Aljur Abrenica gears up for forthcoming birthday celebration; plans charity concert in April

Aljur on paying it forward: “Siyempre, kasi marami tayong blessings, it’s a way ng pagpapasalamat... way of showing my gratitude sa lahat ng taong sumusuporta sa akin at ibabalik natin yun sa mga kapus-palad.


Hindi raw masyadong nakapag-rehearse si Aljur Abrenica para sa kanyang guesting sa The Dream Cancer-t kagabi, March 16, sa Zirkoh, Tomas Morato Avenue, Quezon City, pero maganda pa rin ang kanyang spot number.

Ang The Dream Cancer-t ay isang benefit show para sa mga batang may kanser na kasalukuyang naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Aljur, masaya siya kapag nagpe-perform on stage lalo na kapag ito para sa ikabubuti ng mga kapus-palad.



BIRTHDAY WISH. Pagkatapos ng kanyang performance, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang binata.

Una muna naming inusisa kung ano ang plano at wish niya para sa nalalapit niyang kaarawan sa darating na Linggo, March 24. Magtu-twenty-three na siya sa araw na yun.

Lahad niya sa PEP, “Sana sa araw ng kaarawan ko makasama ko lang lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko, yun lang naman.

“Pamilya, kaibigan at lahat ng mga taong kilala ko at nagmamahal sa akin kasi gusto kong i-celebrate at i-share yung blessings ko sa kanila.

“Na parang [pa-] thank you, na parang pagpapasalamat na pinagtitiyagaan nila ako.”



FAMILY CONCERT IN BATANGAS. Sa hometown daw ng kanyang ama sa Batangas magdiriwang ng kanyang birthday kasama ang buong pamilya.

Sabi ni Aljur, “Lahat naman imbitado, sa Batangas sa araw mismo ng 24.

"Hindi ako nakapagplano talaga kasi busy, pero nasa Batangas kami niyan.”

Magkakaroon daw sila ng maliit na konsiyerto doon para sa kanilang mga kababayan.

Aniya, “Yung sa 24, parang family concert ’yan.

"Andiyan sina Vin, si Daddy Jojo, ako, si Allen... parang pagpapapasalamat na rin sa mga kaibigan ni Daddy sa Batangas... sa hometown namin.

“Parang yung celebration dun kasi para kay Daddy na siyang nag-organize.

"Tapos ako naman yung sa Manila kasama ko yung mga kaibigan ko at yung kikitain nun para sa charity sa Mabalacat, Pampanga."



CHARITY CONCERT IN MANILA. Ang tinutukoy ni Aljur na selebrasyon sa Maynila ay isang concert kung saan ang kikitain ay ipapamahagi sa kanyang napiling charity sa hometown naman ng ina niya sa Pampanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso actor, “Pero magkakaroon ako ng sariling party aside dun sa family party sa Batangas.

"Sa April magkakaroon ako ng concert, tapos magpapa-ticket ako. Yung kikitain nun, ibibigay natin sa charity.”

Ito raw ay bilang pagbabalik-biyaya dun naman sa mga taong hindi masyadong pinalad sa buhay.

Dugtong pa niya, “Siyempre, kasi marami tayong blessings, it’s a way ng pagpapasalamat, way of showing my gratitude sa lahat ng taong sumusuporta sa akin at ibabalik natin yun sa mga kapus-palad.

“Yung charity na naisip ko kasi ay yung sa Pampanga na may mga kapansanan, na high school pa lang ako tinutulungan ko na.

“Sila yung mga iniiwan at inabandona dahil may mga kapansanan.”

Matagal na raw ginagawa ni Aljur ang pagtulong pero tahimik lang daw ito at hindi naman kailangang ipagsabi.

Aniya, “Well, kailangan naman, e, dapat lahat tayo, lahat ng tao na blessed, kumbaga i-share natin yung blessings natin.

“Kasi merong ibang tao dito sa mundo na kahit anong gawin nila na pagpupursige o pagsisikap, hindi pa rin sapat yung kinikita nila.

“Lalo na yung mga may kapansanan, hindi sila makapagtrabaho, di ba?

"So ’yan yung dapat nating tinutulungan, hindi lang dapat ako kundi sana lahat tayo.”

Samantala, sa Martes, March 19, na mapapanood si Aljur sa GMA-7 primetime series na Indio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN