Ritz Azul on co-star Baron Geisler’s erratic behavior: “Sobrang nakapanghihinayang talaga, kasi ang galing niya.”

Ritz on whether Derek has been extra sweet to her at all on the set of Kidlat: “Ah… wala naman, wala naman. Sweet naman kasi si Derek sa lahat ng katrabaho niya, e.


Kabilang si Ritz Azul sa mga nakiisa sa masayang 6th anniversary party ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, March 14, sa Aracama restobar sa The Fort, Taguig City.

Nabanggit ni Ritz na dahil sa taas ng ratings ng TV series nilang Kidlat sa Kapatid Network, nagkaroon pa ng extension ang seryeng ito na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

“Ang dinig ko hanggang May ’to... na-extend, e. Although I’m not sure kung hanggang kailan talaga.

“Ang masasabi ko, habang tumatagal ay lalong dadrami ang mga exciting na eksena na dapat abangan ng mga tao,” panimulang bungad ng aktres sa panayam ng PEP.

“Ako bilang si Joey [karakter niya sa Kidlat], ako rin nag-aabang, pero nung nabasa ko na yung script, sobrang ang gaganda ng mangyayari. And ang daming pagbabago, ang daming exciting na episodes…

“So… hindi kasi ako puwedeng magsalita kung ano ang mangyayari, e, pero sobrang na-e-excite talaga ako,” dagdag pa niya.

THREE’S A CROWD? Tatlo na bale ang leading ladies ni Kidlat dito, bukod kasi kina Ritz at Nadine Samonte, pumasok na rin sa seryeng ito ang newcomer model/actress na si Valerie Weigmann.

Dahil dito, hindi kaya mabansagan si Derek bilang pinaka-pabling na superhero?

Tumawa muna nang tumawa si Ritz bago sumagot. “Kasi, andoon naman sa story yun... nandoon yun sa twist ng story na kung saan gaganda... na magiging masaya ang mga manonood.

“Kaya hindi naman siguro siya masasabihan ng ganoon. And carry naman ni Derek yun, e... kering-keri niya,” nakangiting sagot pa ni Ritz.

KIDLAT’S SWEET SIDE. May balita na tipong may mga sweet moments si Derek at Nadine. Nagpaparamdam din ba sa kanya ang hunk actor?

“Nagpaparamdam? Hindi naman siya multo, e,” nakatawang biro ni Ritz.

“Ah… wala naman, wala naman. Sweet naman kasi si Derek sa lahat ng katrabaho niya, e. Ako binigyan niya ng Tim Tam, si Erica binigyan niya rin ng chocolates. So, sa lahat naman ay sweet siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SYMPATHY FOR BARON. Tungkol naman sa kasamahang si Baron Geisler na balitang tinanggal o may problema sa seryeng Kidlat, nagpahayag si Ritz ng panghihinayang dito.

Tinanggal na ba talaga si Baron sa Kidlat?

“Well, matagal ko na siyang hindi nakikita sa taping and may mga naririnig nga akong mga ganoong ‘eksena’…

“Nanghihinayang talaga ako kasi sobrang galing ni Baron, e, idol ko siya sa pag-arte. Pero sana naman ay maayos ang mga bagay-bagay,” kuwento niya.

Nakita ba niya ng personal ang sinasabing iringan ng isang cast ng Kidlat at ni Baron at ang komprontasyon ng aktor sa lead star nilang si Derek?

“Hindi ko nakita ng personal, kasi dalawang unit kami noon at nasa isang unit ako. And nandoon sa isang unit si Baron.

“Pero habang nasa isang unit ako ay naririnig ko nga kung ano ang nanagyayari, nababalitaan ko.

“Niyaya nga nila akong pumunta sa kabilang unit, pero sabi ko, ‘Ayaw ko, baka mapanganib’ at nakakatakot, e,” nakatawang saad ng dalaga.

May personal na bad experience ba siya kay Baron?

“Ako, wala naman, kasi marami namang nagbabantay sa akin... yung mga staff.

“Ah… minsan, kapag napapansin nila si Baron, napagsasabihan naman nila kaagad.

“Ano naman siya... sumusunod, pero siguro may isang time talaga na may napuno… or hindi ko alam...” bitin na pahayag pa ng Kapatid actress.

May instance ba na napansin mo na habang nagtatrabaho siya ay tipsy or naka-inom?

Aniya, “Minsan, oo minsan parang hyper siya, pero hindi naman siya nananakit or something. Minsan lang, minsan medyo, minsan lang naamoy…”

Pero kahit kargado ba siya o naka-inom ay pinapayagan siyang magtrabaho?

“Oo kasi, hindi namin… alam kung minsan, e, hindi namin alam na naka-inom pala.

“Pero okay naman siya, minsan lang talaga medyo nahihirapan yung ibang staff, kasi nagiging makulit kung minsan.

“Hindi naman yuong bad na ano... yung biglang medyo makulit,” patuloy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaka-apekto ba ito sa trabaho ni Baron kapag take na o normal na siya kapag take na?

“Sa take, nandoon pa rin kasi yung character niya, e, ang galing nga niya, e. Sobrang naaano ako sa paggawa niya ng character, pero may times na nabubulol siya. ’Yon, minsan nabubulol siya.”

So, nanghihinyang ka sa talent ni Baron?

“Sobrang nakapanghihinayang talaga, kasi ang galing niya, saktong-sakto siya sa character ni Vincent as Diablo,” sabi niya.

Pero mas okay sa iyo kung magtatrabaho si Baron na hindi naka-inom?

“Oo naman, siguro lahat ay sobrang magiging masaya, pati iyong mga fans niya. Ang dami pa naman niyang fans,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN