Jennica Garcia on her reaction if ever her boyfriend Alwyn Uytingco proposes marriage: “Sa amin na po muna yun.”

Jennica on how her mom Jean Garcia misjudged Alwyn’s character before: “Tapos si Mommy, nakakatawa... siya na mismo ang nagsabi na yun nga, nag-judge raw siya agad. Pero bilang mommy ko siya, I cannot blame her.”


Masaya at kuntento na nga ba si Jennica Garcia sa takbo ng career niya ngayon?

Kung tutuusin, isa si Jennica sa masasabing magaling umarte sa mga young Kapuso actress ngayon, pero parang mailap pa sa kanya ang mga lead roles na siya talaga ang bida at nagdadala ng isang teleserye.

Ngayon kasi, sa kanilang afternoon prime, ang Bukod Kang Pinagpala, tatlo silang mga babaeng nag-aagawan sa karapatan ng batang si Mona Louise Ray.

Pero ayon kay Jennica, mas okay raw siya ngayon sa career niya.

Sabi nga niya, “Ako kasi, naranasan ko na yung... two years ago, naranasanan ko ang nine months [of no work]. So, kapag mga pahinga na three months, kering-keri na yun.

“At saka, ako naman po, contract artist naman ako ng GMA. Hindi naman ako kinakabahan kapag walang work. Nakasaad naman po sa contract kung ilang shows ako for this year, so, expecting naman po ako palagi.

“And thankful din kay Lord kasi, bago maubos ang kaperahan, dumarating ang show.

“Kasi siyempre, meron akong mga monthly na binabayaran. Pero ngayon ang saya ko kasi, okay na ang kotse. Ang laki rin no’n. Ang laking bagay rin no’n, so, condo na lang.”

Hindi raw ba nanghihiram si Jennica sa mommy niya na si Jean Garcia kapag wala ng pera?

“Ay, hindi pa naman nangyayari yun... muntik na. Noong nine months, pero, hindi naman po nangyari, buti na lang.”

Yung pera niya, pera niya talaga?

“Opo, but I help with the household bills... with the rent. I pay for my brother’s educational plan.”

Ang nanay naman daw niya ang nagbabayad ng tuition fee ng kapatid at personal choice naman daw niya ang ikuha ang kapatid na si Kotaro ng educational plan.

RELATIONSHIP WITH DAD. Naitanong din namin kay Jennica sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Bukod Kang Pinagpala noong Miyerkules sa Tagaytay kung kumusta na ang relasyon nila ng kanyang amang si Jigo Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jennica, “Ay, okay naman po. Actually, ang something in common po talaga sa amin ni Papa— sorry ha, naisingit ko lang— ang hilig namin sa aso.

“Kinabog na niya ang thirteen dogs namin sa balur [bahay]. Mga nasa 14 [dogs] yata ang nasa kanya.”

Barangay Captain daw ang Tatay niya sa Quezon City. Pero hindi raw niya alam kung may plano itong tumakbong Konsehal ngayon.

“I don’t know po, pero siyempre, whatever his decision naman po, I will support him. Pero, ako naman po talaga... di ba, pataas ng pataas yan? Nagsimula naman siya Kagawad, tapos Barangay Chairman.

“Di ba, darating ka sa term na hindi ka na puwedeng tumakbo ulit. So, no matter how much the city loves you, kailangan mong umakyat.”

Kinakampanya naman daw niya ang tatay niya kapag tumatakbo ito.

LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife niya, marami ang nakakapansin na tila tahimik lang daw ang relasyon nilang dalawa ni Alwyn Uytingco hindi katulad noon na palaging may isyu.

Sabi naman ni Jennica, “Siguro kasi, ang tagal na at saka, dedma sa earth lang ako. Dedma sa comment ng maraming tao. Dedma lang.

“Tapos si Mommy, nakakatawa... siya na mismo ang nagsabi na yun nga, nag-judge raw siya agad.

“Pero bilang mommy ko siya, I cannot blame her.”

Tatlong taon na raw silang mahigit ni Alywn.

At sinabi nga namin kay Jennica na nang makausap namin si Alwyn, nabanggit nito na gusto nito, bata pa lang sila magpakasal na. Sa ngayon, naghahanda at nag-iipon lang ito.

“Hindi ko alam kung paano naman mag-react naman diyan,” nakangiti niyang sabi.

“I am very happy that he has plans. Siyempre, ayaw naman natin na yearly, iba-iba. Kapag nakikipag-relasyon naman ako, hindi naman ito dapat ito... next year, iba naman.

“I am very happy because my relationship with Alwyn, like last year... feeling ko, nag-iiba yung boyfriend ko for the better pero, iisa lang ang itsura niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita kong nagma-mature siya emotionally, spiritually... so, sobrang thankful ako kay Lord talaga.”

Pangalawa pa lang naman daw si Alwyn sa naging boyfriend niya. Ang una nga ay si Martin Escudero.

Ang tanong ngayon, kung sakaling mag-propose na nga sa kanya si Alwyn at ayain siya nitong pakasal, nakahanda na rin ba siya?

“Sa amin na po muna yun.”

Humingi pa ito ng paumanhin sa pagsasabing, “Sorry ha. Ako naman, I am very vocal with my relationship from Mart to break-up to Alwyn at mga problema.

“Pero ito, gusto ko po sana na sa amin na muna naming dalawa.”

Palaging natatanong ang relasyon ni Alwyn sa Mama niya na si Jean.

Pero kumusta naman pala ang relasyon ni Alwyn sa Papa niya?

“Si Papa kasi, never nagsabi yan even sa dati pa na, ’gusto ko ‘to,’ ’ayaw ko ‘to...’ wala. Pero, wala ka rin maririnig sa kanya na, ’o, gusto ko yan,’ ’ayaw ko yan.’ Hindi kagaya ni Mama na very vocal. Ang mommy ko, magsasalita yan.

“At saka, nanay kasi. At saka, nakita niya kasi akong ma-heartbroken, so, nalurkey [naloka] siguro siya, hindi niya kinaya.”

Paano nga ba siya nag-mature sa pakikipag-relasyon?

“E, kasi, sa totoo lang, kahit naman kay Mart, seryoso na talaga ko.

“Noong kami ni Alwyn, feeling ko, a okay, ito ang hindi dapat gawin. Kasi, kapag ganito, ito yung hindi magwo-work. Ito ang nangyari noong una.

“Dumating din kasi kami sa point ng relationship namin ni Alwyn na naging shaky rin. It so happened na he’s very patient with me. And in this relationship, we have God in the center. So, it’s different.

“Every time na wala na kaming pasensiya sa isa’t-isa, we get our patience and strength from God. So, hindi kami nauubusan. Yun siguro.”

COMFY WITH MOM ROLE. Sa isang banda, isa sa may mataas na rating sa afternoon prime ang Bukod Kang Pinagpala. Pero hindi lang daw sa rating, masaya rin daw silang lahat sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Jennica, “Lalo na po si Cams [Camille Prats], isa siya sa friends ko po sa industry.”

Bilang si Ofelia, ano na nga ba ang mangyayari sa karakter niya?

“Si Ofelia, obviously, talagang umiikot lang ang mundo niya sa anak niya. In my opinion, sa akin ha, medyo selfish na because it’s all about me, me, me. Wala na yung how the baby would feel. Puro sa akin, akin, akin.”

Kumportable na siya ngayon sa papel niya na isang nanay na talaga?

“Kumportable na,” saad niya.

“Kasi noong una, medyo uneasy, e. Pero ngayon, feel na feel ko na talaga na anak ko na ‘to. Ako pa naman, kapag umaarte, hindi ko pa naman kaya yung mag-iisip ka ng malungkot. Hindi kagaya noong bago-bago pa.

“Dati, nailagay ko na lahat sa kabaong. Wala na, nagagasgas siya. So, kailangan mong mag-isip ng bago.”

Wala na rin yung ilang na ang bata nga nilang nanay na lalo na sa part niya?

“My mom was once a young mother, e. So, hindi naman ako uneasy ro’n. Medyo naano lang ako kasi, feeling ko, kalaro ko lang si Mona. Umaarte-arte lang. Pero, okay naman po ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN