e," aniya pa.

Nanonood ba siya ng Be Careful With My Heart?

"Sometimes, pag nagigising po ako nang ganung kaaga," nangiti si Arjo.

UNFULFILLED DREAM. Ang isa pang dream ni Arjo ay ang makatapos ng college (taking up Business), na hindi niya natapos bunga ng kaabalahan sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ma-i-fit [sa schedule] ngayon, e," sabi niya.

Otherwise, happy na siya sa takbo ng career niya; in so short a time, mayroon na siyang ilang maipagmamalaking accomplishments at achievements.

"Opo. Of course, blessing," sabi rin ni Arjo, na kabilang sa Star Magic talents.

At nagkuwento nang bahagya si Arjo tungkol sa enjoyment niya sa ngayon, tulad ng una niyang pag-attend ng Star Magic Ball last year.

"First ko pa lang... hindi pa po masyadong [masaya] kasi wala pa akong masyadong kilala, e."

Ang mga kasabayan ni Arjo sa Star Magic ay sina Markki Stroem, Bryan Santos, Ivan Dorschner, Empress Schuck.

Bukod sa pag-arte, nahasa rin si Arjo sa pagsasayaw.

Aniya, "Back in high school, I was part of a dance group, sa La Salle."

Kaya once in a while ay napapasabak siya sa dance numbers, sa ASAP on Sundays.

Pero puwede rin naman daw siyang kumanta, lalo’t very powerful ang voice niya.

"Nasa tono naman po," natatawa pang sambit ni Arjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN