Marion Aunor on her last name’s "magical" appeal: “Siguro nga dahil sobrang legendary si Tita Nora, pero hindi ko naman po ginagamit ang Aunor para sa reason na iyon.”

Marion Aunor on waxing nostalgic about her Tita Nora and mom Maribel’s glory days: “Opo, alam ko na tinitilian sila ng mga fans at iyong sampaguita [na sinasabit sa mga stars noon] ay abot hanggang mukha na nila sa dami… at may loveteam pa.”


Isa si Marion Aunor sa mga winners sa nakaraang Himig Handog Pinoy Pop Love Songs competition. Ang winning entry niya ay ang sariling komposisyon na “If You Ever Change Your Mind” na nakakopo ng 3rd place sa naturang event.

Lumaki si Marion na exposed talaga sa musika dahil ang mother niya ay ang dating teenstar na si Maribel Aunor at ang father niya ay mahilig din sa musika.

Katunayan, ito ang nagturo sa kanya sa pagtugtog ng piano. Around three years old pa lang ay nagsimula na siyang kumanta at pagdating ng five years old na ay nagsimulang matutong mag-piano.

After makilala sa Himig Handog P-Pop competition, isa nang ganap na recording artist si Marion ngayon sa ilalim ng Star Records at kasalukuyang tinatapos ang kanyang debut album under the strict supervision ng kanyang mentor at talent manager na si Vehnee Saturno.

NEW ALBUM. “Excited po ako sa bagong abum na ito and maraming nagsu-support sa akin dito, sana ay magustuhan din nila yung the rest of the album,” panimulang saad ni Marion nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recording ng album niya sa Vehnee Saturno Recording Studio sa Times St., Quezon City last March 13.

“Nasa process pa po kami ng pag-record ng songs. Parang, like, last three songs pa po. Iyong magiging carrier single po nito ay sarili kong composition,” dagdag pa niya.

Nagsimula siyang mag-compose ng mga kanta noong high school nang sumali siya at manalo sa graduation song writing contest para sa batch nila sa La Salle Alabang.

Sa ngayon, about 20 songs na ang nagawa niya, ngayon pa lang daw kasi siya nagiging active talaga sa paggawa ng kanta.

FINALS NIGHT JITTERS. Aminado si Marion na ang biggest exposure niya ay ang P-Pop Himig Handog at sobra raw siyang kabado noong Finals Night.

“Sobrang kabado po ako, kasi ito ang biggest exposure ko. Sa school lang kasi ako usually nagpe-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At most, doon sa mga bar gigs, sa mga college na organization na gumagawa sila ng mga gigs. Kasi, may banda ako noong high school, pero nag-quit na rin ako during college.

“So, from school to MOA Arena... so parang, malaking shift talaga kaya talagang sobrang kabado ako, so yun po.”

Anong tips ang ibinigay sa kanya ng mother niya para huwag masyadong kabahan at mabawasan ng kaunti ang pressure.

“I don’t know,” nakatawang wika niya. “Parang sinabi po niya na mag-relax lang ako, tapos just give my best, tapos ay lalabas na lang daw iyon sa performance ko.”

Bago natapos ang kanta niya sa P-Pop ay napa-iyak siya; dahil ba naaalala niya ang kanyang ex since ang song niya ay ukol sa kanyang naging past relationship?

“Hindi naman po, actually, wala na po sa akin talaga iyon... carried away lang talaga. Kasi po ay iyakin lang talaga po ako.

“Like kapag alam ko na parang sad iyong ano... kunwari ay manonood ako ng sad na movie o makakarinig ako ng sad na story, parang naiiyak na po ako agad.

“So, especially since song ko iyon, all the more na parang na-carried away po ako doon,” banggit pa ng 20-year old na dalaga na graduating this March sa Ateneo de Manila sa kursong Communication Technology Management.

Naapektuhan yata ang voice niya sa bandang huli dahil sa pag-iyak niya habang kumakanta?

“Yeah, medyo po parang pabulong na nga lang ako sa bandang end…”

Pero akala ng audience, ganoon talaga dapat ang effect niyon na parang nag-fade-out, hindi ba?

“Yeah, opo, pero parang mas nakatulong naman, parang mas maganda dahil medyo mas naka-relate iyong mga tao at nakatulong iyon sa kanta.

“Akala nila talagang ganoon po iyon dapat, e,” nakangiting wika pa niya.

THE “AUNOR” MAGIC. Naniniwala ba siya na ang apelyidong Aunor ay may magic daw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t really know,” nakatawang sagot uli niya.“I mean, siguro nga dahil sobrang legendary si Tita Nora, pero I don’t know, hindi ko naman po ginagamit ang Aunor para sa reason na iyon.

“Parang, personal reason po talaga, I’ve been using it since I was in grade school, e.”

Pero plus factor ba kapag nalaman nilang isa siyang Aunor?

“I guess so, like, parang naku-curious agad ang mga tao. So, I guess that’s the plus part, kaya lang iyon nga po, may mga expectations kung kasing galing ba siya ni ano... pareho ba ng boses…may mga pros and cons…

“Pero parang kapag napakinggan naman nila ang boses, parang nari-realize nila na sobrang iba naman po, kaya hindi naman naku-compare directly talaga”

Aware ba siya kung gaano kasikat noon ang mother niya at si Nora mismo?

“Opo, alam ko na tinitilian sila ng mga fans at iyong sampaguita (na sinasabit sa mga stars noon) ay abot hanggang mukha na nila sa dami… at may loveteam pa.”



WORLD TOUR. Nasabi rin ni Marion na excited at very honored siya sa pagkakasali niya sa World Tour ng Be Careful With My Heart na magsisimula na this month.

“Sa March 28 po yata yung first show sa Middle East, Abu Dhabi and Dubai. Afterwards… hindi pa po ako sure sa schedule, pero pupunta rin sa US, Canada and maybe Europe.

“Very honored po ako na makakasama sa kanila, dahil alam ko na sobrang sikat sila at maraming nahu-hook sa show nila.

“Excited ako na makasali sa ganoong kalaking world tour at makakasama ko sina Sir Chief [Richard Yap] at Maya [Jodi Sta. Maria],” nakangiting saad niya with matching giggles pa.

PROUD PINOY. Lastly, ano ang masasabi niya sa talent ng mga Filipino pagdating sa music?

“I think, hindi mo talaga maiaalis sa mga Filipino ang music. I don’t know, I mean, kapag may mga gatherings, talagang makikita mong laging may mga karaoke and all that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yeah, I’m very proud of the Filipinos and I’m very proud sa music industry and thankful po ako na makakasama na ako sa industry na iyon, magiging part na ako nito.

“Iba po talaga ang talent ng mga Pinoy sa music, world class talaga at sana ay makapag-contribute ako sa lalo pang ikauunlad ng ating musika,” pagmamalaki niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN