Xian Lim on relationship with Kim Chiu: “Nasa point ako na ipinapakita ko sa kanya na there’s always someone who treats her very special.”

Iwas-pusoy pa rin si Xian Lim kapag napag-uusapan ang isyung Kim-Maja-Gerald. Sabi niya, “We don’t really talk about it. Kasi hindi ako kasali kaya I’m not in a position to say anything.”


Pagkatapos ng mga primetime series na My Binondo Girl at Ina Kapatid Anak, isang pelikula naman ang ginagawa ngayon nina Xian Lim at Kim Chiu under Star Cinema.

Kinumpirma ito ni Xian nang makausap siya ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) kahapon, March 16 sa ASAP.

Sabi ng young actor, “I’m doing a movie right now. Yeah, with Kim—it’s our first time doing a movie together.”


AT LAST, A MOVIE. Ano ang pakiramdam niya na finally ay meron na silang movie?

Sagot ni Xian, “Siyempre excited... siyempre may pressure.

“I’m really praying na it will turn out great.”

Saan ba galing ang pressure na iyon? Dahil ba sa sunud-sunod na loveteam movies ang ipinalabas kailan lang, tulad ng A Moment In Time nina Coco Martin at Julia Montes It Must Be Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

“No naman,” pagtanggi ni Xian.

“It’s more of… it’s my first movie with Kim. And it’s also my first lead role in a movie...

"Yun at marami pang bagay.”



FIRSTS. Ano ba ang bagong maipapakita nilang dalawa dito ni Kim kung ikukumpara sa una nilang pagsasama sa telebisyon?

Ayon kay Xian, “Ano kasi… ang ano dito ay basically pareho kaming bago ni Kim.

“So, marami pa kaming maipapakita ni Kim sa tao na hindi pa nila nakikita.

“One thing is we’re in a big screen this time, iba yung story as before.

“Kung anuman yung limits namin sa series before, I hope dito sa movie.., mas malawak yung pwede naming ipakita—both as actors and as persons.”

COMPARISON. Matatandaan na tinangkilik noon nang husto ang tambalang Kim at Gerald Anderson.

Hindi ba siya nai-insecure na mag-suffer sila in camparison?

“No, of course not!” paniniguro ni Xian.

“All I know is that we’re working on it together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, what we do is prioritize our work.

“Hindi naman namin iniisip na gumawa kami ng movie o nagiging close sa kami sa isa’t isa para ma-compare, di ba?

“Kung ano meron kami, then that’s it. It’s not actually to please everyone.”

Sabi pa niya, “Kaya nga I don’t read much about kung ano ang nasusulat ‘coz I don’t entertain negative thoughts. Tipong ganoon.

"It’s really up to them na... people can say whatever they want to say as long as hindi ako affected.

“Pero siyempre, hindi mo naman talaga maiiwasan ‘yan.

"Pero I don’t want to comment any further."



YACHTING. Inusisa namin kay Xian kung saang level na ba talaga ang closeness nila ni Kim matapos ang kanilang Valentine’s event.

Naikuwento dati ni Xian na isang yacht ride ang naging Valentine gift niya sa kapwa Kapamilya star na pinag-umpisahan ng dudang silang dalawa na nga.

Komento niya, “Well, nasa point ako na ipinapakita ko sa kanya na there’s always someone who treats her very special.

“There’s always someone who’s gonna be there for her... na narito para suportahan siya.

“And I’m sure na ganoon din siya—yung susuportahan din niya ako.”

Ano ang pakiramdam ni Kim kapag ipinadadama niya ito sa kanya? Nararamdaman din ba niya na he’s being reciprocated?

“Normal lang. For us, we’re just being very professional,” kaswal niyang sagot.

Dagdag ni Xian, “We’re taking each day one at a time.

“Basta, I’m here to make her feel na she’s someone special... that someone really cares for her.”



NO COMMENT. Sa pagkakataong ito, inalam din namin kung ano ang masasabi niya sa intriga between Kim and Maja Salvador na magkasama pa hanggang ngayon sa Ina Kapatid Anak.

Naging usap-usapan kamakailan na ang dahilan ng kanilang “away” on- and off-cam ay si Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kim ay ex-girlfriend ni Gerald ,na ang napapabalitang nililigawan naman ngayon ay si Maja.

“We don’t really talk about it,” mabilis na sagot ni Xian.

“Kasi hindi ako kasali kaya I’m not in a position to say anything.

“Kaya nga sabi ko sa iyo, na I don’t read much kasi ayaw ko talagang ma-involved.

“But I think they will always be friends,” na pilit na niyang iwas sumasagot.

“Basta kung meron mang pinagdaanan ngayon si Kim, I’m here for her.

“I will understand her feelings and I will respect kung wala siyang sasabihin sa akin.

“Kaya nga sabi ko, we don’t talk about it.”

Inamin ni Janice de Belen sa isang panayam ng PEP na merong tensiyon na namamagitan talaga kina Kim at Maja. Si Janice ang gumaganap na ina ng dalawa sa Ina Kapatid Anak.

“No comment ako diyan,” nangingiting sabi ni Xian nang hingan ng reaksiyon tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN